it was also a
wednesday last year,
kasisimula pa
lang ng july when
i was haunted and hunted by a
death of an acquaintance.
a death
i never expected to affect me profoundly.
the reality that you can die young, snatching you off your sleep, that death in the final destination movies
na hindi titigil para
kit'lin ang buhay mo.
parang stalker lurking in the shadow.
that was last year.
and this year another
death shocked me.
a young promising teen actress took her own life
habang ako sobrang takot na takot mamatay,
nakayanan niyang tuldukan ang kaniyang buhay.
but i don't judge her.
...nakakalungkot
lang.
the paranoia of dying eventually faded, actually meron pa rin pero
hindi na kasing lala nung last year.
nakatulong din siguro
na naging busy ako at may
pinagkakaabalahan.
i confronted it by talking about it with my friends.
nakatulong naman.
iba naman ang
naghaunt sa'kin lately -- that ever
mailap na love life.
lol
***
if death lurks in the shadow, love is in the air.
charot.
hihi.
...but yeah.
it is annoyingly everywhere.
lol.
si love waiting in the park bench, having a day off.
or sneaking in tinder or even in hopeless
grindr.
in the air we breathe, in the aftertaste of expensive chocolate from your dreamy suitor..
in the dog shit you didn't pick up.. pero alam mo kung saan siya wala?
sa'kin.
shet.
forever punchline ang love life ko.
haha
minsan napunchline na rin sa office ang kawalan ko nang love life.
...at mapaglaro ang tadhana...
ang isang barkada ko sa workplace, ako lang ang walang dyowa.
yung isa
sa tinder nakahanap ng mahal, tas yung isa naman tuloy pa rin sa complicated niyang kasintahan.
then, suddenly
ang bestfriend ko may ka-date.
sa tinder din.
gosh.
i almost got desperate at kulang na
lang magright swipe
ako sa lahat ng nakikita ko
sa tinder.
haha.
oo napeer pressure
ako.
ganern levels.
kasi naman third wheel forever ang role
ko at ako na ang
nagiging token
beki bestfriend role! haha shet nikki valdez lang ang peg.
...pano kung
nikki valdez roles
nga ang tadhana
ko?
wah.
lord pwede naman for once
maging toni gonzaga ako?
or sarah geronimo?
haha
sa isang inuman,
nabanggit nung dati kong boss turned friend
na ang dami
ko raw
kasing walls.
subukan ko raw
kasing magbaba para
magkadyowa ako.
sabi ko naman sa isip ko, subukan naman nilang tibagin di ba? hihi.
siguro kaya ko naman. pero sa tamang tao. :)
...kung
darating siya.
pero minsan mapapagod ka na rin sa kakahanap. ang dami ko rin kasing kuda.
haha
charhaha
pero kung mahal mo ang isang tao di ba, madali namang magpatibag ng pader? ang magpabago ng dingding, magbukas ng pinto sa pogi. . . ang tumigil sa pangunguwestiyon, ang pagkabulag sa mga kakulangan, pagpuno sa mga kabawasan... kung mahal mo na ang tao.
pero pano nga kung hindi ka pala nakatadhanang magmahal?
o baka habang buhay kang matatakot sumubok?
...ayoko rin kasi
ng dates.
wala lang.
naplaplastikan ako.
haha nakakapressure kasi. parang dapat meron kang patunayan. iyong lagi mong iisipin na sana magustuhan ka. na bawal kang magkamali.
...minsan ang pathetic
ko rin kasi.
masyadong eager.
masyadong nagsasabi agad na gusto. pero di ba kung madali nating makuha ang bagay madali rin nating bitawan? so ganun tuloy pakiramdam nila kapag sinasabi kong gusto ko sila. hindi na sila nachachallenge.
nasasakal agad.
hindi pa ako nililigawan kahit kailan.
walang nagkamali. haha hindi ko rin naman alam ang iaasta.
lol
hindi ko rin naman kayang manligaw.
