Wednesday, March 30, 2011

singkwent(o)

hindi ko alam pero parang uso yata ito sa mga blogs na nabasa ko. haha. nainggit ako. syempre dahil inggitera ako, gagaya ako. nyahaha. parang ang ganap 50 things about yourself lang so dahil diyan... 
  1. iyakin ako nung bata. pero hindi na ngayon. sobrang miss na miss ko nang umiyak. kahit gaano pa nakakaiyak ang pelikula, hindi ako naiiyak, hindi dahil sa pinipigilan ko pero natuyo na yata kasi ang luha ko. char. haha. pero alam ko naman na nakakaiyak siya. hehe.
  2. mahilig akong magbasa. sa totoo lang namimiss kong magbasa ng libro bilang ang dami na kasing distraction ngayon lalo na't sa internet palang. boo. hehe. sa sobrang hilig kong magbasa hindi lang books, newspapers o magazines ang binabasa ko. kapag bored ako nagbabasa ako ng kung anu-anong pamphlets, o kahit yung ingredients lang ng kung anong makita ko kaya naman pasok sa akin ang check the label! mga nakasulat na vandal, mga nakaprint sa shampoo o kung anuman... basta name it, basta may letra, binabasa ko na. haha.
  3. mahilig akong magsulat. nadiscover ko ito noong summer bago ako mag-grade 4 at ang unang kwentong sinulat ko ay actually isang komiks na tungkol sa mga pasahero ng isang pabagsak na eroplano. hehe pero high school ko lang narealize na gusto kong maging writer. 
  4.  mahilig ako sa mga teleserye. haha. kaya naman bukod sa pagiging field reporter, maging writer ng teleserye isa ko pang dream. haha.
  5. before i die gusto kong makapagsulat ng nobela, manalo sa palanca, makapagsulat ng film at ng isang episode sa shake, rattle and roll. haha
  6. speaking of films, mahilig akong manood ng mga pelikula at kahit anong genre pa yan. at ang mga favorite films ko napakadiverse! haha doremi, love of siam, manila by night, insiang, ilang shake, rattle and roll films, harry potter series, himala, a very special love, ang pagdadalaga ni maximo oliveros... haha form jologs to indie to mainstream to pa-deep. ah basta. :p
  7. people thought na dahil sa masayahin ako at palabiro, friendly na ako. well hirap akong mag-adjust sa bagong environment at natuklasan ko na meron akong three stages na pinagdadaanan bago makapagadjust. haha una, the kimi stage na yung tahimik lang ako at halos di mo na mapansin, ikalawa, the pasweet stage na parang dalagang pilipina at third, yung ako na. haha ibig sabihin napalagayan ko na ang mga tao. haha pero ngayon parang wala ng kimi-kimi stage. haha
  8. i have trust issues. so matagal ko bago pagkatiwalaan ang isang tao at kapag binigay ko ang tiwala ko umaasa ako na hindi niya sisirain yun.
  9. masasabi ko na ang isa sa mga asset ko ay i keep secrets hanggang sa aking grave. promise feeling ko kahit mag-away pa tayo hindi ko ibubulgar sikreto mo (ay teka baka pwede ko naman ibulgar pala. haha). my point is kapag sinabi mo saking bawal ipagsabi, promise hindi ko talaga sasabihin. unless suhulan ako para ilabas ang iyong sikreto. haha chos lang.
  10. isa akong catholic school baby. mula grade school kasi hanggang college, catholic schools ang mga naging eskwelahan ko. lumaki tuloy akong imoral. charot. 
  11. sobra akong kuripot. :p
  12. hobby kong mag-org noong college. haha noong fourth year active ako sa limang orgs. haha pinakaactive ako sa theater org, active din naman ako sa communication arts org namin, sa college paper, sa local comelec at sa isang university wide writer's guild. ako na! nyahaha. 
  13. mahilig ako sa anime well hindi na kagaya ng dati pero noong first year college sumali pa ako sa isang anime org sa uste. hahaha. kaloka. :p ang favorite animes ko ay ang fushigi yuugi at full metal alchemist.
  14. kahit na becky ako gusto kong magkaanak pero ang tanong sa paanong paraan? haha
