so medyo true-to-life ang kuwentong ito, hindi ko nga lang kuwento...
***
Inihahandog ng Facebook Serye para sa kauna-unahan nitong ganap ang PROBINSIYANO. (haha walang magawa te?) Para sa becky na kinikilig at naniniwala sa power ng true love (chos lang yung sa true love.) Ito na ang summer lovin na magpapainit sa inyong tag-init. In 3.. 2.. 1...
PAK!
FBS presents...
PROBINSIYANO.
chapter one
HOMECOMING QUEEN
Nagkakagulo sa backstage, hindi magkaundagaga si AJ Sotto (yes tinry ko namang itago ng mabuti ang pangalan) sa kakatakbo bitbit ang isang polo at pantalon kasabay pa ang iba pang mga bading na busy din sa mga alagang naroroon. Marahil rindi na rin siya sa mga talak ng mga nanay na nagpapaka-stage mom sa mga contestant na hindi niya mawari kung may konsepto ba sila ng beauty pageant at sinali ang mga so-so na mga anak --- oops. Umandar na naman pagiging laitera ni ateng. Hay. Oo. Laitera siya at aminado siya run. Eh ano naman? Hindi naman nila maririnig di ba? Anyway walang pakialam na nagmamadaling naglalakad - tumatakbo... whatever... si AJ. Naririnig na niya ang host sa stage, "Ladies and gentlemen, mga kabarangay dito sa San Juan (ay teka kailangan ba nakableep?) ang ating mga kandidato in their bonggang swim wear!". Oblivious (yes taglish bakit?) sa mga chitchat at ratatat ng mga bibig ng mga bading, PA, babae, magulang na mga reklamadora at ng mga contestant sa barangay beauty pageant derederetso lang si AJ hanggang sa isang baklang makiri ang haharang sa kaniya.
"Kuya Ging!" tarantang tawag ni Georgina -- este ni George, kay AJ. Matitigilan si AJ at bago pa niya ibuka ang kaniyang bibig, tatalak na itong tarantang si Georgina, "Ang umbok ni Rey! Kinabog ni Jordan!"
Wala ng sali-salita pa makarinig lang ng umbok si AJ talagang raratsada na - kung ibang lalaki yun. Pero ibahin natin si Rey. Si Rey na walang malay na pinagpapantasyahan na ng isang baklang galing ng Maynila. Er. Hindi naman. Basta iba si Rey sa mga lalaki sa buhay ni AJ...
"Rey!" tawag ni AJ. Tumingin si Rey, nakapinta ang pangamba at kaba sa kaniyag mukha. Dali-daling tinanggal ni AJ ang sapatos at hinubad ang medyas. Mabilis na inabot kay Rey. "Oh. Nasaan na ba kasi yang (hesitant pa kunyari)... ano mo?" Diyaheng matatawa si Rey, aabutin ang medyas at isusuksok sa boxer trunks. Believe it or not, AJ turns red. (pavirgin pa si ateng hindi naman bagay) Tutugtog ang isang dance music... magtatawag na ang host ng mga candidates. Magmamadaling lalabas ang mga kandidato, tatawagin na ang candidate number 5... si Rey. Lilingon muna ang lalaki kay AJ, gives him a toothy grin and a thumbs up sign and he hastily goes out. Maririnig ni AJ ang roars at applauses ng audience. Nakatayo siya sa backstage, oblivious of his environment, enjoying the feeling... butterflies flutter in his stomach. Sabi na e, iba si Rey... here we go again...
***
Nangangarag si AJ bitbit ang mga damit galing sa opisina ng kaniyang stylist na boss na si Bangs Pineda. Traffic sa EDSA at kailangan niya itong masoli sa Greenhills by 6. And guess what? 5:47 na! Tutunog ang cellphone... pikon na hahalukayin sa bag, "heto na sabi... malapit na ang kulit -"
One message received.
Georgina
"Kuya ging, magkakamiss at mr san juan. sinabi ko na bet mong maging photographer kay te mayet!"
Reply.
"Sige. may gwapo ba diyan? baka mga magsasaka lang yan sa san juan?"
Message sent.
"Mewon. madami. 20. pati mga gurls gwapo. :)"
"Puta ka."
Mangingiti si AJ. Pero mabilis na mapapawi ito ng makitang 6 na sa kaniyang cellphone. Nasa Cubao palang sila. Patay.
***
Malungkot na nakaupo si AJ sa pavement sa harapan ng office ng boss niya noong gabing yun. It has been a month simula noong tinanggap niya ang styling apprenticeship at nagquit sa isang stable teaching job. Sinasanay ang bagong kalakaran na mula sa may schedule na trabaho, ngayon wala na. From Korean students now celebrities, english lessons to fashion 101, classrooms to boutiques... Speaking of boutiques, ayun tinalakan siya nung hiniraman nila ng damit sa Greenhills dahil late siya, tinalakan din siya ng boss niya dahil late siyang bumalik. No worries. Okay lang naman. After naman nun, nilibre siya ni Bangs sa Starbucks as if nothing happened. Pero hindi kasi yun ang dahilan kung bakit siya malungkot.
Masaya pa ba siya sa ginagawa niya? Oo ito ang pangarap niya. Pero narealize niya na may mga bagay siyang hindi niya kayang isuko. Kapag kasi nakapagdecide na siya, by February, lilipat na siya sa apartment ni Bangs and live alone na malayo sa kaniyang mga tiyahin na kinalakhan niya. Wala ring kasiguraduhan ang sahod dahil sa apprenticeship niya with Bangs, walang salary na involved unless abutan siya o siya mismo ang parakitin.
Naputol ang pagmumuni-muni ni AJ nang gambalain siya ng tunog ng kaniyang cellphone.
One message received.
Goergina.
"kuya ging, game na! uwi ka na ng aliaga!"
Ito na ang sagot sa tanong niya, he misses home!
***
"Oo na ako na ang bahala sa mga damit ng lalaki! Syempre yung mga babae hayaan mo na! Chos!" Kausap ni AJ si Goergina sa cellphone habang nakatingin sa kaniyang closet. "Basta sila na ang bahala sa mga damit nila, naku si Lisa hayaan mo na yun! Maraming damit yun na galing Canada! Naman! Maganda ang pinsan... mana sakin e!"
Ilalabas na ni AJ ang kaniyang mga damit, mula polo, shirt, jeans, vests... "Bakla ka siguraduhin mong may boylet diyan! Sakripisyo ito! Ang dami kong bibitbitin bukas!"
Sandali pang tawanan at chikahan, ibababa na ni AJ ang phone. Sisimulan na ni AJ ang magimpake. Pagkuha ng isang bag, malalaglag ang kaniyang planner. Makikita roon ang mga schedule niya sa kaniyang styling work. Mapapabuntong hiningang pupulutin ito ni AJ. Then, nakamarka ang isang Saturday, bukas, uuwi si AJ sa San Juan. Mangingiti ito, pansamantala muna niyang iiwan si AJ sa Manila, tutal miss na miss naman niya ang pagiging Ging.
Ililigpit ang planner, itutupi ang mga damit at isisilid sa bag. Handa na si AJ na umuwi.
ITUTULOY
talagang nakakarelate ako ahhhh last month lang kasi ito nangyari hehehe! nakifiesta ako dun bwahahahaha!
ReplyDeletehanging by a moment ang drama!
ReplyDeletehaha miko taga-aliaga bff ko e.
ReplyDeletetrue batchoy. haha