Monday, February 14, 2011

ano ang pakiramdam ng minamahal?

it's february 14.
another valentines day ang lumipas.
and for 23 years i never experienced it to be with someone romantically.
ang post na ito ay hindi nagbibitter.
kundi nagtatanong lang.

sumasagi na kasi ngayon sa isip ko kung ano ang pakiramdam ng nababaliw sa pag-ibig ng hindi one sided lang ha? yung may mutual understanding. ano nga bang pakiramdam ng nasasabihan ng i love you? nakakakilig na parang sa pag-ihi? masaya na parang nanalo ka sa lotto?

ano ang lasa ng mga halik na may pagmamahal? matamis gaya ng tsokolateng bigay tuwing valentines? o maanghang gaya ng sili na nagaalab sa init? o lasang gatas mula sa dodo ng cow?

anong ang feeling na may minamarkahang monthsary every month? o inaantabayanang anniversary?  exciting ba gaya ng paghihintay sa pasko? nakakaatat gaya ng mga bubuksang regalo tuwing birthday?

ano kaya ang pakiramdam ng may nagiisip na iba sa'yo? yung meron kang kayakap sa malalamig na gabi? yung meron kang ka-hhww sa park? anong pakiramdam pag hawak mo kamay niya? sing lambot ng cotton candy? o sing huggable ng teddy bear?

ano nga kaya ang pakiramdam ng hinaharana? ang nililigawan? ang sinasagot? anong pakiramdam ng nasasaktan dahil sa pag-ibig? parang minamartliyo ang puso? parang pinapapak ng libo-libong langgam? o parang sinusunog ng buhay?

ano kaya ang kaibahan ng paglingon sa pagtawag na "bebe" sa pagtawag ng "hoy"? mas nakasasabik ba? may musika ba sa tenga na parang may choir na kumakanta o may mga nagbibiyolin? ano kaya ang pakiramdam?

ano ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal? parang isang sayaw na dalawahan? walang kasing tamis gaya ng pulot pukyutan? sing init ng summer? sing ginaw ng tag-ulan?

ang dami kong tanong. alam ko naman na balang araw masasagot. ang tanong, kailan? baka mamaya, o bukas, o baka sa susunod na balentayms... gusto ko lang din naman maramdaman, yung hindi lang ako ang nagmamahal.

5 comments:

  1. Okay lang yan tol. So many questions, but the answers are so few.CHing. heheh. Yaan mo, next balentayms, magdedate tayu. hehehe

    ReplyDelete
  2. awww.sweet. haha tatandaan ko yan ha!
    humanda ka next balentayms! haha :p

    ReplyDelete
  3. I tell you Sabel! It's the bestesest feeling in the world. Words may not be enough to describe it. Kaya nga pag natikman hinahanap hanap, at pag nasaktan ay pilit na inaayawan na. Here's to us singlettes on Balemstayms day! Some day we'll find it, the rainbow connection...

    ReplyDelete
  4. masarap masabihan ng i love you in return. ahehe masarap ang may nagiisip na iba sa yo.

    malay mo sa susunod masabi mo na rin yan. :D

    super belated happy vday. ahehe

    ReplyDelete
  5. hehe tama luis! cheers to our singles!

    talaga quest? sige nga sabihan mo ako ng i love you. haha. chos lang! :p

    BELATED HAPPY VDAY GUYS!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...