Wednesday, July 2, 2014

knock on wood


tatlong katok sa kahoy.

paniguradong makokontra ang bad joke o ang masamang kapalarang sinabi.

maaaring lumindol nang malakas sa metro manila...

knock on wood.

mawawalan ka ng pera bago ang susunod na sahod.

knock on wood.

hindi ka na magkakaboypren.

knock on wood.

pero may mga pangyayaring hindi kayang pigilan pa ng tatlong pagkatok sa kahoy.

kagabi, excited na akong nag-iisip ng aking ilalagay sa aking wish list bilang aking birth month. naudlot ito dahil sa masamang balita.

patay na raw si ching.

***

nanlamig ang aking katawan, nanghina ang aking mga tuhod.
how is that possible?

he is just 23 years old.

kidney failure daw. hindi ako nakarecover agad.
sa totoo lang hindi kami super close ni ching. mas masasabi ngang acquaintances lang kami bilang beso, hi-hello, chika chika lang ang mga bonding moments namin pero dahil na rin sa aming circle of friends we sometimes hang out. aliw na aliw ako sa kaniya sa maxie the musicale bilang nar kaya simula noon tinatawag ko na siyang miss zimbabwe. nakakalaro ng uno card game paminsan o ng charades sa seattle's morato. those little things... :(

ang hirap lang maintindihan. siguro tama nga sinabi ni xi kanina bago kami pumunta sa wake, dahil sa nangyari na-confront ang aming mortality.

nakakapanic. nakakaparanoid.

ang surreal habang nakatingin ako sa casket.
is this real?

hindi mawala sa isipan ko na ang aga niyang nawala sa mundong ito. there's a bright future ahead of him. he is talented. ang dami niyang blessings at he is a rising thespian bagging roles in major theatre companies. then suddenly natapos ang lahat nang ito. i can't help but ask why. ang hirap lang kasing paniwalaan.

nakakalungkot. nakakagulat. nakakatakot.

***

when i was younger, mas matapang akong tanggapin na darating tayo sa puntong tayo'y mawawala sa mundo. naalala ko nga noon na nakapagblog pa nga ako dito about it. siguro dala na rin ng ating rebel streak at mas carefree attitude dala ng kabataan kaya ko rin nako-confront ang thought of death.

but now, i'm more afraid to die. kasi ang dami ko pang pangarap na gustong tuparin. ang manalo sa palanca, ang mapanood ang sinulat kong pelikula sa sinehan, ang makapagbiyahe sa marami pang bansa... i just can't afford to die young.

natatakot akong hindi matupad ang mga pangarap ko. at dahil nga sa nangyari, i start to question myself. ang future. ang aking kakayahan. ang aking kalusugan. sumasagi sa utak ko na maaaring any moment... it can happen. mas lalo pa akong natakot dahil birthday month ko pa ngayon. mas emotional ang mga tao kapag birthday nila di ba? and i'm turning 27 this july.

ayoko namang makasama sa 27 club. (hindi naman ako singer though. lol) pero seriously nakakaparanoid talaga. :(

life is indeed short.
we will never know when it will end but for now,
i'll just keep knocking on wood.





16 comments:

  1. Minsan, gusto ko maniwala sa konsepto ng reincarnation, mapanatag ko lang ang sarili na hindi dito nagtatapos ang laro ng buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko ring maniwala sa konseptong magpapatuloy ang buhay sa panibagong buhay.

      Delete
  2. Alam kong malungkot ang mawalan ng kaibigan o mahal sa buhay (kahit di ko pa na-experience). But isipin na lang natin na naroon na siya sa mapayapang lugar kung saan wala na ang mga problema.

    ReplyDelete
  3. Nakaka-panic talaga diba?
    Siya yung Ms. Zimbabwe? Napanood ko rin Maxie Musical and yung Beaucon scene talaga ay superkabog dun! Isa pala sya dun.
    Sabi nga diba, dun naman tayo mapupunta, kaya sikapin na lang nating mabuhay nang walang pagsisisi. Kung pano yun, sana lang madiscover natin bago tayo bawian ng buhay. Hay...

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo siya yung asa maxie.

      howell ang hirap lang tanggapin at intindihin.

      Delete
  4. Napa-Google ako bigla.

    Tama ka, sayang nga siya.

    Nakikiramay ako KC. :(

    ReplyDelete
  5. oh my... naramdaman ko na rin yang pagkatulala, pagkabigla na may halong ewan... yeah... minsan talaga surreal... ako ay nakikiramay sayo kaibigan!

    ReplyDelete
  6. Kahit di ko siya personal na kakilala... nakagugulat din talaga.
    Dapat pa pala akong magpasalamat dahil nalampasan ko pa ang edad na 23... pero hindi pa rin natin masasabi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakashock talaga.
      until now, nararamdaman ko pa rin ang paranoia.

      Delete
  7. pero dapat instead na ma-praning tayo, i-enjoy naten ang bawat monyument. maikli masyado ang lifesung para ilaan pa sa pag-aalala. yun nga lang nakapanghihinayang talaga siya. mukhang very promising pa naman siya. pero masaya naman na siya sa piling ni Papa Bro sa itaas.

    - I'm Nyora, 28, myra E user for 10 years (charms!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay trulalie ka naman diyan madam nyora! haha

      hello salamat sa pagpasok sa aking aparador.
      im KC, 26, miss body beautiful. charot. haha

      Delete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...