  15. noong senior year ko sa high school tumakbo ako sa high school student council bilang business manager. well straight win naman ang nakuha ng partido namin.pero nakaranas naman ako ng pagkabigo noong grade school twice dahil dalawang beses akong natalo sa batasang pambata (elementary student council). ang saklap. haha may speech pa ako nun sa meeting de avance na kung si erap ay para sa mahirap, ako nama'y para sa lahat! pak. ayun talo. haha
  16. favorite number ko ang 13.
  17. noong bata ako hiniling ko na magkaroon ako ng third eye. well buti na lang hindi ako pinakinggan ng diyos. hehe i will always be fascinated with the supernatural.
  18. isa akong jumping rope champion noong grade six o five? haha dahil dun nilibre ako sa jollibee nang nanay ko. haha
  19. dalawang beses palang akong naiinlab. parehas na unrequited. :p
  20. kapampangan ang salita namin sa bahay. mekeni, mekeni kuwanan me ing bola king lalam ning tete. :)
  21. noong tinuli ako noong summer bago mag-grade five sinabi sa akin ng doktor habang ginugupit ang keme na "hindi ito ginagamit sa boys... dapat sa girls." whatever dok. haha
  22. apat na beses na akong napagkakamalang mamimick up ng prosti girls. hello? 
  23. napagkamalan na rin akong miyembro ng akyat bahay gang. haha kasi naman itong kabarkada ko nakalimutan ang susi ng bahay nila so para makapasok, we attempted na umakyat sa gate at kalikutin ito. pero dahil hindi siya palalabas, hindi siya kilala ng kapit-bahay niya na nakakita samin. ayun napagkamalan kaming magnanakaw sa tanghaling tapat at bago pa kami makuyog ng taong-bayan buti na lang may matandang nagpledge na taga-run nga ang barkada namin. haha
  24. at twenty five magpapatattoo kami ng best friend ko ng tweety bird ala claudine barretto. chos. syempre kung anumang design ang naisin namin. haha pero parang gusto ko na ngayon... makalabas na nga ng bahay. atat? haha
  25. dream school ko nun ang ateneo at vinivisualize ko na kapag dun ako nag-aral magiging san chai ako. haha ayun nasira ang pangarap ko kasi bumagsak ako. haha tinadhana akong maging tomasino at ipinagmamalaki ko ito. :)
  26. mahilig ako sa root beer, sarsi, cinammon at mustard na marami ang may ayaw.
  27. gitna ako sa tatlong magkakapatid. kuya, ako at ang bunsong babae. so pinapangalagaan namin ang balanse ng mundo bilang ako talaga ang gitna. haha
  28. no boyfriend since birth. 
  29. madali akong magpatawad at mahaba rin ang pasensiya ko. well i forgive pero i don't forget. pero hindi naman ako magsasaka... hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. nyehehe.
  30. if bibigyan ako ng panibagong talent paggising ko bukas, sana gumanda boses ko. haha
  31. pangarap kong maging housemate ni kuya. kaya naman noong season three sinubukan kong magaudition kasama ang isang kabarkada. haha pero bored lang kami nun at gusto ko lang maexperience. sa haba ng pila, naabutan kami ng cut off. it turns out masaya ang experience dahil sa pila palang samu't-saring tauhan na ang makikilala mo.
  32. i love conversations lalo na sa mga estranghero. pero mas listener ako kaysa puro talak kahit na madaldal ako. hehe mas gusto ko lang nakikinig sa mga kuwento ng tao.
  33. mas gusto ko ang written recitation kaysa oral recitation. nahihirapan kasi akong magexplain verbally e. haha kaya naman mas gusto kong magsagot ng essay kaysa magreporting. 
  34. nasampal ko na ang nanay ko. well dahil lang kasi nagulat ako sa kaniya basta bigla siyang sumulpot. haha sa sobrang shock ayun nasampal ko siya. pinagtawanan lang niya ako. haha
  35. mas gusto ko ang lakad na spontaneous kaysa planado. okay lang naman kasi ang planado pero i just love surprises. at mas madalas matuloy ay yung mga biglaan. one time kasama ng friend ko na si judee, wala kaming magawa isang madaling araw sumakay kami ng bus papuntang batangas at bumaba sa laguna. ayun pinuntahan namin ang bahay ni rizal at nagswimming sa hot springs at ang dala lang namin ay kung ano ang suot at bitbit namin ng araw na yun. haha siya rin ang kasama ko nung isang gabi na bigla na lang kaming pumunta ng baguio at the next day bumaba ulit ng manila. haggard pero fun. hehe
