Monday, July 27, 2026

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back.

as if i'm talking to my younger self. as in. 

birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan. kumustahin. 

ayun, sinampal ako ng katandaan. pero grabe. namiss kong magblog.

namiss ko yung walang takot ko lang ikuwento ang buhay ko sa mga estranghero. (yung iba naging kaibigan ko na rin.)

sa panahong puro threads na lang, or musings sa tiktok or status sa fb... ang luma na ng dating ng blog. haha. pero grabe, almost my adult life nasa blogspot na'to. last post ko 2021 pa. alam mong produkto ng pandemiya.

ang dami nang nangyari in between.

namatayan ng kaibigan. 

kinasal ang bunsong kapatid at nagkaron na ng pamangkin. 

muntik mamatay nung birthday two years ago dahil sa rumagasang tubig sa avatar gorge. haha. anlabo ng pakiramdam ko nun. minsan iniisip ko kung may gene ba akong kulang bakit minsan kulang reaction ko after a near death experience? i mean natakot ako pero pag kinukuwento ko siya, parang wala nang at stake? haha.

nagkabating mga mahal sa buhay na sinira ng election. 

bagong mga kaibigan.

mga pangarap na natupad. shet. nakarating na ako ng istanbul. tapos nag new york at chicago pa.

tapos, naghirap. hahaha

ewan ko ba. siguro kaya ako napadalaw ulit, gusto kong bumalik sa dating simple. nasa punto kasi ako ng buhay ko na nagrestart ako bigla. alam mo yun? binuo ko yung buhay at pangarap ko sa trabaho pero gumuho lahat dahil sa pulitika at injustice.

exciting na nakakatakot. hindi ko alam kung anong susunod na kabanata sa buhay ko lalo na career wise. pero pag tumatanda ka na, nasa punto ka na deadma na sa mga bagay na hindi mo na makokontrol.

nakakamiss mag-blog. what if bumalik ako pero tiktok form?

may cringe kasi na nagstostory time ka. haha. 

mas gusto ko pa rin ang magsulat. parang ganito. 

ang nostalgic lang. pasensiya na blogspot. ang tagal kong nawala. 

hindi ako nangangako na mapapadalas din ang pagbabalik ko rito pero ansarap mong balikan at uwian. biro mo, dalawang dekada siguro ng buhay ko, alam mo. kung magiging AI ka -- ang dami mong kuwento tungkol sa'kin. 

apat na taon akong hindi nagparamdam. 

ito na ulit. baka mawala ako ulit ng apat na taon. 

o mas mapadalas na nga ang pagsusulat dito. 

hindi ko alam. 

bahala na. 







Thursday, July 22, 2021

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali.

mga gusaling walang masyadong laman. 

gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga sasakyang bumubuhay dito. 

tahimik. bihirang masilayan ang mga bulubundukin ng rizal mula sa metro manila. 

sabi nila, the world is healing.

pero ang totoo, isang pandemiya ang dumadaluyong sa lungsod.

isang pandemiyang pinartneran pa ng mas malalang virus - inutil na gobyerno.

sa isang iglap, nagbago ang buhay nating lahat.

nagsara ang ating mundo.

ang maingay na maynila, nabalot ng katahimikan, maliban sa mga ospital na napuno ng singhap ng kamatayan. 

katapusan na nga ng mundo, hindi pa mayakap ang mga katawan ng yumao. 

***

after a year, buhay na buhay pa rin ang sakit. lumalakas. 

mabuti may bakuna na. 

inutil pa rin si duterte. 

unti-unting nagbabalik ang ingay ng maynila. may mga nakakalimot dahil nabakunahan na. 

pero nandito na ang mas nakakahawang variant na pumatay ng libo sa india. 

inutil pa rin si duterte.

walang trabaho ang mga tao, bagsak ang ekonomiya, walang mapanghawakan sa mga parating na bukas.

sa apocalyptic manila, hindi ang mga bangkay ang zombie, kundi ang mga dds troll na hanggang ngayon bulag pa rin sa kapabayaan ng kanilang poon. 

mga tusta ang kanilang utak, saradong mga isip, pinapatay ang lasog na ngang kaluluwa ng bayan. 

sana may bakuna rin para sa kanilang mga bulag. 

***

kahit nakuha ko na ang second dose ng aking bakuna, alam kong bago na ang mundo. hindi pa rin pwedeng makampante. 

hindi pa nasusugpo ang virus. 

tila walang kasiguraduhan ang bukas. 

wala tayong ibang kakapitan kundi ang ating pagtindig.


illustration by tarantadong kalbo.


Tuesday, June 9, 2020

day 87

march 6, 2019.

yan ang last post ko dito.  ang opening?

gusto mo ng surreal feeling?

