Monday, July 18, 2011

here lies the nobody who will never be forgotten

matagal-tagal ding nagtago si haring araw pero sa kaniyang muling pagpapakita, nagpamalas siya ng liwanag at init na nanunuot hanggang balat.

ito ang sumalubong sa akin linggo ng umaga, tila isa akong bampirang pilit nagiiwas sa pagtama ng araw sa aking balat. shet late na naman ako, kagaya na lamang nung unang araw ng biography writing workshop. shoot. twice in a row huh? kailangan kong magcab or else mas lalo akong malelate. boo. si manong pinaikot ikot pa ako. pakshet.

nagmadaling naglakad, pinundot ang up button then number six. yeah, deja vu. just like yesterday late na naman ako. nicanor perlas just smiled at me,shet nakakahiya. dali-dali akong umupo.

i thought biography writing is just as simple as writing about yourself. parang nagblablog ka lang ganun pero hindi pala ganoon kadali iyon kasi biography writing involves quantum physics, chemistry, biology and psychology.

kasi ang pagsusulat ng biography ay nangangailangan pa pala ng bonggang enlightenment dapat in one ang physical at ang essence or the spirit and you have to find your purpose in life pala and then share it to the world. mahahanap mo ang iyong purpose daw if you go to your superconscious  na beyond pa sa subconscious then you will touch your essence or spirit.

it's kinda hard to follow dahil sir nick related it with quantum physics dahil nga connected daw ang lahat sa universe na binase din niya sa chemistry, biology at psychology pero in essence yun nga dapat you have to tap your spirit to discover your purpose. well butit nakakasunod ako pero minsan yun nga nakakaligaw dahil mataas ang concept pero the exercises made it simple...

sir nick asks some questions that may help us reach our superconscious and we have to concentrate and close our eyes. he will help us to know our purpose and dig deeper within us.. he will guide sa aming journey out there.

so pumikit ako. naririnig ko ang kaniyang boses, malumanay. ito lang ang bumabasag sa katahimikan ng silid. he shoots images at us... at nakikita ko naman ang mga ito... mountains. seas. rivers. city lights... gaya na lamang ng napapanood natin sa nat geo at discovery. may mga instructions si sir... we will talk to a divine being... then tuloy pa rin ang images of nature... suddenly something white appeared...


so ito na ba si divine thingie?


hala. nawala ang mga images. basta may puti na tila patak ng tubig pero kulay puti, not transparent, then pumatak ito and made ripples of water na puti. and the weird thing is, wala akong marining, hindi ko na marinig si sir nick. as in! what i see is a vivid image then biglang may kasamang stinging sound, parang static or yung parang sa mic kapag mali ang hawak?

'what will you do to stop these disasters?' tanong daw ni divine being.
'kaya ko ba?' sagot ko.


then i can see the images again at naririnig ko na ulit si sir. is that it? or did i fall asleep?

after nun, we have to answer some questions and this time kailangan na naming isulat as free journal meaning kung ano ang unang pumasok sa utak. sir nick told me na nasilip ko na nga ang aking essence and through my written answers i interpret it na may uncertainty. when i was asked about my purpose i told him i dont know. maybe because im just 23 turning 24? or baka wala akong purpose in life? haha. kasi nga i answered the divine being na kung kaya ko ba? then the patterns of my written answers show uncertainty nga. whats with the future?

but sir is amused. it's the beginning daw. and i can't wait for this all new journey and new world view because of the said workshop. i don't know my purpose yet... baka maging isang bampira na takot sa araw? or maging isang tibak? hay. or baka wala ngang saysay ang buhay? hmmm

baka ang sagot ko sa tanong na kung anong isusulat ko sa aking epitaph might give me a clue?

"here lies the nobody who will never be forgotten."

