hindi?
ay. howell siya ang ika-100 millionth filipino.
ganun na tayo kadami. naisip ko sa isang daang milyong katao sa pilipinas, ilan kaya ang nagshe-share sa zodiac sign na lalabindalawa lang.
nakakaloka no? sa 100 milyong tao paano kaya pinagbubuklod ng isang tadhana na naayon sa kanilang mga bituin na tinakda ng kanilang kapanganakan.
ayon sa astrology.com ito ang aking horoscope kahapon:
"You aren’t nearly as playful as usual, which could cause others to express concern for you. Just smile and nod — you can tell this is a phase, and things should be back to normal tomorrow or the next day."well naisip ko, ilang libo o milyon kaya sa 100 milyon ang mga leo? naging tama ba sa kanila ang horoscope na yan? ako, pwede na rin. busy kasi kahapon pero lagi naman akong masayahin kahit na may kailangan kaming pag-isipan ng bongga. haha
kaso ang weird na may ka-share ka ng tadhana di ba?
***
12.
yan ang dami ng taong kakilala ko na ka-birthday ko. grabe. isang tao pa lang amazing na kapag nakakilala ka ng ka-birthday mo di ba? 12 pa kaya? haha.
so i therefore conclude masarap gumawa siguro ng bata tuwing nobyembre kasi siguro medyo malamig. hihi
naisip ko tuloy, sa 12 na taong yan, inisip ko kung ano ang mga pagkakaparehas namin.... well marami naman pero nananaig pa rin na magkakaibang tao kami. cool lang na lagpas sa aking mga daliri sa kamay ang mga taong kakilala ko na sabay kaming magbertdey.
ayoko lang ng may kahati. charot. haha lakas maka-kontrabida ng linya.
ang dalawa sa 12 classmates ko nung high school, yung isa sa dalawa kabarkada ko pa. fun di ba? tas yung dalawa orgmates ko. tas yung isa workmate ko naman. the rest kakilala ko sa province, schoolmate at kapatid ng dating katrabaho at jowa ng katrabaho ko ngayon. ang amazing lang.
we celebrated our birthday last monday.
ilan pa kaya sa 100 milyon ang mga kabirthday ko.
masaya kaya ang selebrasyon nila? o malungkot? sapat?
***
ako kasi parang normal na araw lang. hindi naman sa bitter ako or what. sanay na rin actually. nagpanic lang ako kasi alas nuwebe na ng umaga wala pa ring bumabati sa timeline ko sa facebook. haha. ang pathetic ko lang. hahaha as in muntik na akong mag-status ng 'birthday ko po ngayon'. buti na lang nagsunod-sunod na bago ko pa ipahiya ang sarili ko. haha
ang kaso kaakibat nun ang mga throwback pictures na nakakasira ng pagkatao. haha inisip ko nga kung kaibigan ko ba sila e. haha lakas maka-teen flick plot ala jawbreaker na kinalat yung mga lumang pictures ni violet nung fern mayo pa siya. haha at na-tempt akong burahin ang mga chakang pichur! hahaha kaso naisip ko buti nga nakaalala so hinide ko na lang after ng bday ko. haha baka kasi makita ng mga manliligaw ko at magbago ang isip sa panliligaw sa'kin. charot. hashtag asa. haha
anyway all in all, keri lang. parang normal na araw lang. ang kaibahan lang extra kind at extra sweet ang mga tao sa'yo. at may free cake at handa sa office. haha coolness.
ang tanda ko na. 27 na ako! haha
***
napaparanoid pa ako. kasi affected ako lately sa mga sunod-sunod na deaths na nababalitaan ko. tas itong kaibigan ko jinojoke pa sa akin na umabot daw ako ng 28 kasi dahil sa infamous na 27 club!
ang bokot di ba?! haha potek.
lord please marami pa akong pangarap. at ang masamang damo mahirap mamatay di ba?
so tagal-tagalan mo naman. mga after 100 years pa. haha gusto ko pang maging ina. charot.
***
at dahil makapal ang mukha ko isang buwan bago ako magbirthday nagpost ako sa fb ng aking wishlist para hindi na mahirapan ang mga kaibigan ko di ba? hahaha
1. on the road by jack kerouac.
2. and the hippos were boiled in their tanks by jack kerouac and william burroughs
3. when the elephants dance by tess uriza holthe
4. the pretenders ni f.sionil jose bilang may po-on na akey! hihi
5. my brother, my executioner ni f. sionil din.
6. mass by f. sionil jose.
7. tree by f. sionil jose. uh uh.
9. since nasa history na tayo, bet ko rin ang 'the other philippine history textbook' ni christine diaz book 1
10. syempre kung may book 1, may book 2 ng the other philippine history textbook ni christine diaz din. hihi
11. 10 days, 10 years: from bin laden to Facebook by maria ressa
12. juan ponce enrile: a memoir by himself.
13. word war z by max brooks.
15. the gangster of love by jessica hagedorn
16. dream jungle by jessica hagedorn
17. unang putok by wicked mouth.
18. parang kayo na parang hindi by noringai
19. philippine speculative fiction volume 1 or kahit anong volume.
20. eleanor and park by rainbow rowell
21. fangirl by rainbow rowell
22. harry potter filipino edition!