1999.

twenty years ago.

imagine how different the world was.

ang sabi naman ng 2020, hold my beer. lol.

a year ago, imagine how different the world was.

imagine your june last year, sa june natin ngayon. it feels like decades ago. sobrang magkaibang mundo.

actually, imagine your january 2020 sa june -- buwang nasa iisang taon pero tila ang layo layo ng kanilang agwat. binago ng pandemic ang buhay nating lahat.

sa isang iglap, may ibang kahulugan na ang mga yakap, ang mga halik, ang pakikipagkita sa labas, ang mga chat, ang mga vidcalls...

mas lumalim ang kahulugan ng lahat. ang bawat araw na lumilipas ay panahong pakikipaglaban -- sa sakit, sa pabayang gobyerno, sa mga issues na tinatakbuhan.

these past few months, we examined ourselves more -- ano nga ba tayo bilang tao. sino ba tayo bilang pilipino -- the lines were drawn.

suddenly, may clone na rin tayo sa fb gamit ang ating mga pangalan. imagine the double fear -- buhay mo offline na any any pwedeng kitilin ng virus at ng mapang-abusong mga pulis, o online life mo na may banta ng mga pekeng account na tila nagsasabing, alam nito ang galawan mo.

ito na ang bagong mundo -- malayo na sa mga mundo natin buwan ang lumipas.

pero sana sa kabila ng daigdig na pilit nating iniintindi -- sana wag tayong matakot.
bago man ang ating ginagalawan,  pwedeng mangapa, pwedeng kililanin ito -- pero wag na wag magpapagapi. sabi nga ng post sa twitter, manginig tayo nang sabay-sabay para ang mga yanig nito ang maramdaman nilang lahat...

sa'ting paghahawak kamay, mapapawi ang takot.

sa'ting pagkakapit-bisig, walang ibang boses ang mamumutawi kundi ang ating mga sigaw.

hindi tayo papatalo sa kanilang lahat.

#JunkTerrorBill. 

Wednesday, March 6, 2019

two worlds

gusto mo ng surreal feeling?

1999.

twenty years ago. 

imagine how different the world was.

no iphones. 
and the whole world was engulfed by millennium bug.

isang software error na aakalain ng computers na ang year 00 ay 1900 imbis na 2000 pagpatak ng new year.  naloka ang mga tao nun. pwedeng bumagsak diumano ang mga eroplano habang nasa ere, magrestart ang mga computers at magdown ang mga computer powered machines. 

total chaos. 

ang baliw lang. ang naalala ko nun, akala ng nanay ko tatak ng computer ang y2k. haha. 

pero ang ending? exag lang mga tao.  wala namang significant changes. 

normal lang though may mga minor instances sa ibang bansa. 

nokia 5110 ang isa sa mga must have phones nun. kung saan pwede kang maadik sa snake -- at ang concept ng smart phone ay mapapanood lang sa sci-fi films. 

ang power lang ng cellphone mo ay magtext at tumawag. hindi pa uso ang unlitext at unlicall. titipirin mo ang 300 mo.

but imagine the power na hindi mo na kailangang umasa sa trust sa tuwing may meeting kayo ng classmates mo or lakad ng barkada. usapang maayos na lang kapag sinabing 10 am ang kitaan sa mall.

so matetest talaga ang patience mo at maghihintay ka sa meeting place nyo at talagang minsan isang oras kang maghihintay. but with the magic of cellphones, madali na kayong makapagupdate pag paalis na ng bahay -- basta may load.

pucha. 

ang amazing lang isipin. kung mulat ka na nun, kagaya ko, nakakakilabot lang isipin na in our lifetime nakaranas tayo ng buhay na magkaibang-magkaiba sa nararanasan natin ngayon.

imagine your 1999 self na magtratravel ngayong 2019. siguro mabaliw-baliw siya. 
sa konsepto palang ng smart phone, paniguradong mind blown na si 1999 self!

wala lang.

sobrang naisip ko lang yan randomly haha.

think about it --

tama si ateng miley cyrus...

we had the best of both worlds. 




Friday, September 21, 2018

the prophecy

I’m a cold person.

I just know. My friends know. But I have empathy. So technically, hindi naman ako cold-hearted. Magkaiba yun. I built walls higher than the Great Wall of China. A fortress that I hold dear. That’s why, admittedly, I come as cold. Madalas awkward akong magkuwento about my feelings, but when I share and process my emotions — I pour them, like a bursting dam in its critical level.

After the storm, the wall will always close shut.
Winter always come, even it’s sweltering hot in our tropical Philippines.

***

The recent rains in the Metro triggered feelings. Kaya napunta na naman sa usapang puso ang topic nang minsang tumambay kami ng mga friends ko sa work one rainy August night sa Tides. Huling tambay pa namin dun, mid to late 20s pa yata kami — we’re in our early 30s now. Mas tumanda na. Mas nabugbog na sa realidad. Mas nabaliw na sa buhay. Haha actually mas hobby naming mag-usap about feelings, well bilang writers naman kami, so hindi na bago. Pero mas madalas na. Part na siguro ng pagtanda at syempre close na kami. But consistent na alam nila ang aking walls at trust issues lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala.

Years ago, alam nila kung bakit ako walang jowa, because of the said reason, so they asked me again, bakit hindi ko raw subukan. Seek for that love.

I told them, ayoko. Ang mga kausap ko parehas na galing sa break up, pero yung isa, may bago na. Sa span ng kanilang mga long term relationships, zero pa rin ang record ko. The token NBSB sa barkada. Haha

Why?

I love myself more. I enjoyed the start of my 30s kasi I can finally, and confidently say na mas kilala ko na ang sarili ko. I’m more self aware. I’m embracing my flaws, trying to be mature about things and I know what I want.

So if may taong darating sa buhay ko, dapat worth it. Kasi siya ang magiging rason kung bakit ko gigibain ang malaki at makapal na pader na buong buhay kong tinayo para hindi masaktan.

