Sunday, March 25, 2012

singapura in my mind

march 14.

yan ang araw na magagamit ko ang aking passport for the first time.
it's my dream to travel the world at para simulan ito, bakit hindi muna sa ating kapit bahay?
ang singapore!


unang tapak ko sa maliit na bansang ito, nakita ko na agad ang malaking kaibahan sa pilipinas.
malinis.
organisado.
disiplinadong mga tao.
maunlad.
 moderno.

malayong malayo sa bansa natin.

kahit saan ako tumingin larawan ito ng kaunlaran at masunuring lipunan.
walang mga yagit sa kalsada (narealize ko kami na pala yung yagit. haha), safe bumalandra sa gabi at hindi ka matatakot maholdap o magahasa.

magara ang mga matatayog na gusali.
mabilis ang kanilang mga tren.
maaayos ang seguridad.
pwedeng uminom sa gripo.

malayo sa bansang pilipinas.

pero habang tumatagal ako, mas nakikilala ko ang maliit na bansang ito.
sobrang masunurin ang mga tao sa batas.
kaya naman takot na silang lumabag sa kanilang gobyerno.
walang rally sa singapore.
may curfew ng 12 midnight.
at iisa lang ang may ari ng tv network.
parang martial law lang.

well hindi naman siguro lahat pero majority ng nakakasalamuha naming singaporeans masusungit. haha sabi nga ng isang pinoy na nakachikahan namin sa isang mall sa orchard, "hindi sila marunong tumawa."
kung maayos lang daw sana ang kita sa'tin, hindi na sila magtitiis sa sg.

kapansin pansin din na para silang robot. mabibilis ang mga lakad animo'y laging nagmamadali. may oras na dapat sundin. umiikot ang buhay nila sa trabaho.

sa liit ng bansa nila, mga foreigners ang bumubuhay sa kanilang populasyon. well opinion ko lang naman ito, pero parang walang sariling kultura ang singapore dahil sa maraming lahi na nga ang nandito. bukod sa nagtatayugang building at modernong arkitekto, kung kultura at kultura ang hahanapin parang hindi ito nagsisip through.

mabilis ang oras dahil nga routinary ang buhay. sabi ko nga, mukhang mabobore din ako sa singapore kapag nagstay ako run. unless marami akong pera. lol

sa apat na araw na naging lima kong stay sa singapore dahil nadelay ang flight, mas nakilala ko ang maliit na bansang ito na 3 oras ang layo satin by plane. pero sa limang araw na yun, pakiramdam ko mas nakilala ko rin ang pilipinas.

madumi.
maingay.
magulo.
pero masaya.
malaya.
sa'tin ang mundo.

ibang-iba pa rin talaga ang bansang pilipinas.

:)

Monday, March 12, 2012

inggitera

isa akong inggitera.

kasi nastrestress ako minsan sa restaurant kapag oorder kasi minsan baka magkaiba kami ng order pero mas masarap pala ang kaniya. haha mainggit lang ako.

mabuti na lang ang madalas na set up iba-iba ang order pero share share. solb! hihi.

isa akong inggitera.

kasi noong nagtake ang bunso namin ng upcat, syempre masaya ako kung papasa siya pero somewhere  sa aking evil mind somehow winiwish na bumagsak sya. haha bagsak kami ni kuya so kapag pumasa siya, siyet lang di ba? feeling ko kasi ako pinakamatalino sa aming tatlo e. nyahaha. so ayun sa aming tatlong magkakapatid walang pumasa sa up. haha ang sama kong ate! chors.

isa akong inggitera.

kapag may nakita akong gusto ko, bibilhin ko. pero syempre depende sa budget.
minsan naman kapag may nakita akong meron ako tapos meron sa iba, nastrestress ako. haha lech.
so isang madamot na inggitera at that.

isa akong inggitera.

pero hindi ko naman sinisiraan yung mga taong nakakataas sa akin.
inggit lang ako kasi meron sila nung wala ako pero wishing na sana someday magkaron din ako nun.

gaya na lamang ng boylet.

shet. heto na naman tayo sa usaping puso. haha

so kapag masusunog ako sa apoy dahil yan sa envy plus lust. chooooos.
haha

basta.

isa akong inggitera.
inggit ka no?

