it's february 14.
another valentines day ang lumipas.
and for 23 years i never experienced it to be with someone romantically.
ang post na ito ay hindi nagbibitter.
kundi nagtatanong lang.
sumasagi na kasi ngayon sa isip ko kung ano ang pakiramdam ng nababaliw sa pag-ibig ng hindi one sided lang ha? yung may mutual understanding. ano nga bang pakiramdam ng nasasabihan ng i love you? nakakakilig na parang sa pag-ihi? masaya na parang nanalo ka sa lotto?
ano ang lasa ng mga halik na may pagmamahal? matamis gaya ng tsokolateng bigay tuwing valentines? o maanghang gaya ng sili na nagaalab sa init? o lasang gatas mula sa dodo ng cow?
anong ang feeling na may minamarkahang monthsary every month? o inaantabayanang anniversary? exciting ba gaya ng paghihintay sa pasko? nakakaatat gaya ng mga bubuksang regalo tuwing birthday?
ano kaya ang pakiramdam ng may nagiisip na iba sa'yo? yung meron kang kayakap sa malalamig na gabi? yung meron kang ka-hhww sa park? anong pakiramdam pag hawak mo kamay niya? sing lambot ng cotton candy? o sing huggable ng teddy bear?
ano nga kaya ang pakiramdam ng hinaharana? ang nililigawan? ang sinasagot? anong pakiramdam ng nasasaktan dahil sa pag-ibig? parang minamartliyo ang puso? parang pinapapak ng libo-libong langgam? o parang sinusunog ng buhay?
ano kaya ang kaibahan ng paglingon sa pagtawag na "bebe" sa pagtawag ng "hoy"? mas nakasasabik ba? may musika ba sa tenga na parang may choir na kumakanta o may mga nagbibiyolin? ano kaya ang pakiramdam?
ano ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal? parang isang sayaw na dalawahan? walang kasing tamis gaya ng pulot pukyutan? sing init ng summer? sing ginaw ng tag-ulan?
ang dami kong tanong. alam ko naman na balang araw masasagot. ang tanong, kailan? baka mamaya, o bukas, o baka sa susunod na balentayms... gusto ko lang din naman maramdaman, yung hindi lang ako ang nagmamahal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...
Okay lang yan tol. So many questions, but the answers are so few.CHing. heheh. Yaan mo, next balentayms, magdedate tayu. hehehe
ReplyDeleteawww.sweet. haha tatandaan ko yan ha!
ReplyDeletehumanda ka next balentayms! haha :p
I tell you Sabel! It's the bestesest feeling in the world. Words may not be enough to describe it. Kaya nga pag natikman hinahanap hanap, at pag nasaktan ay pilit na inaayawan na. Here's to us singlettes on Balemstayms day! Some day we'll find it, the rainbow connection...
ReplyDeletemasarap masabihan ng i love you in return. ahehe masarap ang may nagiisip na iba sa yo.
ReplyDeletemalay mo sa susunod masabi mo na rin yan. :D
super belated happy vday. ahehe
hehe tama luis! cheers to our singles!
ReplyDeletetalaga quest? sige nga sabihan mo ako ng i love you. haha. chos lang! :p
BELATED HAPPY VDAY GUYS!