***

Bago pa ako masaktan ng iba, sobra ko nang sinasaktan ang sarili ko. 
You know what they say, sarili natin ang ating harshest critic. 

It’s true.

I punish myslelf everyday. And I love myself for it.

Kasi alam kong wala nang mas makakasakit pa sa’kin.

Kundi ang sarili ko.

***

We are all broken. And that’s beutiful.

***

2012 or 2013.

My friend told me na she’s kinda into the fortune telling arts for fun. So, she playfully read my palm lines.

Tatlong beses daw akong magmamahal.

Ang ikatlong tao daw na mamahalin ko ang papatay sa’kin.

Ang catch?

Dalawang beses nang tumibok ang puso ko, so kung sino man itong mamahalin ko ngayon ay magiging mapanganib sa’king buhay...

Haha. Ang interesting di ba? Recipe ng isang epic love story fantasy.

Maybe, subconsciously yan ang rason kung bakit hindi ako nagjojowa kasi alam kong quota na. Ayoko pang mamatay. Haha

Well, hindi rin naman klaro kung ang rule ba ay dapat mutual yung love, kasi if ever ganun, wala pa tayo sa isa.

And let’s say totoo ang propesiya, magmamahal ka ba ng dalawang magkaibang lalaki kung alam mong hindi naman sila ang makakatuluyan mo?

But the most important question is, magmamahal ka ba kung kamatayan naman ang kapalit?

***

This is the official start of my sixth season. Wow. Six seasons. Twelve years (this December). Akalain mo nga naman? College pa ako nung simulan ko ang blog na ito, at magsasampung taon na ako sa aking trabaho.

Ang interesting makita ang evolotion ng aking posts, writing wise - mas free ako dati, but i must say, mas mature na ngayon. Aba dapat lang. Haha

Apat ang blogs ko nung college, ngayon dalawa na lang. Pero ito ang pinakamalapit sa puso ko, kasi syempre mas matagal na.

Ang sarap pa rin niyang balik-balikan kahit cringe. haha

Ang dami nang nagbago pero heto pa rin tayo mahal ko.

Wednesday, September 5, 2018

all new season

"i feel like i'm in a series and kakastart lang ng new season. new faces, new places, new challenges and a new story to go through"

tweet yan ng aking new found friend lalely and i can soooo relate.

season enders.

a looming uncertainty gripped us in our workplace.

sa promotion ng aming boss sa isang bigger position at mas challenging na responsibilty, us, her previous team was left hanging. what will happen to us?

our immediate superior gave us an idea kung anong magiging kinabukasan namin. haha. mapupunta lang kami sa ibang team -- ibang team, meaning, ibang kultura, ibang mga tao, ibang mga mood swings at way of life na medyo malayo sa pinanggalingan naming team. adaptability is the key to success.

changes make me excited and nervous at the same time.

a close friend and a workmate is about to embark on a two month journey in south asia leaving our circle of three temporarily.

siya ang mas malakas ang personality sa'min, at magkatemperament kami ng isa pa naming ka-trio. dahil hindi pa umuusad ang bagong trabaho, mas maraming time mag-isip. nakakaparanoid ang parating na pagbabago sa bagong team na papasukan namin.

season premier. 

i played survivor!

to celebrate my official start ng aking last day sa kalendaryo moment nung july, napasali ako sa isang grupo na nag-oorganize ng meet up na ala survivor ang theme. so i was one of the 21 castaways na dinala sa isang resort sa batangas at nakipag-outwit, outplay at outlast sa 20 strangers na nakilala ko lang sa araw na yun.

spell intense.

but nakaabot ako sa top four. haha naboot out nga lang ako, tsk! sayang final tribal council na sana ang next. oh well. nag-enjoy naman ako and super priceless ang memories. it's my best birthday ever so far. hehe

dahil sa ganap, naging super close ko lima sa aking tribemates na part ng core alliance.  at isa sa kanila ang nag-tweet nung sa taas. hehe.

new team. new world.

nakakaanxiety ang bagong team. hindi pa namin alam what's in store sa bagong mundo na ito. it's very different sa pinanggalingan namin but full of promise din. bukod pa sa ibang projects na naatasan kaming gawin na malayo rin sa usual na ginagawa namin sa work.

naisip ko tuloy may paandar akong season epek dito sa blog ko. at nakakalimang season na ako actually. pero sa totoo lang, hindi ko alam kung anong kaibahan nila! hahaha napakapaandar ko lang.

but anyway, im enjoying my 30s for now and it deserves a separate blogpost kung bakit siya masaya. haha

perhaps a pilot post for a brand new season. tutal nagbabalik naman ako. hehe :)




Saturday, September 1, 2018

buhay ka pa ba?

2016 pa huling post ko.

buhay pa ba?

buhay pa naman.

tumanda lang. kapag nakikita at nabibisita ko ang blog na ito, ang daming bumabalik

na alaala.

kabataan ko.

mga hanash sa mundo.

yung dating ako na ako pa rin naman.

na hindi na ako.

marami nang nagbago.

sa paligid.

sa akin.

sa atin.

namiss kong magsulat dito.

yung madulas lang. walang iniisip. o maraming iniisip pero nalalapat.

marami ng uso ngayon.

pero iba pa rin ang pinagsamahan natin.

babalik at babalik pa rin ako sa'yo.

ilang buwan

o taon man akong manahimik

heto pa rin.

buhay pa. 