Monday, March 5, 2012

tatlong araw, dalawang gabi

wala pang marso noong binuksan na namin ng aking mga katrabaho ang summer season. gusto naming takasan ang ingay at kaguluhan ng siyudad para makapag-isip-isip at makapagsulat. kaya naisipan naming mag galera! 

oh yes. why not chocnut? isang kembot lang ito mula sa maynila. kaya fly high ang drama namin sa mindoro!
 february 25 hanggang 27, tatlong araw at dalawang gabi kami sa puerto galera. at hindi kami nagstay sa mataong white beach at tinry namin sa talipanan. 



well mas tahimik at hindi crowded. malinaw pa rin ang tubig though mabato. may angking ganda talaga ang galera. though kung partyphile ka, mamimiss mo ang fun sa white beach at syempre ang jurassic. nyahaha though pwede namang magtryk ang kaso may buwis buhay factor. kaloka. as in mapapadasal ka kasi naman sa gilid mo isang maling keme lang ng tryk malalaglag kayo sa bangin!

sa gabi, kitang-kita ang mga stars. pwede kang magpaka-shane west at mandy moore habang nakatingala sa langit ang peg. as in. ang ganda ganda ng langit parang may pimple attack lang. chos. basta ibang klase talaga kapag kita mo ang mga star sa kalangitan na hindi natin masyadong naeenjoy sa manila.


iba ang hatid ng malamig na hangin at hampas ng alon sa dalampasigan sa gabi. nakaka-emo lang. eh lahat pa naman kami nun single. lol. iniisip namin na what if may mga kayakap kami nun? haha laos. wala e. 


so let's welcome summer na!!!! :)

Sunday, February 19, 2012

five days later

limang araw na ang nagdaan matapos mapuno ang wall ng facebook ko patungkol sa sweet nothings at kabitteran ng mga tao sa valentines (me, myself included).

limang araw na ang nagdaan pero paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang himig ng violin na tumutugtog sa lobby ng aming opisina noong araw na yun. naghuhumiyaw ang ground floor ng valentine stuff, flowers, chocolates, couple shirt booth... kulang na lang isuka ng lahat ang kanilang mga puso at pintahan ang mga dingding ng sarili nilang mga dugo para ipanalandakan na valentines noong araw na iyon.

oo. ngayon lang ako naging bitter sa valentines.
ang pathetic pakinggan.

noong mga nakaraang taon, tunay namang masaya ako at napapalipas ko ang valentines na wala akong nega in mind. it's just a date after all. a commercial date to be exact na pinagkakakitaan ng mga negosyanteng nilalason ang ating utak sa konsepto ng love.

i sound so bitter and angsty about feb 14.
and the thing is i don't know why.

or baka alam ko naman ang dahilan, nahihiya lang akong aminin.

im so embarrassed to admit na im really looking for love na.


***


ugh.

and the thing is i thought dumating na siya.

nagsimula actually sa isang gay site.
tamang exchange ng mensahe.
i can feel the chemistry.

and for me logging in sa gay site na yun just means fun at hindi ako nageexpect na makakita dun ng love. but noong nakilala ko siya, i thought it's different.

isang gabi lang yun ng phone call.
nagustuhan ko na siya agad.

at dala ng stress sa work, kinailangan kong mag-unwind.
fortunately pwede siya.

ayun nauwi sa sogo. lol

...and after that steamy action i asked him.

"do you still like me?"

he said yes.
pero at the same night binasted na niya ako at hindi raw siya ready magcommit.
blah blah.

pero sa 24 years ng aking existence hindi pa ako nakaexperience na may maglike back sa akin. natuwa ako. naaliw. kinilig.

suddenly naexcite ako na itext siya lagi. it was holiday season at natuwa ako na nabawasan ang stress ko sa pakikipagplastikan sa mga kamag-anak kong di ko bet dahil naging katext ko siya.

pakiramdam ko siya na nga ata ang magtatanggal sa aking sumpa.
nagsimula kasi sa laro ang lahat, mga sagutan sa blog, tweets na hindi mo malaman kung patungkol sakin o hindi... eh assuming ako na ako yun. haha it sustained the kilig though.

naulit ang aming mga encounter.
until naramdaman ko na im falling too...
at alam ko siya rin kahit forty eight times niyang i-deny.

ang reason lang naman nya kung bakit ayaw niyang magfall ay dahil aalis siya na sabi ko naman, eh ano naman? howell. sabi ko nga alam kong gusto niya ako. hehe (ako na confident!)

hanggang sa noong nagkita kami ulit at pagkatapos ng sogo moment, aba binasted na naman ako the next day. ang sabi niya hindi niya talaga ako gusto at sinubukan lang niyang gustuhin ako pabalik.