  36. kung ang pasok noong fourth year high school ay ten class days, eight dun late ako. haha shet nagwalk out adviser namin dahil napikon na sakin dahil sa araw-araw ay huli na naman ako. at ang catch fifteen to twenty minutes jeepney away lang school namin. haha
  37. iba ang pagkakakilala sakin ng pamilya ko kumpara sa pagkakakilala ng mga kaibigan ko sakin. example sa bahay akala nila tahimik ako at hindi palasalita... eh yun ang akala nila. haha ewan ko siguro karamihan naman may ibang katauhan sa harap ng family at iba rin namang makitungo sa friends. 
  38. baligtad na ang tulog ko. para na akong asuwang. gising sa gabi at tulog sa araw. insomniac na tuloy ako.
  39. nakakita na ako ng multo. pero syempre alam ko naman na hindi lahat ng pinagsabihan ko noon ay maniniwala sa akin. haha. isa siyang matandang babae na may mahabang buhok na umiiyak... actually tumatangis ang better term dahil grabe kung lumuha siya parang walang bukas. after nun mga paramdam na lang naranasan ko. hehe. okay lang. fun. lol.
  40. ang pangalan ko ang pinakamaikli sa aming magkakapatid. at may pattern na dapat may j at m. haha pero muntik na akong magkaroon ng second name na christian. kuya ko dalawa names niya tas yung bunso tatlo. ako lang isa. unfair! haha
  41. speaking of pangalan, ang maikli kong pangalan ay combination ng paboritong artista ng nanay ko at ng sa tito ko na bunso nila.
  42. naikot ko na lahat ng pwedeng maging participation sa isang santa cruzan, naging tagabuhat nung arko, mamamayan na kasama lang sa prusisyon, taga-usyoso at naging escort ng isa sa mga sinasagala. sayang hindi ko naexperience maging reyna elena. charos pempengco!
  43. dati nagpapanting ang tenga ko kapag sinasagot ako ng 'wala akong pakialam!' haha ngayon medyo na lang. kasi nakakapikon lang na ikaw na nga nagsheshare ng something tas sasabihan ka ng wala silang pakialam. haha
  44. pangarap kong makapag-aral sa ibang bansa. gusto ko ring mag-MA kasi binabalak kong magturo someday kapag gusto ko na lang ng tahimik na buhay.
  45. first time kong makaranas ng bagsak na grade noong first year college at sa dalawang subject pa. so muntik akong makick out! kasi isang subject na lang masisipa na ako sa uste. so naforce akong magsummer. boo. iniyakan ko yung mga bagsak na yun ha! ahaha well at least after nun hindi na naulit pa ang mga ka-singkuhan!
  46. simula grade one hanggang grade six may girl crushes pa ako. akalain mo yun?! pero alam ko na nun na there is something different na sa akin. ginugusto ko nun maging red ranger hindi dahil sa idol ko siya pero narealize ko ngayon na kasi crush ko siya. haha high school ko sinumulang yakapin ang aking sexuality. :)
  47. kung bibigyan ako ng pagkakataon mabuhay ulit, gusto kong subukang mabuhay naman as a straight man hindi dahil sa kinahihiya ko kung ano ako pero gusto ko lang malaman kung paano nga ba magiging takbo ng buhay ko kung hindi ako becky. pero of course wala naman akong pinagsisisihan sa buhay ko ngayon.
  48. may mga interesting na hula sa akin na mula sa iba't-ibang 'seer' ang tumatak sa akin. may hula sa akin na sisikat daw ako someday at yung pinakainteresting naman na nakita sa future ko ay yung pangatlong taong mamahalin ko at magmamahal sa akin ay ang papatay sa akin o ang ikapapahamak ko (basta something to that effect. hehe). shet so kailangan dapat makadalawa lang ako. haha
  49. aside from sa buong pilipinas, gusto kong makapagtravel sa ibang bansa. 
  50. kahit na kilala ko na ang sarili ko marami pa rin akong bagay na natutuklasan na kahit ako mismo ay kinagugulat ko. masayang umalis sa comfort zone paminsan. :)
whoa! haba nito a. :p