Wednesday, November 9, 2016

wag ibaon sa limot

nagbabalik para sa pasabog na araw.  reposting from my other blog.
Bakit mahirap magmove on beshies? 
Ang daming kuwento ng Martial Law pero deadma lang tayo mga besh. Sa bagay, numbers lang naman ang mga ito. Statistics. Hindi sila tao. Part lang sila ng past, isang past na hindi tayo apektado. Kapag nag-iba ba ang mukha ng kalaban at ang hero ay ang gusto nating bida, mas maiintindihan ba natin ang lahat? 
Bilang hindi tayo natitinag ng facts baka mas maintindihan natin through fiction mga ka-DDS! (though hindi ko naman nilalahat ang mga ka-DDS ay Marcos Loyalist, this is just to illustrate the point… since parang “universal” naman ngayon sa Pinas na tinitingala si PDigong so bakit di siya ang maging mukha ng “bida.”)
Ang mga tauhan sa kwento ay fiction lang so chill lang. 
Kaya beshie this is it. Wattpad presents…
Wag Ilibing sa Limot.
Kabog. Ang dramatic ng ating kwento di ba? Pangprimetime bida, ganern. 
Magsisimula ang lahat taong 2016, masaya ang buong bansa kasi nanalo sa eleksiyon si Tatay Digs – intense siya at may isang salita. Tatay Digs is the symbol of hope sa Philippines. Siya ang mag-aahon sa’ting kahirapan at siya ang pag-asa ng bayan. My gosh abelgas, keri na sana pero nagkasakit si Tatay Digs! Mapipilitan siyang bumaba sa pwesto beshie!
So ang papalit sa kaniya ay si Mommy Len. Keri naman, loving and gentle naman si Mommy Len. Marami siyang balak sa Pinas. Ipagpapatuloy daw niya ang nasimulan ni Tatay Digs. Push lang nang push. Kaso nakain na siya ng sistema, nagwewelga na ang mga millennials with their Frappuccino sa Mendiola habang nakapayong with their multicolored placards: No To Momshie Len! Sabi ng mga placard nila kasi nga parang napapabayaan na ni Mommy Len ang kaniyang obligation lalo na’t nareveal na may masama palang balak ang kultong dilawan!!! 
Kaya pala nagkasakit si Tatay Digs kasi naglagay sila ng lason sa danggit ni Tatay Digs sa agahan. OMG! What is the meaning of this?! Lumala pa ang lahat dahil habang nasa event si Mommy Len, sa binyag ng kaniyang kadilawan may isang assassination attempt sa buhay ng mahal na pangulo kasama ang mga bisita ng binyag! OMG! Magulo na nga ang Pinas. 
So Mommy Len and the dilawan decided na magdeclare ng Martial Law. This Martial Law thingy is chill lang naman daw at para ito sa peace and order ng bansa. May curfew, pinasara lahat ng bias na media na yan. Tapos bawal na rin ang internet beshies! Jusko. Ipasara na tutal bias naman di ba? Push. Check. Sina Mommy Len at ang dilawan pinush na angkinin ang pinaka-bias sa lahat at ginawa nilang network ng bayan at ininstall dito as president si Madam Krizzy tutal may experience naman daw siya sa TV. Push. Check. Para sa bayan. 
So seemingly winner naman, nakikita natin sa TV na pinapalabas nina Madam Krizzy na ang ganda ganda ng projects ni Mommy Len and the dilawans. Ang daming ganap! May pinapagawang airport, highway, tulay, building, ospital, school, waiting shed, basketball court, pabaranggay pageant etc pero sa likod ng mga ito binubulsa pala ng dilawan ang kaban ng bayan. 
No way di ba?! Kakapal ng pez. So nalaman ni Tatay Digs ang lahat, kahit mahina sa sakit, pinush niyang humanash laban kina Mommy Len! But no, pinatapon siya sa China para hindi na makahanash laban sa gobyerno. 
Hindi ito matanggap ng mga ka-DDS ni Tatay Digs. Lalong lalo na si Mochika, isang komedyanteng sexy pero tranny. Super duper die hard supporter siya ni Tatay Digs. So bilang ganti sa pagpapatapon kay Tatay Digs, hetong si Mochika gumawa ng isang blog – ang Mochika Blog. Lahat ng hanash niya pinupush niya run para kay Tatay Digs ang kaso sinasabi ng kultong dilawan lahat ng mga lumalabas dun ay hindi totoo kahit na totoo naman sa mata ni Mochika. Wala na kasing nagbabalita ng tama dahil hawak ng dilawan ang media. 
Eventually matutunton si Mochika, pinasara ang kaniyang blog na puro lang daw hanash at kahit kalian hindi na nakita ang katawan ni Mochika. Ang sabi nila tinorture daw. Ang sabi nirape. Pero kahit ano pa man, masakit ang katotohanan na lahat ng kumabalan sa dilawan ay pinatatahimik ng pamahalaan. As in binabaon din sa lupa. O tinatapon kung saan hindi na sila kailanman makikita ng pamilya nila.
Ginawa ng mga ka-DDS ang lahat para lumaban sa diktaturya ng dilawan. Ang kaso lahat sila napatahimik, pinatapon sa kung saan, kinulong, ginapos, pinatay. Nanaig ang kultong dilawan sa buong bansa. Walang malay ang ibang mamamayan sa tunay na problema, puro “magaganda” lang ang nakikita nila dahil sabi ng dilawan maunlad ang bansa kahit na deep inside nagjijirap na ito. Huhu. Kawawa naman ang bansa, pero hindi naman ito knows ng mga normal na mamayan. Sigaw ng mga ka-DDS – PATALSIKIN ANG KULTONG DILAWAN! Kasi sila raw ay backer din ng mga oligarchs! Ang mga crony na ginetlak lahat ng private business pero ninenenok naman ang kita. Walang napupunta sa bayan! Jusko talaga ang mga dilawan na yan! Wala nang nagawang tama mga bes!!!!
Years passed, naging balwarte ng kultong dilawan ang buong Pilipinas, namuno si Mommy Len at di bumaba sa pwesto hanggang sa siya’y nagkaapo. Bakit pa raw siya bababa e ang galing galing niyang magpatakbo ng bansa. Pero ang truth nabaon sa utang ang bansa. Mas dumami ang nagutom at nagpakatuta pa lalo sa Kano si Mommy Len para yung mga projects ng US sa’tin gaya ng pagbalik ng US bases mapush at makakick back. Dahil ditey, napilitang umuwi mula sa China si Tatay Digs. Di raw niya kering matigs at habang buhay na nakagapos sa diktadurya ng dilawan ang bansa. Ang kaso pagjuwi niya – boom! May bumaril sa kaniya dahil hadlang siya sa gobyerno. 
Ito ang nakitang way ng mga ka-DDS para lumaban. Nagstage sila ng people power at dahil dito after ng matagal na pamumuno, napatalsik si Momshie Len at ang kaniyang mga kakamping dilawan. Lumayang muli ang bansa sa diktadurya. Hindi na kulay dilaw ang bansang Pinas!!!
Okay na sana kaso wa epek naman ang pumalit kay Momshie. Jusko nag-iba lang ng color pero ganun pa rin pero atleast mas free nang humanash ang mga tao laban sa gobyerno. So years passed, lumaki at tumanda na ang mga pinanganak nung Martial Law. 
Bongga na ang bagong generation na tinatawag na generation push. Ang mga pushers ay mahilig magpush lang nang magpush ng ideas at isa rito na myth lang daw ang mga Martial Law stories under the dilawans. Pinakamayaman daw noon ang bansa at maraming projects. Ganern. So tagasuporta sila ng apo ni Mommy Len sa pagtakbo sa pagkapangulo. Gusto rin nilang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Mommy Len na marami raw nagawa noon sa bansa. Si Tatay Digs daw ang totoong kalaban for hampering growth and development. Mommy Len is the best queen mother president of the Philippines sabi ng kulto. Deserve niyang ilibing sa Libingan ng bayani. 
Kaso humina at umonti na ang naniwala sa mga Ka-DDS. Ang kolektibo nilang boses ay madali nang matabunan. Wala silang magawa nang ipabago ang kasaysayan!!! Sa paglibing sa diktador na Queen Mother malelegitimize sa bago at susunod na henerasyon na isa itong bayani. Mapapatotohanan ang pagiging dakila ng mga kultong dilawan. 
Ang kultong dilawan na sinira, yinurak, pumatay at ginahasa ang bansa.
Magiging bayani sila pero puro kasamaan lang naman ang ginawa ng kulto.
Gusto ba natin yun? Gusto ba nating magwagi ang kultong dilawan?
Kakayanin ba talaga nating magmove on?
O hahayaan nating kulayan nila ng dilaw ang bansa para matakpan nila ang mga mantsa ng pulang dugo?

