she is there sitting in front of me.
suddenly, nagiba ang seating arrangement.
she giggled, not because kinikilig siya kundi dahil nagulat siya sa nasabi niya.
she initiated this. ngar. and i am a complete jerk to fall for it.
maybe because she has nice dimples?
goosebumps, napashet ako, eyes start to dart at our direction....
she is in front of me...
this is it? are we about to...
iba ang nagagawa ng alcohol. pero may ginawa akong bagay na alam kong hindi kagagawan ng alcohol - it is just a bold move with the help of alcohol(haha). i am not a fan of alcoholic drinks (well unless masarap gaya ng tanduay ice.hehe) dahil hindi ko gusto ang lasa at hindi ko gusto ang effect nito sa ulo at sa katawan. namumula kasi ako na parang madreng nakarinig ng bastos mula sa isang open minded na pari dahil sa alcohol. so hanggang isang tanduay ice lang ako and that's it...
but this night is no other night. nakadalawang bote ako ng tanduay ice at that's not all, me and three of my straight friends trooped to a nearby bar and grill para ituloy ang ligaya, mabilis kong sinabi na "titikim lang ako ha?", they said yes but of course papayag ba sila na sila lang ang uminom?
the place is jam packed! the smoke of ulam and yosi add to the inuman vibe with matching dancing waiters na may ala avatar fire bending powers na inaapuyan ang sizzling platters. ooh the place is too cool for me na isang unalcohic fella but then the waitress ushered us sa empty table in between a group of guys and a group of girls. gosh yun pala kami na lang ang missing puzzle to link the group of guys and girls and our story na maintertwine!
dumating ang hotdog at nachos kasama na ang three pitchers(?) of green alcoholic thingies. they assured me na i will love it! well masarap nga. haha one shot then the next shot... shot... shot... then palaki na ng palaki ang mundo namin dahil unti-unti nang nasasali ang table ng group of guys sa kaliwa ko at pati na rin ang table ng group of chikas sa right.
dahil magjowa ang dalawa sa kasama namin at dalawa kaming single, binuyo nila ang aming guy frien na kailangan niyang magpacharming sa chicks sa right table or else he will pay for the bill pag wala siyang nagawa. so syempre pahuhuli ba ako, sino raw ba ang bet ko sa kaliwang table, ayun walang takot kong tinuro si skinny chinito cute guy. haha. biruan lang at first ang dare na kausapin daw namin yung mga type namin. haha syempre dahil mas madali sa mga straight, nakausap ni friend (with the help of our magjowa friends) si girl na bea alonzo look a like. after some lies... well white lies! haha nakadikit na ang table namin sa three girls. chit chats. introductions then sharing na ng drinks (ansarap ng choco thingie nila ha). then the unthinkable happened...
ako: hi i find you cute?
dimples girl: really? i want to kiss you!
ako: game! (ate san nanggaling yun? lesbo!)
*insert buyuan ng friends here*
kanina lang may dalawang tao sa tabi ko bago siya, nagulat na lang ako katabi ko na siya!
friends: ano na?!
ako: sige pero kapag hinalikan ko siya hindi na ako iinom! (bwahahaha um-oo yata mga friends ko.haha)
natatawa na kami ni ate. napapashet na ako.
friend kong girl: ate (to dimples girl) okay lang yan bading naman siya e... baklaang kiss lang!
aba may attempt talagang kumbinsihin si ateng! haha. eh hesitant si ate, gaga ikaw kaya nagsuggest ng dare na itey! para matahimik si ate,dinemo namin ng friend ko (syempre may consent ng bf niya) ang baklaang kiss (smack lang) para yun sundin niya. haha
ako: ayun ganun lang...
aba di pa rin niya keri, shet ayoko ng uminom! haha napahirit pa tuloy ako ng...
ako: well unless you want something more! (ah eh ateeeeeng san na naman nanggagaling yan?!)
tawanan portion. ready na sana si ate... biglang nadistract siya!
girl: huwag kang tumingin!
napalingon kami sa tinutukoy niya. oooh mula sa mga boys from our left! hihi
girl: parang nakakagago kasi e!
pak! nadugtong na rin sa mundo namin ang mga boys. haha.
dahil naloka na ang mga kasama ni girl, pinaghiwalay na kami at baka awayin pa niya si kuya. haha
so ang ending no kiss, i have to drink still pero di naman bawal ang cheating. nyahaha. at nice sinasalo naman ako so keri. haha. and it turned out na yung kuya na tumitingin ay type pala si dimples girl at dahil nabreak ang ice tinanong na niya ang number ni dimples girl.
