wala ng mas sasarap pa kapag hawak mo na ang iyong pinaghirapang diploma at wala ng mas eexciting pa sa pagsasara ng 17 years of your academic life at pagharap sa totoong mundo na labas sa apat na sulok ng iyong school.
pero the real world is actually hell full of demons and dark angels trying to snatch your dreams so kailangan maging handa di ba? so ano nga ba ang dapat tandaan as you embark this life changing journey?
- ibalot-balot na ang mga text books at sunugin na ang mga lecture na yan dahil wala pa sa 10 percent ang magagamit sa real world. actually mas magagamit ang mga lessons na natutunan outside the classroom more kaysa yung mga nasa loob.
- be intact with your values and beliefs. pagtuntong mo sa real world, either babaguhin ka nito o sasabay sa sistema.
- huwag maging idealistic mas lalo ka lang madidisappoint.
- huwag atat magtrabaho. magpahinga muna pero syempre choice mo pa rin. haha masaya ang part ng job interviews pero maganda rin na may target company ka na kung saan mo gustong magtrabaho.
- huwag masyadong maging bibo, well okay lang naman. haha kadalasan kasi kung sino yung bibo sa training medyo deads na kapag sa hands on na.
- be yourself at relax lang sa mga interviews. pero huwag masyadong kaswal.
- huwag matakot sumugal. :)
- dont forget your friends. sila ang magiging katuwang niyo sa stressful real world life.
- shet humanda na sa quarter life crisis. feeling ko normal lang naman na pagdaanan yun. huwag ka lang masyadong malululong at magmove on.
- bonus na lang kung galing ka sa sinasabing big four universities pero tandaan hindi sukatan ng pagkatao ang pinanggalingang school at hindi rin ito guarantee ng tagumpay. nasa tao pa rin yan. :) dahil pagdating sa real world hindi na titignan kung saan ka nag-aral, mas huhusgahan ka na bilang tao at kung ano ang kaya mong gawin.
congrats graduates. go follow your dreams. hay namiss ko naman noong panahong kakagraduate ko lang. may uncertainty at excitement. sabik sa real world. makapagreminisce nga...
my fresh grad days.
- labing pitong taon.
- reminiscing my 17 years sa school.
- interbyu blues
- my first job interview! hehe
- ambisyon ng ambisyosa
- uncertainties noong mga panahong yon.
those were the days.
No comments:
Post a Comment
Magsalita ka mortal!
Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!
bwahahaha!