1.
one tattoo.
pangarap ko kasing magkaroon ng tattoo. last year naachib ko na siya finally. usapan kasi namin ng bff ko na magpapatat kami together. pero dahil na rin sa pagkakaiba namin ng sched, naudlot din. nauna siya sa akin ng isang araw. carpe diem ang kaniya and mine is carpe noctem. oh so cool.
one pet.
i had a pet. niregalo sa akin ng co-worker ko last last year. isa siyang cute guinea pig na pinangalanan kong prim. nakuha ko ang name niya sa hunger games. sadly, after seven months, namatay siya. huhu and i don't know why.
2.
abs-cbn channel two.
i started working there since 2008. infairness four years and counting na.
two times sa subic.
twice din akong nagsubic. una dahil sa work tas yung pangalawa with friends. maganda ang subic at malapit pa sa manila. jungle, beach and adventure rolled in to one destination. taray ako na ang best in promotion ng subic.
two semesters.
nag-enrol ako nung first sem. pangalawa ko na since nagdecide akong mag-aral. well it did not go well. why? see number 6.
3.
three shows.
it's a blessing na maging part ako ng tatlong show sa nakaraang taon.
una, isang afternoon drama entitled mundo man ay magunaw na talagang malapit sa aking puso.
pangalawa, naging bahagi ako ng highest rated daytime drama for two weeks na nagpapakilig pa rin ngayon sa buong bansa -- ang be careful with my heart.
pangatlo, natupad ang pangarap kong magsulat sa mmk. year ender pa ito ng show. mabuti na lang magaling yung co-writer ko run at direktor kaya ang ganda ganda nung episode. haha
three apples.
see number five.
4.
four exotic places.
bongga ang travel ko this year. bukod sa pagpunta sa mga lugar na napuntahan ko na gaya ng puerto galera at subic, nakarating din ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. s
singapore
first time kong umalis ng bansa at ang foreign soil na ito ay ang ating kapit bahay na singapore. nag-enjoy ako sa pagkain at sa first world experience. bongga rin kasi ang mga kasama ko run kaya sobrang memorable ng trip. suplada nga lang mga tao! haha
mt. pinatubo crater lake
naganap naman ang aking self reflection noong holy week sa mount pinatubo crater lake. sobrang ganda! as in. hindi ko madescribe in words kung gaano kaganda nung crater lake. nakakapagod ang pag-akyat pero sobrang worth it kapag nakita mo na ang tuktok. ang gaganda ng views at sceneries habang papaakyat ka ng bulkan. out of this world ang landscape at you can make friends pa sa mga makakasabay mo sa trek.
dumaguete city and siquijor
after naman ng mundo man, naisipan namam ng isang workmate ko na pumuntang dumaguete. syempre dahil tapos na ang trabaho at walang masyadong labada, sumabit na rin kami. ang saya kasi nakatagpo ko pa ang isang kabarkada ko na sa siliman nag-aaral. super fun. ang sarap ng food at ang chillax ng city. dahil isang oras na lang ang layo ng siquijor, pinuntahan na rin namin ito. grabe. i fell in love sa quaint barrio feel ng siquijor. ang friendly ng mga tao, ang ganda ng lugar at ang simple ng buhay. haggard nga lang dahil may iniinda na ako nun (see number six). haha
5.
iphone5
ayun. mula nokia nag-upgrade na ako ng phone. yabang. haha well dahil sa instagram. lol. salamat sa plan ng globe at naging abot kaya siya. haha. ito ang aking regalo sa sarili last christmas. masisync ko na laptop at tablet ko. e di ako na. tipid tipid na this year at babawasan ko na ang luho sa gadgets. quota na day!
6.
six months of suffering.
this is what i hate about last year. basta nagkaroon ako ng maselang kundisyon (haha) na nagdala sa akin sa aking first ever experience na maconfine sa ospital at maoperahan. putek. hassle. grabe hanggang ngayon naghihilom pa rin ang sugat ng operasyon. sumpa! haha. as in. kalahating taong kahaselan! sana'y tuluyan na itong maghilom.