Monday, July 4, 2011

bestfriend material

"im so stupid to make the biggest of falling in love with my best friend!"

pucha, ipapatambang ko ang taong hindi may alam kung sino ang nagsabi niyan. hay sinabi yan ni bujoy kay ned sa labs kita, okay ka lang na ginampanan nina jolina magdangal at marvin agustin respectively. howell sana may magsabi sa akin niyan hano? haha at isasagot ko sa kaniya sagot ni ned kay bujoy. nyahaha.

pero seriously, lately i'm asking myself bakit wala pa akong boypren? magbebente kwatro na ako wala pa akong nakakarelasyon.

then suddenly it hit me...

pang best friend lang yata talaga ako!


alam mo yun? pang nikki valdez, pang dimples romana at pangtricia roman na role. bakit? sabi ba ni direk bawal magkaboypren ang matalik na kaibigan ng bida? haha.

oh well. pero i think magaling akong maging kaibigan. feeling ko lang ha. haha. i'm more of a listener pero kapag kailangan ko nang magsalita, ayoko ng echosan, deretso na. hindi ako yung klase ng kaibigan na nangungunsinti. gusto ko kasi yung totoo at yung tama, kapag naghihintay ka ng advise na gusto mong marinig at i-advise sayo, pwes hindi yun ang sasabihin ko. dahil kaibigan mo ako, sasabihin ko sa'yo ang totoo. oh di ba ang galing kong friend? haha

kaya ayan tuloy, maging friend na lang daw ako. ahaha.

honestly, nawiweirduhan ako sarili ko. hindi kasi usual sa akin ang magkaganito, i mean ang mamroblema dahil sa puso bilang masaya nga naman akong single. hay. pero dahil tao lang ako, hindi na maiiwisan. actually naghahanap lang ako ng bagong experience. yung tipong ano nga ba ang pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo romantically?  magbabago ba ang worldview ko? may nagsabi sa akin na friend ko nung inaaway ko siya dahil sa katangahan niya sa pag-ibig dahil daw hindi pa ako naiinlove ng sobra kaya wala raw akong karapatan. eh sabi ko sa kaniya, nainlove na ako pero di ako kagaya niyang tanga. haha anyway baka maging tanga nga ako. ewan ko. hindi ko malalaman hanggat hindi ako magkaroon ng karelasyon.

hay paano nga naman kasi ako magkakarelasyon? bestfriend material nga lang yata kasi ako. ako yung tipong makakaray mo ng biglaan (kung di busy at di tinatamad. haha) kapag gusto mong lumabas ng dahil wala lang. yung taong mapapatawa ka, makakakulitan, masasabihan ng problema sa puso, pwede mong gawing bridge.. hay best friend material talaga. haha

pero seryoso na ako ngayon, dahil ilang linggo na lang 24 na ako, hindi naman siguro kalabisan na maghangad kay mam charo ng lead role. masyado na po kasi akong naca-cast sa bespren role, pwede po bang bida na? yung bidang may love story, mapait at masaklap man ang storyline tatanggapin ko. haha.

sinong pwedeng maging leading man? :p

Wednesday, June 29, 2011

supot ka pa no?

finally nagsimula na ang aking first MA class bilang natatapat lagi na holiday tuwing monday. so ngayong monday this week lang kami nakapagklase.

mga tauhan:

isang magaling na nobelista bilang aming propesor.
isang pari na isa sa aking tatlo lang na kaklase.
isang babae, ang rose among the thorns.
isang propesor ng kolehiyo.
at isang mayumi, dalisay at tunay na busilak na nilalang. (hint, ako yun)

chors. in fairness interesting ang aming mix hano? fun naman ang first day though kailangan kong makinig ng mabuti kasi nga dahil matanda na si sir, medyo mahina na siyang magsalita. nagkaroon ng on-the-spot na tanungan halimbawa kung anong topic ang nais isulat... ako ang unang tinanong at dahil dalisay ako, busilak at mayuming tunay ang sinagot ko ay...

ang TULI.


yes. eh bakit? haha pero seryoso fascinated kasi ako sa kapangyarihan ng tuli sa ating lipunan. kapag hindi ka tuli, alam mong may stigma ka.

so dahil doon umikot tuloy ang usapan sa well.. sa ano pa ba... sa bagay na tinutuli. hihi. personally, kebs lang pero parang may awkward moment dahil nga may babae at may pari sa klase. haha pero maganda naman ang mga insights na nabatuhan.