23. world peace.
24. makuha ang bato ni darna.
25. makakita ng genie in a bottle para tumupad ng mga ito.
26. pasok ba sa wish list na sana matupad ang wish list na ito? lalo na ang pang-27. hihi
27. love. shet.
may napala ba ako?
wala.
charot. may nauto naman akong dalawa at may nagpledge pang iba. hihi kilig much di ba?
kaso syempre hindi pa huli ang lahat. *ehem ehem* hahaha
***
so panibagong dagdag sa edad na naman...
new learnings. new experiences.
nakakaexcite at nakakatakot lagi ang hinaharap.
...at heto malapit ng magtrenta, tatandang dalaga na yata...
jusko. kung sino ka man sa 100 milyon...
ano na?
haha.
#napushparinsaloveteh
Belated Happy Birthday KC! *hihi* So July 28, 1987 ka pala pinanganak? :P
ReplyDeleteUy halos puro books ang nasa wishlist ah. Yung #13, highly recommended yan. Pati yung #17.
Sana magkatotoo na yung #27. :D
Ikaw na best in computation sepsep! Hahaha
DeleteOo nga ang tagal na nga e! Nakakainip na!! Hahaha
Salamat sa greeting! :)
Belated Happy Birthday te! I love the pag kakalat ng old pictures ala Fern to Violet. Favorite movie ko yan kung di mo natatanong. Lol.
ReplyDeleteBongga ng naisip mo about so many people having to share a zodica sign as 12 lang naman ang choices. Kaya siguro meron pang chinese zodiac, para pang chinese yun, bawas naman sila na normal zodiac tutal ang dami nila.
Enjoy your 27th year te, may you always be blessed, happy, wise and healthy. Mwahs!
Haha bongga ng jawbreaker zai di ba? Haha at as if kinaganda ko yung paghahide ng mga pichur. Wala naman daw pinagbago. Charot haha
DeleteHaha truest! Kaloka ang pagsheshare ng milyones sa doseng zodiac! Lol
Salamat phowz sa pagbati! Hihi
Uy, belated Happy Birthday sa iyo, KC. :) Basta ang alam ko, yung mga ka-share ko ng zodiac, madalas may sariling mundo. Lol.
ReplyDeleteSalamat JM!!! Magkazodiac ba tayo? Hahaha kasi may sarili rin akong mundo. Haha
DeleteAraw-araw kaming may dyaryo na "Pilipino Star Ngayon"; noon lagi ko ring binabasa yung horoscope na gawa ni Madam Rosa, pero ngayon tinigilan ko na hehehe. Kasi minsan negative yung nakasulat, minsan tama lang, at meron ding malayo naman sa katotohanan. Kaya di na rin ako nagbabasa ng horoscope ngayon. :)
ReplyDeleteAng weird nga naman kung 12 pangyayari lang ang maaaring maganap sa loob ng isang araw sa lahat ng tao. :)
Normal na araw lang din sa akin ang birthday. Hindi rin ako nanlilibre hahaha o naghahanda man lang. Ang masaklap, present ako at nakikikain sa birthday ng mga kaibigan pero pag-birthday ko na "nga-nga" hahaha... o kung may mailibre man, ilan lang sa kanila at hindi pa planado lols.
Good luck sa iyong mga wish list! :)
Haha salamat jep! Ako naghimala kasi nagpabidyoke ako sa ibang friends ko. Swerte nila kasi madalang yun mangyari!!! Hahahahahha as in once in a blue moon levels! Lol
Deletehappy birthday!!! Age doesn't matter ika nga nila.. Bata ka pa naman there is more to life than numbers..
ReplyDeleteTenkyu jimmuel!!! :) hihi
DeleteAs much as hindi ako makarecover na ang name ng 100 millionth Filipino ay Chonalyn (sa office kasi eh Chonalyn ang default name namin sa babaeng hindi namin maalala ang pangalan), I agree with you on the horoscope thing. Napaka-general lang and it only works because you find a way to make the prediction about you. Although may nabasa akong horoscope dati na medyo freaky kasi nagkatotoo. Yung crinoss out mong Haunted by Palahniuk nabasa ko na rin I loved it haha.
ReplyDeleteHindi rin ako nakaget over sa chonalyn! Galak na galak ang puso ni nastymak ang drama ko nung nabasa ko yan. Haha
DeleteNabasa mo ba ng mabuti yung wish list ko? Ehem ehem eheeeeem! Hahahahahahahhaa :p
belated happy birthday kalansay. same birth month pala tayo..
ReplyDelete"the pretenders ni f.sionil jose bilang may po-on na akey! hihi"
mejo na-curious ako dito eh.. elaborate pls lels :)
salamat mailap. wow i bet cool ka rin kasi magkabirthday month tayo. bwahaha
Deleteanyway ang pretenders ay isa sa mga novelang under rosales saga ni f.sionil. may po-on na ako kung saan ito ang una sa chronology ng mga pangyayari sa rosales saga. ayun. maganda ! basahin mo. hehe
haha a must-read. next on my reading list :)
Deletesalamat sa tip KC.
haha oo maganda siya. isama mo na rin ang 'si janus silang at ang tiyanak ng tabon' ni edgar samar. :) hihi
Delete