ang buhay ay isang malaking soap opera.
akala mo ba sa tv lang nangyayari ang lahat?
parang hindi naman.
pramis.
hanapan ng nawawalang pamilya.
walang kamatayan na plot ito sa mga teleserye. naghahanap ng nawawalang nanay, nawawalang anak, nawawalang heredera, nawawalang kapatid... pwes na may show sa gma news tv ang dedicated sa paghahanap ng mga taong naghahanapan... ang reunions.
sa show na ito as in taon ang binibilang ng kanilang paghihiwalay at sa tulong ng programa, muli silang pagtatagpuin ng mga ito. isang reality teleserye ang peg.
thanks to technology at ang reunion ay tunay nga namang heartwarming. sino ba namang ang hindi nakakaalam sa kuwento ni lola na naglagay ng post sa kaniyang likod para mahanap ang kaniyang nawawalang pinakamamahal?
amnesia.
ilang tao na ang kilala mong may amnesia?
nabasa mo ang link? so need i say more pa ba? lol
fake death.
noong 18th century, finake ni timothy dexter ang kaniyang death para lang makita ang reaction ng tao sa kaniyang pagkamatay. in fairness mga 3 libong katao ang dumalaw sa kaniyang fake wake ang kaso nga lang, hindi siya inayakan ng kaniyang asawa. sa galit, sinigawan niya ito at dahil narinig ang pagsigaw niya sa kaniyang asawa nabuko siyang buhay ng mga nakiramay. lol
syempre pa hindi naman pahuhuli ang mga pinoy. may napanood ako dati sa tv patrol na isang kriminal na pineke niya ang kaniyang kamatayan para lang makatakas sa krimen. as in with matching lapida ha? tapos nagpafacelift pa! pero nahuli rin naman siya. sayang hindi ko maresearch sa net. pero but wait, there's more ang ofw na si macavinta ay nagpanggap na deads sa lahat. natapos lang ang kaniyang pagpapanggap noong 2005 nang madakip siya sa brazil, 2 years after niyang palabasin na namatay siya dahil sa pagkalunod. tumalon siya sa dagat mula sa kaniyang pinagtratrabahuhang barko at natagpuan diumano ang kaniyang bangkay sa isang ilog sa brazil. maging ang pamilya niya naniwala ngunit dahil sa autopsy, napatunayang hindi siya ang nasabing bangkay. grabe wala sa article ang reason kung bakit niya ginawa yun.
well for reference, merong sariling wikipedia entry ang mga nagfake ng death.
small world.
magugulat ka na lang ang janitor na inalipusta mo, siya pala ang tunay mong ina! well why not? meron ngang theory of six degrees of separation di ba? na sinasabing on an average, six steps away lang ang lahat by introduction sa kahit na sino at lumiliit pa diumano ito dahil sa internet. well sa facebook palang di ba? lalo na't kasing laki na ang social networking site ng africa, so baka isang search mo palang.. boog! makita mo na ang hinahanap mo. so hindi malayo na malapit lang ang iyong ina... hindi ka lang kasi humahakbang ng anim na beses.
the reality show
hay naku. minsan iniisip ko kung ano ba ang exaggerated, ang soap o ang totoong buhay?
ang kaso ni ramgen at ng kaniyang pamilya, kung tutuusin ay merong masustansiyang ingredients ng teleserye formula. may lovers na mababaril pero makakaligtas ang babae at gagawin niya ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pinakamamahal kahit pa umabot ito sa pagkalaban sa mismong pamilya ng lalaki. sounds like a soap opera premise pero it's not...
ang philippine politics ay isang malaking epic-serye na pwede mong subaybayan forever mula noong spanish era till now. grabe, ang history natin masayang basahin dahil sa mga teleserye plots involving betrayal, rivalry, switch birth (chos), family saga, etc etc.
ang mga simpleng kuwento diyan lang sa tabi-tabi na magugulat ka't pang mmk na pala.
sa dyaryo lang, ang mga OA tabloid stories. ang mga agawan ng identity na nauuwi tuloy sa paguguest sa face to face or personalan. ang mga maling akala na nagpapahamak satin paminsan-minsan. yung mga linya nating binibitiwan na animo'y hinugot kay juday, claudine, bea or kim.
so ano nga ba ang sagot? ano ang mas exaggerated?
soap o tunay na buhay?
siguro parehas lang.
bilang ang buhay ay isang malaking soap opera.