Wednesday, March 23, 2011

unrequited diaries

i fell in love twice at parehas na unrequited yun. 
sanay naman na ako.
no regrets. hindi naman pinipili ng puso ang taong mamahalin niya di ba?
pero alam ng isip kung hanggang saan na lang at pwede na yung tama na. 
hay naku. haha. kasi naman halos lahat ng mga blogs na nabasa ko ngayon about love.
tas yung bestfriend ko may crush pa at kinikilig siya. haha inggit ako. lol.

anyway four months ago sinubukan kong manligaw ng isang frat guy.
akalain mo yun?
he looks interesting. 
...at sa personal masarap kasama. 
at bad boy ang dating...

and i felt something.

four months ago.
our chat...
ako: sana hindi na lang tayo nagmeet.
ako: kasi nung nakilala kita
ako: mas likable ka pala. grrr.
ako: pakshet ka. hehe
fratguy: ahaha
fratguy: wala nga nagkakagusto sa akin e
ako: gago.
ako: nagkagusto nga ako sayo eh. 
fratguy: ah
fratguy: :D
ako: ayan tuloy mukha na akong tanga.
ako: hehe
fratguy: emo!
ako: oo.
ako: sisihin mo sarili mo. haha
ako: hindi kaya ako emo sa tunay na buhay!

***
four years ago bago grumadweyt yung second lab ko, inamin ko sa kaniya nararamdaman ko...
pero after nun, shet iba pala feeling ng umaamin at alam mong wala kang mapapala no?
napapaingles ka na lang bigla sa blog mo. hehe
four years ago. 
05012007
unedited 
its hard for me now.
after confessing everything i just cant help it but feel sad.
i feel alone and regretful..
we could have been uber friends.
we could have been closer…
no time left, no chances..(i hope not)
well i admit there’s still something little love left.(maybe thats the reason why am i feeling this)
it may be negative .00001 over million but still the emotion is so strong and yet i cant do anything about it.
i just thought of what is possible.. what is realistic… what is safe…
so i have to suffer. i really have to push mysel to move on. tryin to live the normal life ive been living… trying to accept the fact that fairytales are the only one capable of happy endings.
being in love is not a blissful thing for me neither a bitter one… love is an escape.. an illusion.
i think no one will love me, i dont know if its a curse but my heart is destined to be doomed.. to deal alone…
(i hope not) 
im sad. really. after confession…
this is the price i have to pay.

…again ”moving on” seems a blur but still i can see it on my vocabulary.
its bittersweet actually. finally i let go of my shell. i embraced what my heart felt, feeling and will feel. its a confession that let me discover some of me. pieces of me that were long lost.
…still im sad.

im about to cry but my tears are shy to fall. i should be happy. i dont understand why am i feeling this. at least for once i opened what is inside me. but regrets flooded… what ifs are haunting me…
im hoping that time will give this chance.
a chance to bond and color it with shades of memories..
—that day will be a distant memory… but it will be the one most cherished. 


***
feeling ko kung may unrequited diary nga ako... feeling ko mapupuno ko yun.hehe
pero ang cliche payo nga.... darating din yun, willing naman akong maghintay..
pero hanggang kailan?