hindi naman ako pahuhuli, ako naman ang nagtanong kay kuya with matching point sa crush ko, "eh siya pwede ring kunin ang number?" surprise surprise... pwede raw.kilig pakingshet. nyahaha. aba hindi pwedeng mawala ang pasweet at maria clara image ko kaya may pahabol akong message, "syempre dapat okay lang sa kaniya..." nagthumbs up - ay isa lang palang thumb, so nagthumb up naman si skinny chinito crush. SHET! tagumpay! then umalis na sila. waaaah. ayun eh di walang pakundangan akong kinilig! hihi
pero hindi ba diyan nagtatapos ang kuwento. hetong si dimples girl tuso, nireveal niya samin na hindi niya tunay na number yung binigay niya kay kuya! hindi niya raw type! ako yata ang type niya. CHOS. (haha feelingera).
kaya tuloy shucks medyo may kaba sa puso ko...
yung binigay kaya ni kuya na number ni skinny chinito crush ay true din?
hmmm matext na nga... :)
Sunday, May 1, 2011
Monday, April 18, 2011
pero oras na
ang bilis.
ang bilis bilis ng van.
hindi ako makahabol.
ayokong humabol.
sabi niya kasi,
dapat siya raw ang kunin ko.
nagtanong naman ako,
"bakit? ang bata pa niya ha?"
sumagot siya at pilit sa aking pinauunawa,
"kung ang sanggol ngang hindi pa sinisilang,
pinakukuha ko na agad minsan di ba?"
natahimik ako.
wala na akong kibo pa.
humahabol pa rin ako...
lumalakad...
patakbo...
palipad...
ang bilis kasi.
ang bilis bilis ng van.
ang mga puno, kalsada at mga bahay ay parang mga anino na lang...
ayokong magmadali.
bakit dapat magmadali?
ang dilim kasi.
mga ilaw ng sasakyan lamang ang nagbibigay ng liwanag.
ang bilis pa rin ng van.
ang bilis bilis.
pero oras na.
mahabang busina.
nabasag na mga salamin.
katahimikan.
naabutan ko na siya.
ang bilis bilis ng van.
hindi ako makahabol.
ayokong humabol.
sabi niya kasi,
dapat siya raw ang kunin ko.
nagtanong naman ako,
"bakit? ang bata pa niya ha?"
sumagot siya at pilit sa aking pinauunawa,
"kung ang sanggol ngang hindi pa sinisilang,
pinakukuha ko na agad minsan di ba?"
natahimik ako.
wala na akong kibo pa.
humahabol pa rin ako...
lumalakad...
patakbo...
palipad...
ang bilis kasi.
ang bilis bilis ng van.
ang mga puno, kalsada at mga bahay ay parang mga anino na lang...
ayokong magmadali.
bakit dapat magmadali?
ang dilim kasi.
mga ilaw ng sasakyan lamang ang nagbibigay ng liwanag.
ang bilis pa rin ng van.
ang bilis bilis.
pero oras na.
mahabang busina.
nabasag na mga salamin.
katahimikan.
naabutan ko na siya.
Tuesday, April 12, 2011
five reasons why i am so single
it was a lazy saturday afternoon at kung karamihan ng mga tao ay nasa mall, kami nasa isang conference hall, having a meeting. tamang kuwentuhan lang, part of our job as writers ay uliratin ang buhay ng isa't-isa para makahugot ng something from them. hanggang sa the magic question pops out again... okay naman daw ako, hindi naman ako pangit (weh? hindi nga? lol) pero bakit hindi pa raw ako nagkakaboypren in my 23 years of existence?
- plain and simple, i'm ugly (humanap nga raw ng pangit at ibigin mong tunay. ;p). yeah yeah there is the answer na 'wala naman sa hitsura yan e' shit. haha. pero well sabi ko nga factor yan para magjump start sa attraction. pero noong bata ako may nagsabi na cute daw sana ako kaso bading lang. haha at bukod sa nanay ko may nagsasabi rin naman na i'm not ugly. haha. pero honestly hindi kasi ako naniniwala sa kanila. nagcri-cringe ako kapag na-cocompliment ako actually physically ( i mean syempre matutuwa ka and you feel confident pero basta. haha hindi lang ako naniniwala.lol) thinking na they are just being nice and polite. iniisip ko kasi minsan (mababaw man) na if i'm not ugly bakit walang nagkakagusto sakin? haha. nyek.
wala naman akong self-esteem issues now. tanggap ko naman kung ano ang nakikita ko sa salamin. minsan i like what i see... minsan hindi. pero yun nga till now kapag may nagtatanong sa akin ng magic question lagi kong sinasabi na pangit kasi ako para hindi na kailangan mag-explain. lol.
- kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito?... not. namention ko dito sa blog ko na i have this feeling na to stop my heart from beating sa taong ikinatitibok nito. kapag kasi nalaman ko na wala akong mapapala, unti-unti ko nang shina-shut down ang puso ko at tuturuan itong tumigil na bago pa ako malulong at masaktan. kaya applicable to sa nabasa ko sa tumblr: "i try to teach my heart not to want things it can't have". so kung wala, wala! itigil na bago pa magmukhang tanga.
