Wednesday, March 30, 2011

singkwent(o)

hindi ko alam pero parang uso yata ito sa mga blogs na nabasa ko. haha. nainggit ako. syempre dahil inggitera ako, gagaya ako. nyahaha. parang ang ganap 50 things about yourself lang so dahil diyan... 
  1. iyakin ako nung bata. pero hindi na ngayon. sobrang miss na miss ko nang umiyak. kahit gaano pa nakakaiyak ang pelikula, hindi ako naiiyak, hindi dahil sa pinipigilan ko pero natuyo na yata kasi ang luha ko. char. haha. pero alam ko naman na nakakaiyak siya. hehe.
  2. mahilig akong magbasa. sa totoo lang namimiss kong magbasa ng libro bilang ang dami na kasing distraction ngayon lalo na't sa internet palang. boo. hehe. sa sobrang hilig kong magbasa hindi lang books, newspapers o magazines ang binabasa ko. kapag bored ako nagbabasa ako ng kung anu-anong pamphlets, o kahit yung ingredients lang ng kung anong makita ko kaya naman pasok sa akin ang check the label! mga nakasulat na vandal, mga nakaprint sa shampoo o kung anuman... basta name it, basta may letra, binabasa ko na. haha.
  3. mahilig akong magsulat. nadiscover ko ito noong summer bago ako mag-grade 4 at ang unang kwentong sinulat ko ay actually isang komiks na tungkol sa mga pasahero ng isang pabagsak na eroplano. hehe pero high school ko lang narealize na gusto kong maging writer. 
  4.  mahilig ako sa mga teleserye. haha. kaya naman bukod sa pagiging field reporter, maging writer ng teleserye isa ko pang dream. haha.
  5. before i die gusto kong makapagsulat ng nobela, manalo sa palanca, makapagsulat ng film at ng isang episode sa shake, rattle and roll. haha
  6. speaking of films, mahilig akong manood ng mga pelikula at kahit anong genre pa yan. at ang mga favorite films ko napakadiverse! haha doremi, love of siam, manila by night, insiang, ilang shake, rattle and roll films, harry potter series, himala, a very special love, ang pagdadalaga ni maximo oliveros... haha form jologs to indie to mainstream to pa-deep. ah basta. :p
  7. people thought na dahil sa masayahin ako at palabiro, friendly na ako. well hirap akong mag-adjust sa bagong environment at natuklasan ko na meron akong three stages na pinagdadaanan bago makapagadjust. haha una, the kimi stage na yung tahimik lang ako at halos di mo na mapansin, ikalawa, the pasweet stage na parang dalagang pilipina at third, yung ako na. haha ibig sabihin napalagayan ko na ang mga tao. haha pero ngayon parang wala ng kimi-kimi stage. haha
  8. i have trust issues. so matagal ko bago pagkatiwalaan ang isang tao at kapag binigay ko ang tiwala ko umaasa ako na hindi niya sisirain yun.
  9. masasabi ko na ang isa sa mga asset ko ay i keep secrets hanggang sa aking grave. promise feeling ko kahit mag-away pa tayo hindi ko ibubulgar sikreto mo (ay teka baka pwede ko naman ibulgar pala. haha). my point is kapag sinabi mo saking bawal ipagsabi, promise hindi ko talaga sasabihin. unless suhulan ako para ilabas ang iyong sikreto. haha chos lang.
  10. isa akong catholic school baby. mula grade school kasi hanggang college, catholic schools ang mga naging eskwelahan ko. lumaki tuloy akong imoral. charot. 
  11. sobra akong kuripot. :p
  12. hobby kong mag-org noong college. haha noong fourth year active ako sa limang orgs. haha pinakaactive ako sa theater org, active din naman ako sa communication arts org namin, sa college paper, sa local comelec at sa isang university wide writer's guild. ako na! nyahaha. 
  13. mahilig ako sa anime well hindi na kagaya ng dati pero noong first year college sumali pa ako sa isang anime org sa uste. hahaha. kaloka. :p ang favorite animes ko ay ang fushigi yuugi at full metal alchemist.
  14. kahit na becky ako gusto kong magkaanak pero ang tanong sa paanong paraan? haha
  15. noong senior year ko sa high school tumakbo ako sa high school student council bilang business manager. well straight win naman ang nakuha ng partido namin.pero nakaranas naman ako ng pagkabigo noong grade school twice dahil dalawang beses akong natalo sa batasang pambata (elementary student council). ang saklap. haha may speech pa ako nun sa meeting de avance na kung si erap ay para sa mahirap, ako nama'y para sa lahat! pak. ayun talo. haha
  16. favorite number ko ang 13.
  17. noong bata ako hiniling ko na magkaroon ako ng third eye. well buti na lang hindi ako pinakinggan ng diyos. hehe i will always be fascinated with the supernatural.
  18. isa akong jumping rope champion noong grade six o five? haha dahil dun nilibre ako sa jollibee nang nanay ko. haha
  19. dalawang beses palang akong naiinlab. parehas na unrequited. :p
  20. kapampangan ang salita namin sa bahay. mekeni, mekeni kuwanan me ing bola king lalam ning tete. :)
  21. noong tinuli ako noong summer bago mag-grade five sinabi sa akin ng doktor habang ginugupit ang keme na "hindi ito ginagamit sa boys... dapat sa girls." whatever dok. haha
  22. apat na beses na akong napagkakamalang mamimick up ng prosti girls. hello? 
  23. napagkamalan na rin akong miyembro ng akyat bahay gang. haha kasi naman itong kabarkada ko nakalimutan ang susi ng bahay nila so para makapasok, we attempted na umakyat sa gate at kalikutin ito. pero dahil hindi siya palalabas, hindi siya kilala ng kapit-bahay niya na nakakita samin. ayun napagkamalan kaming magnanakaw sa tanghaling tapat at bago pa kami makuyog ng taong-bayan buti na lang may matandang nagpledge na taga-run nga ang barkada namin. haha
  24. at twenty five magpapatattoo kami ng best friend ko ng tweety bird ala claudine barretto. chos. syempre kung anumang design ang naisin namin. haha pero parang gusto ko na ngayon... makalabas na nga ng bahay. atat? haha
  25. dream school ko nun ang ateneo at vinivisualize ko na kapag dun ako nag-aral magiging san chai ako. haha ayun nasira ang pangarap ko kasi bumagsak ako. haha tinadhana akong maging tomasino at ipinagmamalaki ko ito. :)