Wednesday, January 18, 2012
Sunday, January 8, 2012
ang prinsipeng hintay ng hintay
noong unang panahon sa isang malayong malayong lugar ay may isang prinsipe sa madilim na tore na naghihintay din ng prinsipe. hintay lang siya ng hintay. hintay lang ng hintay.
hintay lang nga ng hintay.
lumipas ang mga taon.
araw at buwan.
hintay pa rin ng hintay.
hanggang sa may dumating.
akala niya ito na ang hinihintay niya.
pinagbuksan niya ng pinto.
nagtawanan sila.
nagsaya.
naglaro.
pero madilim pa rin ang tore.
pinaniwala niya ang kaniyang sarili.
wala naman palang prinsipeng dumating.
hintay lang nga ng hintay.
lumipas ang mga taon.
araw at buwan.
hintay pa rin ng hintay.
hanggang sa may dumating.
akala niya ito na ang hinihintay niya.
pinagbuksan niya ng pinto.
nagtawanan sila.
nagsaya.
naglaro.
pero madilim pa rin ang tore.
pinaniwala niya ang kaniyang sarili.
wala naman palang prinsipeng dumating.
Wednesday, January 4, 2012
the 2011 scrapbook
january.
first plane ride. the boracay experience.
february.
nagpasemikal ako.
naadik ako sa baker king na isang korean series. haha
nagtapos yung show na trainee writer ako.
goodbye juanita banana.
march
namatay ako at nabuhay dahil kay mario maurer nang mapanood ko siya sa crazy little thing called love. nyahaha.
posted singkwento.
april
ending ng imortal. first primetime at teleserye ko na part ako ng creatives.
the alone time in corregidor.
may
i almost kissed a girl. shet. whew.
the coron adventure.
june
back to school.
july
happy 24th to me!
august
ano na ngang nangyari nun?
september
zombadings. fun.
october
ikakasa na ang new show.
i survived first sem with flying colors. :)
november
the farm moment, gulatan sa mga revelation ng friends.
december
the army/navy party with hs. barkada.
***
my top ten these year.
milk tea. moonleaf. mundo man ay magunaw. uno. hunger games. boracay. coron. day. corregidor. lxg.
cheers.
maligayang bagong taon sa lahat.
![]() |
| boracay |
first plane ride. the boracay experience.
![]() |
| bye juanita |
nagpasemikal ako.
naadik ako sa baker king na isang korean series. haha
nagtapos yung show na trainee writer ako.
goodbye juanita banana.
march
namatay ako at nabuhay dahil kay mario maurer nang mapanood ko siya sa crazy little thing called love. nyahaha.
![]() |
| corregidor |
posted singkwento.
april
ending ng imortal. first primetime at teleserye ko na part ako ng creatives.
the alone time in corregidor.
![]() |
| coron |
i almost kissed a girl. shet. whew.
the coron adventure.
june
back to school.
july
happy 24th to me!
![]() |
| back to school |
ano na ngang nangyari nun?
september
zombadings. fun.
october
ikakasa na ang new show.
i survived first sem with flying colors. :)
november
the farm moment, gulatan sa mga revelation ng friends.
december
the army/navy party with hs. barkada.
***
my top ten these year.
milk tea. moonleaf. mundo man ay magunaw. uno. hunger games. boracay. coron. day. corregidor. lxg.
cheers.
maligayang bagong taon sa lahat.
Sunday, December 25, 2011
its christmas all over the world tonight
saan ka man sa mundo, maligayang pasko sa'yo. (google translate kung taga-vanuatu ka.) well well as i grow old, nawawala na ang excitement ko kapag sumasapit ang pasko. siguro nga pambata lang ang regalo. or maybe because i never believed in santa naman talaga? howell.
but then why would you allow yourself to sulk on a special day? so after a long time na hindi ako nagmimisa,pumunta ako sa simbahan malapit samin for the christmas eve mass... and well 15 minutes na lang ng misa ang naabutan ko. ayaw yata akong patapakin sa misa. haha. infairness sa mga pilipino masipag pa rin silang magsimba.
nakatayo lang ako sa labas. pinagmamasdan ang mga tao, mga batang naglalaro... naghahabulan, mga matandang taimtim na nakikinig sa pari, mga mapoporma, mga gutom na at excited ng magnoche buena. hanggang sa narealize ko patapos na ang misa. at sabi ko nga 15 minuto palang ako sa simbahan na walking distance lang mula sa tinitirhan namin dito sa qc.