7.
seven addresses.
last year napagdesisyunan ng mga magulang ko na tuluyan nang iwanan ang cabanatuan. tutal nasa manila na kaming dalawa ng kuya ko at dito na rin nag-aaral si bunso tas nagwowork na rin dito si mudang tapos madedestino pa si papa sa pampanga kaya mas mabuting umalis na kami sa nueva. ang sad lang kasi malaking bahagi ng childhood ko nasa cabanatuan. doon ako nagprep hanggang nagfourth year high school. doon ko rin nakilala ang mga matatalik kong kaibigan. oh well. time to move on. at ang seventh address goes to ang bahay sa pampanga na dati tuwing summer ko lang napupuntahan. ngayon doon na ang provincial address namin.
8.
eight members.
binuhay ulit ang think tank sa unit at part ako ng eight members nito. okay. i know pilita ang part na ito para sa number eight. haha
9.
nine units.
dahil bibubibuhan ako and thinking na makakaya ko, sa aking pagbabalik ma ay kumuha ako ng nine units. isang undergrad subject at dalawang ma subjects. daaaay. dahil nga nagkasakit ako plus tinamad plus may work on the side, hindi ko rin kinaya at dinrop ko ang undergrad subject at nagkaroon pa tuloy ako ng dalawang incomplete grades. shet. maganda pa naman grade ko nung first sem. howell part of growing up.
nine disney renaissance films.
maraming disney films ang hindi ko napanood though familiar naman ako sa mga songs nila. so naging project ko last year ang panoorin lahat ng disney renaissance films. infairness naachib ko naman at nagustuhan ko naman lahat pero ang mga fave ko ay ang beauty and the beast at hunchback of notre dame.
10.
tenth year.
special din ang year end party namin ng high school barkada ko dahil ika-sampung taon na kasi ang tradisyon na bago matapos ang taon ay nagkikita kita kami to party and catch up. nagsimula ito noong fourth year high school dahil birthday ng isa sa mga kabarkada namin at simula noon nagkikita na kami tuwing december 30. then noong 2007 naisipan na naming lagyan ng theme. tea party ang unang theme at since then nagkaroon na ng tema ang aming gathering.
this year, dahil special at isang dekada na ang tradition, naisipan naming magkaroon ng yule ball at magsuot ng formal wear. bongga! sumunod naman ang mga tao sa theme. at as usual, panalo na naman ang aming party at sobrang saya. masasabi ko talagang kasama na sa buhay ko ang aking high school barkada till the end of time. :)
that sums up my 2012. naging mabuti sa akin ang taon. lagi ko ngang sinasabi na hindi ko alam kung ano ang ginawa ko at talagang napakabait ni god sa akin para ipagkaloob ang mga nag-uumapaw na blessings. im looking forward sa bagong taong ito at kung ano ang dala ng 2013 sa akin.
sabi ko nga sa aking new year greeting sa fb:
Hello 2013! Happy new year! Resolutions? What resolutions? :p
Break rules and learn more lessons! Make mistakes, fall in love, be crazy! Take risks and choose to be happy! This is our year! Claim it! Embrace it! Seize it!
Lets do the water snake vibe! Sssss! Cheers! Happy new year!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
Nagwork ka sa MMK! Hehe. Direk Nick Olanka and Benson Logronio are my friends :)
ReplyDeleteDid you [url=http://www.onlinecasinos.gd]blackjack[/url] skilled in that you can on Joyride Palazzo speedily from your mobile? We out a discern unfixed casino elbow on iPhone, iPad, Android, Blackberry, Windows 7 and Smartphone users. Induce safe keeping of your gaming with you and be a champion [url=http://www.adults.gd]buy sex toys[/url] wherever you go.
ReplyDeletepanalo drama king. hehe ayos ang liit ng mundo. hehe
ReplyDelete