mula sa mata ng relihiyon, ibinahagi ni father na noong unang panahon nirequire na kailangang matuli lahat ng mga katoliko or else hindi sila magiging tunay na kristiyano pero of course dahil lang iyon sa pulitika ng mga relihiyon noon na may kinalaman sa pagiging hudyo and all.

tas syempre nagalugad din ang punto ng syensiya na mas hygenic daw ang supot at mas masarap daw sa sex... shet naalarma ako for father. chos lang. and then ang sumunod ay ang mga pamahiin na sa probinsiya daw ni sir, kapag hindi raw tuli ang ama, ang mga magiging anak ay mutain. funny.

ayun.

so doon iikot ang assignment ko for next week. though pwede naman daw baguhin. well i think i will stick with it. shet tumatambling ako ngayon balancing school and work, sana totoo na lang yung time turner ni hermione para ako na ang best in multi-tasking.

anyway imagine kung ano kaya ang distress na maibibigay sa taong supot lalo na sa isang society na kinahihiya ang pagkasupot? parang hindi niya maexercise ang power ng kaniyang phallus. or the other way around? na siya pala ang pinakamakapangyarihan? ang sinasamba dahil sa sarap na kaya niyang ibigay sa mga dalaga (at binata. chos) sa kanilang nayon?

***

howell, naalala ko lang noong bata ako na sobrang big deal kapag hindi ka pa tuli bago mag-grade 5 at kapag maaga kang tinuli ang yabang yabang mo na. pakiramdam mo ang tapang tapang mo na dahil nakaya mong harapin yun sa kabila ng pagpalahaw ng ibang bata. feeling mo tatangkad ka na at magbibinata.. well in my case, nagdalaga ako. chos. right of passage ika nga nila, coming of age at tunay na lalaki ka na raw kapag tuli ka na.

tinuli ako bakasyon bago mag grade 5. kailangang langgasin kung ayaw mangamatis. haha thanks to dahon ng bayabas. pero ang pinakamemorable noon habang tinutuli ako ng doktor sinasabi niya na dapat sa girls daw ginagamit ang pototoy at hindi sa boys. eh ang dami pala niyang alam e. chos. haha syempre hindi sa lahat ng bagay susunod ka sa mga doktor di ba?

Wednesday, June 22, 2011

titser, may i go out?

desk ko nung persday

bagong mundo.
bagong mga mukha.
bagong simulain.

mula nursery hanggang college namulat ako sa paaralang de uniporme, nagdadasal bago magsimula ang klase at block section. masasabi kong elementary to college education talagang laking catholic school ako. kaya naman excited ako sa aking MA. kumbaga, lalabas na ako sa kumbento at haharap sa panibago kong mundo.

first day of class, excited ako at feel na feel back to college dahil kailangan kong kumuha ng undergrad subject e so ang mga kaklase ko mga bagets talaga. ayun sa unang araw ng klase, walang prof. haha laos. so nagstart talaga ang klase ko friday na pero ang inaasahan kong babaeng prof iba pala, dahil lalaki ang nakaupo sa teacher's table na kinagulat ko naman.

actually maaga pa si sir sa 10 am na sched namin sa class. akalain mong nagdidiscuss na siya. so pagkaupo ko may i tanong agad. kung dapat ko raw alamin kung sino ang mga national artists sa literature sa UP, san daw dapat ako magtatanong... so ako: sa NCCA? san daw dun? sabi ko sa department na nagagawad ng award... sino raw kakausapin ko run, janitor? sabi ko chairman, eh malay daw ba ng chair dun. sa UP nga raw... er so i think he starts to become impatient na. i feel so bobo. hahaha pakshet... so sabi ko sa department of filipino? pwede raw kaso filipino lang daw yun.. so nagbigay siya ng ilang samples... so ito ang highlight ng q and a portion na yun...

prof: so saan ka nga magtatanong?
ako: (medyo nastrestress nako. haha) er sa may alam?
prof: (mas nastress siya. haha) ay ang talino ng studyanteng ito!