nang kantahin ang ending song, pumasok ako at nagdasal. ang sayang maging pari, kasi daming gift ni father. :p nakakaantig din makita ang mga pamilyang masayang nagsisimba together. mga deboto na hindi matatawaran ang faith.
pagkatapos umalis ng mga tao sa simbahan, pumunta ako sa harapan malapit sa altar kung saan may belen. nakita ko si baby jesus. nakahiga siya sa mga strip of paper na may mga sulat.
nakahiga si baby jesus sa mga sulat. iba't-ibang kahilingan ng sari-saring mga tao na nagpunta sa simbahang yun. lahat sila, umaasang tutuparin ni baby jesus ang kanilang mga mumunting kahilingan na nakasulat sa mga makukulay na papel. ito nga siguro ang hiwaga ng pasko, ang lakas makapagbigay ng pagasa. lahat naniniwala na maaaring maghimala.

ito ang kapangyarihan ng pasko. ang magbigay ng pagasa. :) gaya na lamang ng hinahangad ng mga nagsulat ng kanilang kahilingan.
oops. huwag kang magalala ate, hindi wrong spelling, wrong ang patakaran. pwede pa namang matupad ang wish mo. at yeah magiging madali ang exam... basta mag-aral ka lang at iwish na sana hindi spelling! chors. hehe
pero seriously speaking, nakakaantig ang mga nasa papel. kahit gaano man kaliit o kasimple ang mga kahilingan, alam kong taos puso naman nila itong sinulat.
sayang wala akong papel nun. kung meron akong papel, hihilingin ko na sana hindi na ako mamanhid at maramdaman ko na ang pasko ulit. gaya na lang nung bata ako.

natense ako bilang end of the world ang latest post ko e kapasko-pasko. haha howell.
MALIGAYANG PASKO SA LAHAT! :)
this might be the last christmas of mankind. nyar. :p may pahabol na panakot? lol
Saturday, December 24, 2011
doomsday list
(updated 102712)
ilang beses na bang napredict ang pagkagunaw ng mundo?
ilang beses na bang napredict ang pagkagunaw ng mundo?
noong year 2000 at noong mayo lang sinabing magtatapos na ang mundo.
at ngayon ang pinakapomosong petsa ay nabanggit na..
DECEMBER 21, 2012
ayon daw iyan sa mayan calendar at ang date na raw na iyan ang napipintong pagtatapos ng mundo.
kung totoo yan, meron na lamang tayong nalalabing 362 days sa mundo bago ito mawasak.
(refer to my countdown timer on the right.)
(refer to my countdown timer on the right.)
imagine a life with a clear deadline?
from now on, kung totoo ang propesiya, meron na lamang tayong kulang kulang isang taon para mabuhay. lahat tayo may taning na at 12 buwan ang natitira para gawin ang mga nais nating gawin bago ang armageddon (insert i don't want to miss a thing song here).
so dahil diyan oras na para gumawa ng aking doomsday bucket list at dapat magawa ko ito bago magunaw ang mundo! oh siyet this is really is it.
and i will update this list kung anuman ang maisip ko pa. :p
shet so many dreams, so little time. lol
magpatattoo.(finally! :p sept 24, 2012!!! :))travel abroad.- fall in love.
- have a boyfriend.
- bond with my family somewhere.
- go to mindanao.
- join a cause.
- plant a tree.
- learn how to cook.
- invest a business.
buy an apple product. haha(yabang may new ipad nako. hehe)spill a secret to a stranger.make new friends outside of my circle.splurge on clothes.buy my mom an expensive gift.do something stupid.- have a nude photo.
- go skinny dipping.
- fly a kite.
enroll back to school.- join an organization again.
- write an article.
- join palanca.
- write a novel.
- make someone cry.
- cry.
- join a workshop.
- write a play.
- learn a new language.
- buy harry potter set.
- have an advocacy.
- have an artista friend.
- kiss a girl. lol (eew)
- hit the gym.
- have a sport.
magpakulay ng buhok.mapanood ang mga cartoons ng disney noong disney renaissance.- write a film.
get drunk.- do something good to a stranger every day. (well nagagawa ko naman kaso di everyday. laos. lol)
makatikim ng hipon. :p
shet parang kaunti lang nadagdag. well may bago, first time kong maoperahan at maospital. lol
Subscribe to:
Posts (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...