Sunday, August 7, 2016

long time no write

hello blog.

musta? missed me? haha long time no write.
ilang buwan na ba? or almost a year na nga ata.

just celebrated my 29th birthday last month.
so old right? haha actually i don't mind getting old.
for now.

ang issue ko,  i feel...

empty.

actually more of losing direction.
i'm okay with work, still single -- sometimes longing for someone, sometimes hindi. but okay sa kahit ano. but i feel insecure. sometimes about myself -- sometimes on my looks, but more on my ability -- sa'king bread and butter. i feel lost.

am i happy?

hmm. so so.

i feel blah. 

yung tipong hindi mo alam para saan ka pa gumigising. pero of course i'm still happy na gumigising pa ako. haha. pero namiss ko lang yung feeling na excited ka. yung may purpose. paggising mo kasi sa umaga -- or in my case, hapon, ang tanong ano na? or sino na nga ba ako?

i know i've changed a lot. honestly i want the person who am i now.
but i still look sa taong kilala kong ako -- yung bago ako naging ngayon. sometimes i look on old places baka kasi naghahang out pa run yung old me ko, or trying to find that lost me among my old friends -- hoping to ask if gusto ba niya ang nakikita niya ngayon. or kung tama ba o kuntento ba siya sa naging siya.

sometimes i'm also curious on kung ano ang nakikita ng mga bagong taong nakikilala ko sa'kin -- ibang-iba pa kaya yun sa ako ten years ago?

i honestly feel na sometimes  parang i'm losing my self. my voice --  sa pagsulat.
yung aking core.

hindi ko na nga rin maalala kung kailan ako huling nanaginip ng klaro. yung tipong paggising ko humahangos ako or namamangha kung ano ba ang ibig sabihin nun -- wala lang. feeling ko nakakabother lang. haha kasi dati naalala ko naman mga panaginip ko.

howell.

siguro kailangan ko lang maghanap ng bagong purpose -- ng inspirasyon na hindi necessarily tao (pero pwede rin. haha) at higit sa lahat i feel kailangan ko na sigurong umalis sa aking comfort zone.

i want to challenge myself again.

to let go.

to have a reason again.