  26. mahilig ako sa root beer, sarsi, cinammon at mustard na marami ang may ayaw.
  27. gitna ako sa tatlong magkakapatid. kuya, ako at ang bunsong babae. so pinapangalagaan namin ang balanse ng mundo bilang ako talaga ang gitna. haha
  28. no boyfriend since birth. 
  29. madali akong magpatawad at mahaba rin ang pasensiya ko. well i forgive pero i don't forget. pero hindi naman ako magsasaka... hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. nyehehe.
  30. if bibigyan ako ng panibagong talent paggising ko bukas, sana gumanda boses ko. haha
  31. pangarap kong maging housemate ni kuya. kaya naman noong season three sinubukan kong magaudition kasama ang isang kabarkada. haha pero bored lang kami nun at gusto ko lang maexperience. sa haba ng pila, naabutan kami ng cut off. it turns out masaya ang experience dahil sa pila palang samu't-saring tauhan na ang makikilala mo.
  32. i love conversations lalo na sa mga estranghero. pero mas listener ako kaysa puro talak kahit na madaldal ako. hehe mas gusto ko lang nakikinig sa mga kuwento ng tao.
  33. mas gusto ko ang written recitation kaysa oral recitation. nahihirapan kasi akong magexplain verbally e. haha kaya naman mas gusto kong magsagot ng essay kaysa magreporting. 
  34. nasampal ko na ang nanay ko. well dahil lang kasi nagulat ako sa kaniya basta bigla siyang sumulpot. haha sa sobrang shock ayun nasampal ko siya. pinagtawanan lang niya ako. haha
  35. mas gusto ko ang lakad na spontaneous kaysa planado. okay lang naman kasi ang planado pero i just love surprises. at mas madalas matuloy ay yung mga biglaan. one time kasama ng friend ko na si judee, wala kaming magawa isang madaling araw sumakay kami ng bus papuntang batangas at bumaba sa laguna. ayun pinuntahan namin ang bahay ni rizal at nagswimming sa hot springs at ang dala lang namin ay kung ano ang suot at bitbit namin ng araw na yun. haha siya rin ang kasama ko nung isang gabi na bigla na lang kaming pumunta ng baguio at the next day bumaba ulit ng manila. haggard pero fun. hehe
  36. kung ang pasok noong fourth year high school ay ten class days, eight dun late ako. haha shet nagwalk out adviser namin dahil napikon na sakin dahil sa araw-araw ay huli na naman ako. at ang catch fifteen to twenty minutes jeepney away lang school namin. haha
  37. iba ang pagkakakilala sakin ng pamilya ko kumpara sa pagkakakilala ng mga kaibigan ko sakin. example sa bahay akala nila tahimik ako at hindi palasalita... eh yun ang akala nila. haha ewan ko siguro karamihan naman may ibang katauhan sa harap ng family at iba rin namang makitungo sa friends. 
  38. baligtad na ang tulog ko. para na akong asuwang. gising sa gabi at tulog sa araw. insomniac na tuloy ako.
  39. nakakita na ako ng multo. pero syempre alam ko naman na hindi lahat ng pinagsabihan ko noon ay maniniwala sa akin. haha. isa siyang matandang babae na may mahabang buhok na umiiyak... actually tumatangis ang better term dahil grabe kung lumuha siya parang walang bukas. after nun mga paramdam na lang naranasan ko. hehe. okay lang. fun. lol.
  40. ang pangalan ko ang pinakamaikli sa aming magkakapatid. at may pattern na dapat may j at m. haha pero muntik na akong magkaroon ng second name na christian. kuya ko dalawa names niya tas yung bunso tatlo. ako lang isa. unfair! haha
  41. speaking of pangalan, ang maikli kong pangalan ay combination ng paboritong artista ng nanay ko at ng sa tito ko na bunso nila.
  42. naikot ko na lahat ng pwedeng maging participation sa isang santa cruzan, naging tagabuhat nung arko, mamamayan na kasama lang sa prusisyon, taga-usyoso at naging escort ng isa sa mga sinasagala. sayang hindi ko naexperience maging reyna elena. charos pempengco!
  43. dati nagpapanting ang tenga ko kapag sinasagot ako ng 'wala akong pakialam!' haha ngayon medyo na lang. kasi nakakapikon lang na ikaw na nga nagsheshare ng something tas sasabihan ka ng wala silang pakialam. haha
  44. pangarap kong makapag-aral sa ibang bansa. gusto ko ring mag-MA kasi binabalak kong magturo someday kapag gusto ko na lang ng tahimik na buhay.
  45. first time kong makaranas ng bagsak na grade noong first year college at sa dalawang subject pa. so muntik akong makick out! kasi isang subject na lang masisipa na ako sa uste. so naforce akong magsummer. boo. iniyakan ko yung mga bagsak na yun ha! ahaha well at least after nun hindi na naulit pa ang mga ka-singkuhan!
  46. simula grade one hanggang grade six may girl crushes pa ako. akalain mo yun?! pero alam ko na nun na there is something different na sa akin. ginugusto ko nun maging red ranger hindi dahil sa idol ko siya pero narealize ko ngayon na kasi crush ko siya. haha high school ko sinumulang yakapin ang aking sexuality. :)
  47. kung bibigyan ako ng pagkakataon mabuhay ulit, gusto kong subukang mabuhay naman as a straight man hindi dahil sa kinahihiya ko kung ano ako pero gusto ko lang malaman kung paano nga ba magiging takbo ng buhay ko kung hindi ako becky. pero of course wala naman akong pinagsisisihan sa buhay ko ngayon.
  48. may mga interesting na hula sa akin na mula sa iba't-ibang 'seer' ang tumatak sa akin. may hula sa akin na sisikat daw ako someday at yung pinakainteresting naman na nakita sa future ko ay yung pangatlong taong mamahalin ko at magmamahal sa akin ay ang papatay sa akin o ang ikapapahamak ko (basta something to that effect. hehe). shet so kailangan dapat makadalawa lang ako. haha
  49. aside from sa buong pilipinas, gusto kong makapagtravel sa ibang bansa. 
  50. kahit na kilala ko na ang sarili ko marami pa rin akong bagay na natutuklasan na kahit ako mismo ay kinagugulat ko. masayang umalis sa comfort zone paminsan. :)
whoa! haba nito a. :p