Wednesday, March 16, 2011

two minutes


in two minutes you can sharpen your pencil. throw your trash. type a paragraph. text. call for follow up. shut down your laptop. or die.

in two frightening minutes, nagbago ang buhay ng mga taga-japan.
matapos ang maipanalo ni wes ang kaniyang high school basketball team, nagcollapse siya at namatay.
parang last two minutes lang sa laro ng basketball...

sa dalawang minuto kayang mawala ng lahat. sa isang iglap, pwedeng bawiin kung ano ang meron ka. dahil sa mga nangyari, i learn how to value life more and i'm thankful na somehow ginagawa ko naman ang mga gusto kong gawin habang maaga pa... hindi natin alam, kung nangyari sa kanila yun, pwede ring mangyari satin.

nakakatakot. kaya naman pakiramdam ko kailangang isabuhay ang enjoy life to the fullest. it may sound cliche pero sa mga panahong ganito ang nangyayari sa mundo, bakit hindi?

***

minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang mamatay ng maaga ang isang bata pa (0-20s years old). sabi kasi nila kapag nagawa mo na ang misyon mo, kukunin ka na ni lord. so sa mura nilang edad nagawa na kaya nila ang kanilang misyon sa mundo?

may kaklase ang kapatid ko na fourth year high school, gagraduate na sana ang kaso namatay siya. pumutok ang ugat habang nagcocomputer. so yun na, ganon kabilis. ganoon kadali. sino ba ang nagdedecide? syempre ang sagot si god. pagdating kaya nung bata sa heaven ipapaliwanag sa kaniya kung bakit siya namatay ng maaga? kasi kung ako yun, magrerebelde ako ang biglaan ka na ngang kinuha tapos ang bata mo pa, parang ang dami mo pang pangarap na gustong matupad pero babawiin din naman bigla sayo ng ganoon kabilis.

well sabi nga nila hiram lang naman ang buhay natin kaya ganun. eh sinong may-ari? well ang normal na sagot syempre si god pa rin. ang complicated talaga ng usapang life and death plus religion. hehe.

naku sana matandaan ko ang mga tanong na ito, tatanungin ko sa kaniya ang mga yan kapag kinuha na niya ako.... pero please lang sana mga 90 years from now naman. haha

Thursday, March 10, 2011

high school and ne pacific mall

dahil graduation season na naman...
nakakamiss ang buhay eskwelahan...

***
december 2010, umuwi ako ng cabanatuan.
insert quick flashes of the past.
mabilis na susugod ang mga ala-ala ng nakaraan...



i'm in my high school uniform, charcoal gray pants and white polo with logo.
it was christmas season again, naghahanda na para sa christmas party.
at iyon ang huling christmas party sa high school...
bunch of high school kids enter the mall in maroons and grays...


undecided. indecisive kids. hindi malaman kung anong bibilin.
tila lumaki ang mundo sa mga row ng stalls na pamilyar na bilang halos araw-araw nakikita...
sinusulit namin noon ang panahon.. thinking na tatlong buwan na lang magsisipagkolehiyo na kami at kahit na majority ng barkada ay sa maynila mag-aaral, may isang maiiwan sa school namin, may isa sa isang state u sa nueva ecija at isa naman sa dumaguete... iniisip namin baka hindi na kami magkakasama (well nagkakamali kami bilang noong college hobby naming magbond sa maynila. haha)...


sa mc do namin binuo ang aming mga pangarap. pinagchichismisan ang mga tao (haha) at dito mas pinagtitibay namin ang aming pagkakaibigan with fries, coke float at burgers. we were so young then... sa showbiz, crushes, teleseryes, quiz, school activities at nahihiya pa kaming ma-offend ang isa't-isa. 


kahit umiikot sa candy, chalk, witch na mula sa national bookstore, masaya na kami noon. 
actually wala akong maisulat. the memories just keep on flooding pero walang sapat na mga salita ang makakapaglahad.

high school in 3 words: all worth it. :)

***
those were the days.

Thursday, March 3, 2011

who wants to be the next porn star?

this post is not for minors and homophobes.

***
alas singko na ng hapon. the students are going home and i'm at the part of the library na hindi matao. konti lang ang estudyante at medyo tago. may hinahanap akong libro at ilang ulit nang nagdaan sa daliri ko ang mga librong nasa estante. i just can't find the title. hanggang finally, nakita ko siya. how stupid can i get? nadadaanan ko na, hindi ko pa nakita. noong kukunin ko na... someone reached out too! napatingin ako sa aagaw sa akin ng libro...

shet. ibibigay ko na yata... sino ba naman ang makakatanggi sa kaniyang clean look, mga nangungusap na mata at mga mapanghalinang labi? at sa kaniyang suot, i know he is a seminarian. 