...parang ayokong lagyan ng label ang mga bagay.
ayokong tawaging date.
parang may cringe factor. ang ligaw parang ang plastic lang din, gagawin mo lahat para mapasagot pero pag napasagot wala na, or baka pangstraight lang yun.
ayoko ng labels
pero gusto ko rin namang
maranasang may
tawaging boyfie,
bebe,
bae, love, babe...
akin.
jusko.
kaso posible ba yun lalo na sa lipunan natin na hobby ang maglabel sa lahat ng bagay.
or baka wala pa talaga yung taong yun? o baka wala naman talaga siya.
sinasabi nila may mga taong nakalaan sa'tin, pero bakit may mga matatandang binata at dalaga?
masyado na akong
matanda para
maniwala pa
sa destiny plot.
pero ayoko namang maging cynical
masyado.
nakakapagod na rin kasi ang puro kama na lang. madaling makaraos, mailabas ang mga halinghing, parang bula na madaling maglaho ang ligaya.
***
sa susunod na linggo tatanda na naman ako ng isang taon.
hindi ko alam, may panibago na naman sigurong magmumulto pero alam kong nandiyan pa rin ang mga gabing hindi mo pa rin maiwasang maisip ang takot sa pagkamatay, o ang pagiging mag-isa. o ang ilap ng pagmamahal.
kapag tumatanda, mas nagiging kumplikado ang mundo.
pero mas madaling umunawa.
sa taong
ito hindi na ako nagsusulat ng birthday
wishlist.
pero hindi dahil karamihan naman hindi ko nakukuha, kung hindi dahil magbebente ocho na ako, hindi na sapat ang humiling lang.
dapat gumawa.
dapat humakbang.
nandiyan man ang mga takot, sa kawalan ng kasiguraduhan, harapin lang siguro.
kalabisan naman kung lumilipas lang ang mga taon na wala tayong natututunan.
sinubukan ko noon na hayaan ang pagmamahal na dumating, sinubukan ko ring hanapin.
ilang posts na ba ang nasabi ko rito na sinabi kong gusto ko na?
haha.
hindi pa rin nagbabago ang kagustuhang iyon.
pero hindi ko pipilitin.
siguro may gigiba pa rin ng pader, o mas tataas pa ang mga ito.
dadagdagan pa ang semento, pipintahan, vavandalan at iihian.
i will not compromise myself.
sawa na rin akong maghanap.
maging desperado.
ang matakot.
basta yayakapin ko na lang ang mundo. :)
Love the last line, basta yayakapin ko na lang ang mundo. I believe in karma, law of interaction, the golden rule and whatever else it is called, our stories are waiting to be written, it is YET to happen.
ReplyDeleteAntay lang daw po KC :D ako nga din eh. Nakailang celebration na yung mga lovers na friends ko. Nakikicelebrate pa rin ako hanggang ngayon. Hahaha
Hahaha check ka naman diyan yccos!
DeleteTrue makicelebrate na lang muna ganyan! Haha
naniniwala ako na kapag handa ka na, hindi mo na kailangan mag antay o maghanap.
ReplyDeletehindi masamang matakot, hindi masamang mag-ingat, pero hindi din masamang sumubok at umasa.
pride and fear.
pride na dapat ikaw ang masunod. fear na baka ma-reject.
kaya mo yan. kung hindi mo man tadhana ang magkaroon ng kasintahan, tiyak ko naman na magagampanan mo ng buong puso ang papel na nakalaan para sayo :D
Naku jeki yun nga chill muna ang love life nakapark lang ganyan. Hindi na ako magpapakapressure sa universe. Naeenjoy ko naman ang pagiging single though yun nga nakakapagod ding maglaro na lang lagi (though masarap! Bwahahha).
DeleteSabi ko nga yayakapin ko na lang muna ang mundo hehe
Advance Happy Birthday! :)
ReplyDeleteDaming nakaka-relate sa mga ganito (isa na ako hahaha).
Di na ako magwi-wish ng lovelife sa'yo, kasi ayaw mo naman di ba lols.