Wednesday, September 23, 2015

the biggest loser

"are you ready?"

her mom, a showbiz royalty, asked her.
she's looking regal in her simple white long sleeves.
she just nods, they exchanged nervous smiles.

alam niya pagharap niya sa libo libong taga-suporta magbabago na ang buhay niya.
she's hopeful, kinda optimistic about this country.

her heart beats, fast like the beads of the falling rain that flooded the metro,  sending chaos and traffic in the big city. paralyzing the urban jungle, her future problem. she knows in her heart that she can -- she will win this.

sabi niya susundan lang daw niya ang ginawa ng ama. ang kaniyang amang action star. ang kaniyang amang tumatambling, a swashbuckling leading man of many movies shooting goons with thick black mustaches.

maybe she wants to be an actress.
the country is her big cinema -- us, her audience, yapping and clapping as she acts, dances and sings.
but we see those thin strings.

in her arms, in her feet, even sa kaniyang eyelids -- one yank, her eyes seem amazed. may string din sa gilid ng bibig, bawat buka ng bunganga may humihila ng maninipis na sinulid, ngingiti, tatawa, lulungkot. mahahaba, maninipis na puting sinulid, sa bawat daliri ng kamay, ng paa, sa tiyan, animo'y pati ang mga hibla ng buhok, may putong sinulid.

susundan natin, susundan natin, susundan natin, hawak ng isang lalaki -- matagal na niyang pangarap ito pero alam niyang hindi siya mananalo.

kaya pumayag din si babae magpakabit ng sinulid. sa lahat ng bahagi ng kaniyang katawan.
hindi natin alam kung sa bawat kumpas ng kamay ni lalaki ay susunod siya.

susundan daw ang yapak ng ama.
she has to win.
you have to win.
sabi pa ng lalaki.

***

"hindi ka na mananalo pa." sabi ng manghuhula sa kaniya.
madilim, hindi natin makita ang kaniyang kausap.
"tang ina. hindi totoo ang sinabi mo. gusto mong matulog sa labas ng condo mo sa makati?"

...

"bumaba ka sa survey kasi." 

"tang inang survey. tang inang mga estudyante. tang inang mga pilipino. kapag nanalo ako makikita nila."

"sabi ng baraha wala ka nang pag-asa..."

"tang ina ang mga baraha mo. kaya kong manalo, makikita mo."

...

"nilabas na nila ang ad ko. maaawa sila sa'kin. madali namang bilugin ang kanilang ulo."

"pero wag kang umasa kaibigan --"

isang malutong na sampal ang aalingawngaw sa gabi.

"sasabihin mo bang mananalo ako o pasasabugin ko ang ulo mo?"

...

"sagot!"

"mananalo kayo...."

"magunaw man ang mundo, mananalo ako."

sa kadiliman ng gabi, lumabas siya sa bahay ng manghuhula.
tila kakambal siya ng anino, pero maaninag natin ang kaniyang mga mata -- puno ng pangamba at takot.

mananalo pa ba siya?
kasing dilim ng kaniyang puso ang gabi.

***

puno ang agam agam ang mukha ng lalaki habang sinusuot ang kaniyang dilaw na polo shirt.

"ikaw naman ang ieenderso niya, don't you worry."

"alam ko." sagot niya.

"so quit worrying." she said, in her usual bossy tone, as if she's in her office again. "yellow suits you."

he smiles faintly. "bayad utang yun."

"right. dapat lang. for your sacrifice six years ago." she said sternly. siya ang namili ng isusuot ng kaniyang asawa, she combs his hair lovingly.

makikita na ang puti nitong buhok, siguro dahil sa samu't-saring kunsumisyon.

"pano pag di ako manalo?" may pag-aalinlangan sa boses niya.

"yes you will. do you think that ambitious woman will take the cake? after that fiasco with that cult? i dont think so." 

"still may chance."

"im sure makakahabol ka after ka niyang i-proclaim. his reputation will rub on you."

"you think?"

she nods. kumbinsido sa asawa.

"what if i fail?"

"wag mo kasing isiping matatalo ka."

"hindi naman ako natatakot matalo. natatakot ako na madisappoint siya sa'kin."

...

"after all these years... sana manalo ako. that way he might love me back."

matatahimik lang si misis. lahat ng pagpapakitang tao niya, para sa ibang tao, alam niya yun sa kasal pa lang. para sa pangulo. kaya pumapalpak kasi sa takot na madisappoint ang presidente. pero sa lahat ng kapalpakang yun, hindi siya pinagalitan dahil lang sa sakripisyo niyang ginawa anim na taon ang nakararaan.

makuha man niya ang kaniyang enderso, pero hindi ang kaniyang pagmamahal.

***

bakit sa lahat nang ito, tayo ang talo?










napanood mo na ba ang heneral luna?
hindi ba? ay ano ba yan. baka makatulong itong link para manood ka.