"go ahead." sabi niya.
"no, it's yours siguro naman may isa pang copy." sabi ko naman.
"wala na. chineck ko na sa computer, yan lang yun."
"sayo na nga lang!"
"baka mas kailangan mo e..."
"hindi... okay lang!" 

nagpapalitan na kami ng mga malalagkit na tingin at nahalata yata niya na ano...  na type ko siya...

"mukhang hindi ka papatalo ha?" sabi niya, naghahamon.
"hindi." sabi ko naman.

he sexily smiles. tumingin siya sa paligid... mga tatlong estudyante na lang at paalis pa ang isa. busy ang student assistant na nag-iinternet. muli siyang tumingin sa akin. kung kanina maamo ngayon nararamdaman ko ang mga maalab niyang tingin... nagulat ako at hinila niya ako sa likod ng mga book shelves... tinulak niya ako sa estante. i can feel his body now...  nilapit niya sa tenga ko ang bibig niya... shet. tumindig balahibo ko sa mainit niyang hininga na namayani sa silid na may aircon... bumulong siya naughtily... "sayo na ang libro... pero akin ka muna?" 

tatanggi pa ba ako? binigay ko sa kaniya ang sagot sa pamamagitan ng mainit na halik.....

oops teka lang. fantasy lang yan! 





hehe. noong college, isa sa mga sexual fantasies ko ay ang makapagmake out sa aming magandang library. too bad hindi ko nagawa. haha ang sexy lang, the smell of books and your hard pressed bodies on each other. oh yes. and ang mas nakakakiliti, no moaning because sa library silence is a must. so gigil na gigil lang kayo sa isa't-isa in a tahimik way. grrr. 

syempre aside from the library fantasy may ilang pantasya pa ako na sana magawa ko. haha well like:

sex in the rain





isang tag-ulan, sa gitna ng lamig isa lang ang aking hiling - kayakap. tinawagan ko siya. he is still at work. fuck. ang tagal. i just can't wait. hindi mapakali, tingin ako ng tingin sa bintana, bakit ba ang tagal niya? then the door bell rings! shet. ito na!

kinuha ko ang payong at dali-dali ko siyang sinundo sa gate pero sabik na sabik na ako sa kaniya,  hindi ko na mahintay pa na dalhin siya sa loob... binitawan ang payong, pinaulanan ko na siya ng halik na puno ng pananabik. mainit din naman niyang sinagot ang aking pagkahayok sa kaniya....

hindi mahugasan ng ulan ang init ng aming katawan...

basang-basang nagniniig sa gitna ng ulan... oh wet and wild. hehe. pero kung gusto namang wet and wild pero indoor, may isa pa akong fantasy...

in the bathtub





completely naked, naroon na siya. ako na lang ang hinihintay. oh shet, amoy na amoy ko na ang aroma ng banyo, mapanghalina... tinignan ko siya... 

"paliguan na kita?" sabi niya teasingly. 
"habulin mo ako..." sabi ko. chos. take two.

"paliguan na kita?" sabi niya teasingly.
i smirked. lumapit ako sa tub, undressed my robe and dipped my right foot first then naramdaman ko na ang kaniyang katawan sa tubig. magkaharap kami. hindi ko nakikita ang nangyayari sa ilalim dahil sa bubbles...

basta ang alam ko may kamay na humahaplos sa aking katawan... hot. kung saan saan napupunta.... gentle tickling touches... nagtitinginan lang kami. dahan-dahang nilalapit ang mga mukha sa isa't-isa.... sa masikip na bathtub, kukulo ang tubig sa init.

***

actually marami pa akong sexual fantasies at syempre nadadagdagan depende sa trip ng isip. haha. next time pwede ko namang i-share. haha. pero heto muna for now. nasaan na ba yang si fairygodmother nang makapagwish na? :p





guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...