btw it feels like a scene from a star cinema flick, drunk text kasi yun e. at ako naman gulantang.

pero syempre hindi ako naniwala. i'm persistent. i keep on texting. making kulit. nagpapasweet. hanggang sa may bago na naman siyang plot. may gusto raw siyang iba, sabi ko bakit di niya landiin?

hanggang sa mareveal sa akin na pinagseselos lang niya ako.
nyek. hindi effective pero na-cutan ako sa ginawa niya. haha

basta takot siyang magcommit.
ipinaglalaban ko naman.

kaya akala ko siya na.
akala ko.

hanggang sa sumapit ang pebrero.

natauhan din ako.

hindi ko pala siya gusto.


shet. i feel so... stupid.
nagpakain ako sa kilig at sa thought na may taong nagkagusto sa akin.
akala ko yun na yung lab.

hindi pala.
nalinlang ko ang sarili ko na akala ko gusto ko siya.
naproseso ko ang lahat.

natuwa lang ako na may taong nagbigay sa akin ng atensiyon na usually hindi ako nasusuklian.
nabulag ako run. ang saklap lang.

naalala ko kasi ang sinabi ng friend ko at katrabaho,
malalaman mo lang na kapag nagmahal ka, kapag nasaktan ka na. 


nasaktan ako noong sinabi niya sakin na hindi niya ako gusto at pinilit lang niya akong gustuhin.
akala ko yun na yung sign.


pero narealize ko nasaktan pala ako dahil nagsinungaling siya sa akin. bwiset. lol

pero sabi ko nga inilaban ko pa rin naman after nun.
hindi kasi ako naniwala sa kaniya, which is totoo nga, gusto niya talaga ako. (labo no?lol)

hanggang sa may nagtanong na naman sa aking kaibigan...

kung gusto ka niya (or baka pov ko lang to.haha) at gusto mo siya bakit hindi mo ipursue?!


ang dami kong excuse.
kasi ganito... kasi ganiyan...

hanggang sa alam ko na nga ang sagot.

hindi ko pa siya mahal. :(


...at talo na naman ako.
akala ko yun na e.


hindi talaga natin maloloko ang ating puso.




well friends naman kami.
so keri lang. :p
mali lang siguro na sa sarap nagsimula.
unofficially yours ang peg?

kaso saya nina cess at mackie kasi narealize nilang totoo ang nararamdaman nila sa isa't-isa. hehe

anyway heto... maghihintay na naman ako. natatakot na rin akong magtiwala sa aking puso.
kasi baka masyado lang itong desperado. darating din naman siguro yun,

at titibok din ito ng totoo at walang halong biro.


Monday, January 23, 2012

small talk

nasa gateway ako kanina para bumili ako ng eye glasses.
hindi naman lingid sa kaalaman natin na puno ng beki ang mall...
so habang paakyat ako sa escalator, may isang skinhead guy na naka-eye to eye contact ko.

ooooh.

he is averagely cute. :p
so tinginan moments.

natigil ako sa chinese zodiac signs, binasa ko ang year of the rabbit. ang sabi dun, it's my year daw sa lahat ng aspeto ng buhay ko: career at lovelife. ayos. sana totoo.

nandun din si skin head guy. our eyes met for x-times.
hindi na siya nakatiis.

"saan ka punta niyan?"

tanong niya sa akin.
ang sabi ko bibili ng salamin.

naglakad kami sumandali papunta sa rustan's.
punta raw siyang cam sur.

year of the dragon siya.
he asked me kung rabbit daw ba ako...
"oo." sabi ko.
sabi raw ng chinese zodiac niya, compatible daw ang dragon sa rabbit.
wow. pick up line ba yun? hehe
natawa naman ako.

kinuwento niya sakin na kakabreak lang nila ng bf niya at kaya siya pupunta ng camsur for his alone time.
pinakita niya sa akin mga scratches niya at pasa...
bad break up.

pagod na raw siya.
"saan? sa work o bf mo?" susog ko naman.
"sa lahat." aniya.

ayun.
nagpasya na akong umakyat.

hindi ko alam.
malapit lang siguro ako sa mga taong may issues sa buhay.
gusto niya lang siguro ng kausap kanina.
howell, kailangan ko na ngang bumili ng salamin.
bago pa manlabo ng tuluyan ang aking mga mata.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...