Wednesday, July 22, 2015

the great wall of cheka

it was also a wednesday last year, kasisimula pa lang ng july when i was haunted and hunted by a death of an acquaintance.

a death i never expected to affect me profoundly.
the reality that you can die young, snatching you off your sleep, that death in the final destination movies na hindi titigil para kit'lin ang buhay mo. parang stalker lurking in the shadow.

that was last year.
and this year another death shocked me.

a young promising teen actress took her own life habang ako sobrang takot na takot mamatay, nakayanan niyang tuldukan ang kaniyang buhay.

but i don't judge her.
...nakakalungkot lang.

the paranoia of dying eventually faded, actually meron pa rin pero hindi na kasing lala nung last year. nakatulong din siguro na naging busy ako at may pinagkakaabalahan.

i confronted it by talking about it with my friends. nakatulong naman.
iba naman ang naghaunt sa'kin lately -- that ever mailap na love life. lol

***

if death lurks in the shadow, love is in the air.
charot. hihi.

...but yeah.
it is annoyingly everywhere. lol. si love waiting in the park bench, having a day off. or sneaking in tinder or even in hopeless grindr. in the air we breathe, in the aftertaste of expensive chocolate from your dreamy suitor.. in the dog shit you didn't pick up.. pero alam mo kung saan siya wala?

sa'kin.
shet.

forever punchline ang love life ko. haha
minsan napunchline na rin sa office ang kawalan ko nang love life.
...at mapaglaro ang tadhana...

ang isang barkada ko sa workplace, ako lang ang walang dyowa.
yung isa sa tinder nakahanap ng mahal, tas yung isa naman tuloy pa rin sa complicated niyang kasintahan.

then, suddenly ang bestfriend ko may ka-date. sa tinder din.
gosh. i almost got desperate at kulang na lang magright swipe ako sa lahat ng nakikita ko sa tinder. haha. oo napeer pressure ako. ganern levels. kasi naman third wheel forever ang role ko at ako na ang nagiging token beki bestfriend role! haha shet nikki valdez lang ang peg.

...pano kung nikki valdez roles nga ang tadhana ko?

wah. lord pwede naman for once maging toni gonzaga ako? or sarah geronimo? haha

sa isang inuman, nabanggit nung dati kong boss turned friend na ang dami ko raw kasing walls. subukan ko raw kasing magbaba para magkadyowa ako.
sabi ko naman sa isip ko, subukan naman nilang tibagin di ba? hihi.

siguro kaya ko naman. pero sa tamang tao. :)
...kung darating siya.

pero minsan mapapagod ka na rin sa kakahanap. ang dami ko rin kasing kuda. haha
charhahapero kung mahal mo ang isang tao di ba, madali namang magpatibag ng pader? ang magpabago ng dingding, magbukas ng pinto sa pogi. . . ang tumigil sa pangunguwestiyon, ang pagkabulag sa mga kakulangan,  pagpuno sa mga kabawasan... kung mahal mo na ang tao.

pero pano nga kung hindi ka pala nakatadhanang magmahal?
o baka habang buhay kang matatakot sumubok?

...ayoko rin kasi ng dates.
wala lang. naplaplastikan ako. haha nakakapressure kasi. parang dapat meron kang patunayan. iyong lagi mong iisipin na sana magustuhan ka. na bawal kang magkamali.

...minsan ang pathetic ko rin kasi.
masyadong eager. masyadong nagsasabi agad na gusto. pero di ba kung madali nating makuha ang bagay madali rin nating bitawan? so ganun tuloy pakiramdam nila kapag sinasabi kong gusto ko sila. hindi na sila nachachallenge. nasasakal agad.

hindi pa ako nililigawan kahit kailan. walang nagkamali. haha hindi ko rin naman alam ang iaasta. lol
hindi ko rin naman kayang manligaw. 

...parang ayokong lagyan ng label ang mga bagay. 
ayokong tawaging date. parang may cringe factor. ang ligaw parang ang plastic lang din, gagawin mo lahat para mapasagot pero pag napasagot wala na, or baka pangstraight lang yun. ayoko ng labels pero gusto ko rin namang maranasang may tawaging boyfiebebe, bae, love, babe... akin.

juskokaso posible ba yun lalo na sa lipunan natin na hobby ang maglabel sa lahat ng bagay. 

or baka wala pa talaga yung taong yun? o baka wala naman talaga siya.
sinasabi nila may mga taong nakalaan sa'tin, pero bakit may mga matatandang binata at dalaga?

masyado na akong matanda para maniwala pa sa destiny plot.
pero ayoko namang maging cynical masyado.

nakakapagod na rin kasi ang puro kama na lang. madaling makaraos, mailabas ang mga halinghing, parang bula na madaling maglaho ang ligaya.