6 comments:

  1. Umiinom din ako ng sarsi. Ako lang ang dalawang pangalan sa aming magkakapatid kasi sabi tatalino ako pagtanda ko. They failed.

    ReplyDelete
  2. masarap ang sarsi dh di ba? :p

    ganun ba yun? kawawa ka naman nung bata. haba ng sinusulat mo! haha

    ReplyDelete
  3. Ako naman dalawa ang pangalan, yung pangalawa kong pangalan ang walang katulad sa Pilipinas na ginagamit ko ngayon, pero common sa Europa.

    Ako rin, gusto ko ring magturo! Eh anu naman kaya ang ituturo ko?

    ReplyDelete
  4. sabi ko nga sa blog mo canonista, im curious kung ano ang kakaiba mong pangalan. hehe

    parang masayang magturo di ba? pero feeling ko mahirap pero fulfilling. :)

    ReplyDelete
  5. noong tinuli ako noong summer bago mag-grade five sinabi sa akin ng doktor habang ginugupit ang keme na "hindi ito ginagamit sa boys... dapat sa girls." whatever dok. haha

    ----------------------

    NATAWA AKO DITO HAHAHAHAAH.

    bakit anong itsura ba ni junjun mo?

    ReplyDelete
  6. bwahaha actually nasabi yan ng doktor pilyo kasi naman binulgar ng tita ko na isa akong batang may tendency na magmahal sa kapwa lalaki. haha in short nilaglag ako ng tita ko. haha

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...