haha. eh well ang hinahanap lang niyang sagot ay UP Creative Writing Center... okay fine ang dali lang sana ng sagot. hello? common sense lang sana. haha pero dahil dayo palang ako sa unibersidad aba malay ko ba. haha. so much for first impression di ba? haha

well terror si prof pero okay lang naman kasi magaling naman siya at dama kong marami akong matututunan sa kaniya kaya excited ako.

namiss kong magkaassignment.
namiss kong gumising ng maaga.
namiss kong mangarag dahil sa school.

well bukas ng umaga papasok ulit. at dapat tulog na ko ngayon. haha
pero grabe minsan ang switch mode ng utak ko, biglang magwawander sa school stuff.. tapos sa work.. tas sa porn. chos. haha basta  naguumpisa na siyang mahati hati.

haist. ang excited na akong pasukan yung MA class ko, hindi pa kasi kami nagkaklase run kasi natatapat na walang pasok ng lunes. well next week magsisimula na kami, can't wait to meet my classmates. shet, this is it, unti-unti ko nang nararanasan ang panibago ko na ng mundo.

since panibagong mundo... baka dito naman ako magkalablayp? haha naisingit talaga e no... howell sana mapaninidigan ko at hindi ako magtitser titser may i go out forever.

Monday, June 13, 2011

a tale of two universities

natatakot ako ngayon.
natatatakot ako sa panibagong mundong papasukin ko.
actually hindi ako natatakot sa bagong mundo, ang kinatatakot ko lang baka hindi ko ito mapanindigan. alam ko kasing hectic at erratic ang sched ng aking trabaho at hindi biro ang desisyong ito na magsingit pa ng isang bato sa mundong naguumpugan na nga ang mga bato.

pero i just did a big decision. 
matagal ko nang pangarap ito... 
at ito na yun, i just hope right ang timing. 



alam kong hindi biro ang maging isang working student. 

***
naaalala ko noong grade school kapag tinatanong ako kung saan ako mag-aaral ng college, sinasagot ko na gusto ko sa UP. then high school came, tatllo sa mga kinuhanan kong college exam (UST at ateneo), isa roon ang UP.

to make the story short, hindi ako pumasa sa diliman. sa baguio pasok ang quota ng upcat grade ko pero dahil pumasa na ako sa UST at naniniwala ako sa huwag nang ipilit kung hindi ka naman talaga pumasa, sa UST ako nagcollege at hindi ko naman ito pinagsisisihan. i fell in love with UST unang tapak ko palang dito noong nagentrance exam ako kaya i think we are meant to be. 

june 10, isang araw na kung saan magkrukrus ang landas ng aking nakaraan at hinaharap. natanggap ako sa MA ng UP at sa araw na nabanggit ako itinakdang magenrol. habang binabagtas ko ang school, hindi ko mapilitang alalahanin noong mga panahong pinangarap kong mag-aral doon. tapos hindi lang ako makapaniwala na nakapila na ako kasama ang mga estudyante para magenrol. totoo ba ito? siguro nakangiti ngayon ang aking grade school self, sino nga ba ang magaakalang matutupad pa ever ang kaniyang pangarap na makapagaral sa pinangarap niyang paaralan?

paid. matatawag na nga akong UP student, iskolar ng bayan, isko, iska... ang weird lang. totoo na nga, pinagmamasdan ko na ang aking form 5, hindi na ito panaginip. pero dahil wala akong original transcript, kailangan kong magbalik sa UST.

...ang aking UST.


bumalik ako sa unibersidad na minahal ko at patuloy na minamahal. nalungkot ako sa totoo lang. wala. parang may pakiramdam kasi na para na akong nagpapaalam. may bigat sa mga yabag ko noong magaapply na ako ng transcript. tinanong kung para saan... para sa grad school.... para sa isa pang university... para sa panibago ko nang mundo... it's surreal, it's overwhelming because in just a day, parang nagcross ang aking past at future.

yeah. my past. and my future. 
big words and big worlds. 

this is the part where dream and fear collide.

hmmm. 

heto na nga.

wala nang atrasan to. 
nawa'y handa na ang isko na tomasino.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...