Dati lagi kong sinasabi, "marami naman nagmamahal sa atin, ang pamilya at mga kaibigan, di pa ba yun sapat", nakaka-martir effect kapag nare-recall ko ang pampalubag loob kong konsepto hahaha :)
Oo sinasabi ko rin yan dati! Haha salamat sa pagbati jep! Hehe
DeleteAy heto naman hindi mabiro, iwish mo na rin wala namang mawawala! Charot hahaha
Love is a battle, KC, and those who are brave enough to fight only have the chance to win. Pero siyempre, di mo pa rin maiaalis ang circumstance na pwede kang matalo. Loving is risking yourself. If you can't do that, then that won't really be love. Love is worth getting hurt for, worth crying for, and worth taking a bullet for, especially if its unconditional and true. So don't get tired looking for it, waiting for it, because no matter how long it takes, how much effort you put into acquiring it, it will all be worth it. ;)
ReplyDeleteI really like what you wrote above, yung internalization mo about your ability ang willingness to love. I still believe na merong mga tao (Take note: hindi lang 'the one' ha, kasi marami namang tao sa mundo no. For sure, hindi lang isa ang perfect para sayo. Lilimitahan mo ba ang sarili mo sa isang posibilidad lang?) na magugustuhan ka kahit ano pa man ang itsura o ugali mo, na matatanggap ka at mamahalin ka kung ano ka, kung ano ang kabuoan mo. At kapag nakilala mo na siya—either mahanap mo siya o siya ang makahanap sayo—sigurado akong lahat ng takot mo ay mawawala. Yung mga hang-ups mo? Hindi mo na maiisip ang mga yan. Yung mga walls na tinayo mo over the years? Madali niya yang matitibag na parang sumusuntok lang siya ng cardboard box.
If hindi man natin nakukuha ang gusto natin matapos ang maraming beses na pag-subok, usually ay meron tayong dapat baguhin sa ating sarili. Maybe sa way ng pag-iisip natin or sa kung paano natin tignan at tanggapin ang mga bagay-bagay? Baka kailangan mo lang babaan ang standards mo, or mas lawakan mo ang isip mo, or doon ka maghanap sa lugar na hindi mo ine-expect na may mahahanap ka? Minsan din kasi, kung kailan hindi natin inaasahan, tsaka dumarating yung mga bagay na matagal na nating hinihintay, basta maging positibo lang tayo at wag papadala sa negativity na dala ng failures, disappointments, at frustrations natin sa buhay.
Pasensya na sa litanya ko ha. Feeling know-it-all na ata ako. Nalulungkot kasi ako kapag nakakakita ako ng taong nawawalan ng pag-asa sa pag-ibig. Maraming beses na akong nabigo, nakasakit, at nasaktan, pero hindi ko pa rin hinahayaan ang sarili ko na mawalan ng faith sa love. Sana ganoon ka rin. :)
Anyway, malapit na birthday pala ulit mo. Tara, let's celebrate it. Maybe it's time na para mag-meet tayo?
Sorry, ang haba pala ng comment ko. Napansin ko lang nung na-post ko na. Haha! Ganyan kita na-miss kasi. :P
DeleteAwww super naappreciate ko ang mahaba mong reply! Haha at i miss you na rin! Hehe blog na kasi ulit! Haha
DeleteOo nga magkita na tayo pleaaaase?! Hehe paano kaya? Hehe email mo sakin contact mooo hehe
Teka, ano ba email mo? Di ko mahanap eh. :P
DeleteSama natin si Yccos sa meet-up. Hehe
Tagalogparseltongue@yahoo.com! Game hehe
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteUy Mon, bakit mo naman binura comment mo? Di ko tuloy nakita ang reaction mo sa post ni KC. Haha
DeleteMay alam ka ba sepsep?! Hahaha ano nga ba ang comment? Lol
DeleteFriend ko siya, KC. Pinabasa ko sa kanya yung post mo. Nahiya daw siya kaya binura na lang niya comment niya. Hehe
DeleteAno kaya ang buradong comment ni raymond? Hmmm lol
ReplyDeleteuy nice post. namiz ko tumambay d2!!!
ReplyDeletemusta senyooor hehe sorry late rep. lol
Deletehaba ng comment ni Sepsep , worthy as another blogpost entry he he he ..well, wala na akong maidadagdag pa : )
ReplyDeletecheck! di ba dapat blog na siya ulit? hehe
Deleteweh di nga? lolz
ReplyDeletehey daddy rix! hehe musta ang phone? lol
DeleteHi Selina
ReplyDeletei am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.
You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.
I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com
Kumusta Selina
ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.
Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.
AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com