***

sa susunod na linggo tatanda na naman ako ng isang taon.
hindi ko alam, may panibago na naman sigurong magmumulto pero alam kong nandiyan pa rin ang mga gabing hindi mo pa rin maiwasang maisip ang takot sa pagkamatay, o ang pagiging mag-isa. o ang ilap ng pagmamahal.

kapag tumatanda, mas nagiging kumplikado ang mundo.
pero mas madaling umunawa.

sa taong ito hindi na ako nagsusulat ng birthday wishlist.
pero hindi dahil karamihan naman hindi ko nakukuha, kung hindi dahil magbebente ocho na ako, hindi na sapat ang humiling lang. dapat gumawa. dapat humakbang.

nandiyan man ang mga takot, sa kawalan ng kasiguraduhan, harapin lang siguro.
kalabisan naman kung lumilipas lang ang mga taon na wala tayong natututunan.

sinubukan ko noon na hayaan ang pagmamahal na dumating, sinubukan ko ring hanapin.
ilang posts na ba ang nasabi ko rito na sinabi kong gusto ko na? haha.
hindi pa rin nagbabago ang kagustuhang iyon.

pero hindi ko pipilitin.
siguro may gigiba pa rin ng pader, o mas tataas pa ang mga ito.
dadagdagan pa ang semento, pipintahan, vavandalan at iihian.

i will not compromise myself.
sawa na rin akong maghanap. maging desperado. ang matakot.

basta yayakapin ko na lang ang mundo. :)



Thursday, May 14, 2015

penis monologues

i hated it when people ask dick pics on grindr.
so i send them my poser dick pic.

lol.

yeah i know. what a dick move right

***

medyo tmi yun.
too much info. 

so moving on...

i still blush when i say titi in real life. pero slight na lang. haha there was a time na i can't say it out loud pa nga. penis sounded better. i'd rather say puke hundred times than titi. i dunno
why say it if you can just lick and put it in your mouth right?
charot lang. haha ang bastos nampota. lol

***

bakit nga ba ang bakla nagulat 'ay puke' ang isinisigaw at hindi 'ay titi'?

***

bootot, pitoy mga slang ng penis sa ilonggo
wala lang pinush ko yan para masabi na sa ilo-ilo city at guimaras ako nagholy week with my friend and workmate. haha ang daming poging ilonggo ah. 

kinilig ang bootot ko. charot. hihi

***

nagteam building kami nung monday sa beach sa batangas.
may activity na isalang daw ang best member sa team, aba ako pinush ng mga team mates ko. e di ako na magaling. haha 

beauty pageant pala. shet.
honestly hindi ako comfortable if ever alam kong ganun ang gagawin, hindi ako magvovolunteer. so since andun na, para sa team at syempre para sa spirit of fun, ginawa ko na rin.

guess what? fourth runner up lang ako. haha
natalo ako ng dalawang straight (beki ang nanalo ng korona).  shet
napush ko pa naman ang opening intro ko, "mga mahal kong kandidata, hanap kayo nang hanap ng korona, nasa ulo ko lang pala..." booom nawaley ako sa q and a! haha

pota. napressure ako kasi ako ang una.
ang pakulo, may ipapakitang pichur tas kukuda ka. 
ang pic na napunta sa'kin about idea.

so sabi ko... "ang idea ay kung saan tayo nagsisimula....."

fuck.

natigil ako.

fuck.

as in namental block ako. haha shet expectorant siguro sila na makakasagot ako ng bongga kasi well writer ako at bading pa at the same time. 

but no.

na-pa thank you na lang ako. haha

shet. simula nun alam kong fourth runner up na ako. haha
nahiya ako sa team mates ko. hahahaha

so hindi ko na ibabash ang mga beauty contestant na nawawaley sa q and a bilang i know the feeling na. hahaha

***

so dahil hindi ko matanggap kuya april boy ang pagkatalo sa straight naglasing ako. charot. haha syempre after ng ganap may jinuman

hindi ako palainom, pero dahil sa pakikisama syempre tutungga ka or something. haha
ang kanto lang ng pagtungga. 

it was an interesting night actually.
an awkward pa-virgin kiss (nakakaguilty to though  dahil sa dare at wala sa ulirat yung isa lol) and an action packed chase scene sa beach.

the point is, ang lahat ay nang dahil lang sa call of etits.

***

nung laban ni pacquiao sabi ng mga netizens walang balls si mayweather dahil sa kaniyang fighting style. hindi ako nanood actually. so i dunno. apparently takbo siya nang takbo.

dahil dito he was tagged as #gayweather.

bakit pag duwag at walang balls bakla agad
excuse me. 

oo marahil may duwag na bakla pero it's wrong na ipush ang kabaklaan sa taong nambubugbog ng asawa at umuurong sa kanyang laban.

karamihan sa mga baklang kakilala ko mas may balls pa kaysa sa mga tunay na lalaki.
hindi biro ang buhay ng mga beki.

ang kakaibang pakiramdam na nilalabanan mo, ang kalabang lipunan, ang moralidad...
ang paglabas lang sa kloseta ay isang anyo ng kakaibang katapangan.

***
does size matter to me?
not really, actually.

i like kissing more so...

***

recently, mary jane veloso's case hogged the headlines. naligtas siya sa kaniyang pending doom.
but then filipinos reacted when her mother uttered her issues about the government na hindi sila tinulungan.

ewan ko lang. at first naloka ako at naisip ko walang utang na loob but naisip ko, ano nga bang alam ko sa kanilang plight? 

but what bothered me is what if nagamit din siya ng ibang tao for their own personal agenda? siguro hindi naman.

hay wala ng mas nakakaloka pa kundi ang mabrainwash ka sa bagay na di mo pinaniwalaan, principles are like dicks na hindi mo basta basta ipapasubo na lang sa iba di ba? 

though hindi naman siguro. may sariling isip naman ang mga veloso. 
yeah this is just me and my trust issues. lol

***







...okay what a random post.


guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...