- huwag ipilit, masakit. ako kasi ang taong hindi pinagsisiksikan ang sarili sa taong ayaw sa akin. gaya na lamang ng first love ko, he is straight so alam kong wala akong mapapala kaya anong dapat kong gawin? refer to number two. tas yung second love ko, he is not straight, may pagasa na sana kaso ang gwapo niya para mainlab din siya sa akin kaya refer to number two again. so bakit ko nga ba ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin di ba? hehe.
shet kaso siguro mainam naman minsan na maging stubborn, ipagtulakan na ang sarili para magkadyowa! lol
- i'll be right here waiting for you. hindi rin naman kasi ako naghahanap. well sabi naman nila kapag hindi ka nga naghahanap mas nakikita mo... pwes hindi sa lahat ng bagay. lol. hindi na nga ako naghahanap, hindi ko pa nakikita paano kapag hinanap ko pa? baka pagtaguan lang ako nun. haha.
kaya heto best in waiting in vain na lang. as the cliche goes, kung dumating eh di fine, kung hindi eh di fine lang din though minsan naiisip ko na iba siguro ang may karelasyon no? hehe.
- choosy kasi ateng... eenie, meenie, miney, mow?! sus mga hot lang ang may karapatang maging choosy kaya may k ako! chos. haha sus. wala akong right na maging mapili pa. panghot at gwapo lang pasok ang pagiging choosy. pero though aminado naman ako na dapat kung magkaka-bf ako dapat may looks naman! haha syempre first eh, dapat ipagyayabang lalo na kung nabreak niya ang aking 23 year old nbsb spell. lol.
ewan ko. parang naghihintay lang din kasi ako ng spark. haha yan tuloy sa kahihintay ng spark wala akong napala. haha :p
this july, i'll be turning 24. mukhang madadagdagan na naman buhay pagkasingle ko. haha kaya pa naman. sus medyo sawa na ako sa pagtibok ng puso ko sa mga taong hindi naman ako ang itinitibok ng puso. haha so tamang chill lang. ang pangarap ko lang naman ay maging single forever... pero alam ko namang may taong sisira ng pangarap kong ito. hehe.
Wednesday, April 6, 2011
at ito ang kaniyang kuwento: ang probinsiyano
so medyo true-to-life ang kuwentong ito, hindi ko nga lang kuwento...
***
Inihahandog ng Facebook Serye para sa kauna-unahan nitong ganap ang PROBINSIYANO. (haha walang magawa te?) Para sa becky na kinikilig at naniniwala sa power ng true love (chos lang yung sa true love.) Ito na ang summer lovin na magpapainit sa inyong tag-init. In 3.. 2.. 1...
PAK!
FBS presents...
PROBINSIYANO.
chapter one
HOMECOMING QUEEN
Nagkakagulo sa backstage, hindi magkaundagaga si AJ Sotto (yes tinry ko namang itago ng mabuti ang pangalan) sa kakatakbo bitbit ang isang polo at pantalon kasabay pa ang iba pang mga bading na busy din sa mga alagang naroroon. Marahil rindi na rin siya sa mga talak ng mga nanay na nagpapaka-stage mom sa mga contestant na hindi niya mawari kung may konsepto ba sila ng beauty pageant at sinali ang mga so-so na mga anak --- oops. Umandar na naman pagiging laitera ni ateng. Hay. Oo. Laitera siya at aminado siya run. Eh ano naman? Hindi naman nila maririnig di ba? Anyway walang pakialam na nagmamadaling naglalakad - tumatakbo... whatever... si AJ. Naririnig na niya ang host sa stage, "Ladies and gentlemen, mga kabarangay dito sa San Juan (ay teka kailangan ba nakableep?) ang ating mga kandidato in their bonggang swim wear!". Oblivious (yes taglish bakit?) sa mga chitchat at ratatat ng mga bibig ng mga bading, PA, babae, magulang na mga reklamadora at ng mga contestant sa barangay beauty pageant derederetso lang si AJ hanggang sa isang baklang makiri ang haharang sa kaniya.
"Kuya Ging!" tarantang tawag ni Georgina -- este ni George, kay AJ. Matitigilan si AJ at bago pa niya ibuka ang kaniyang bibig, tatalak na itong tarantang si Georgina, "Ang umbok ni Rey! Kinabog ni Jordan!"
Wala ng sali-salita pa makarinig lang ng umbok si AJ talagang raratsada na - kung ibang lalaki yun. Pero ibahin natin si Rey. Si Rey na walang malay na pinagpapantasyahan na ng isang baklang galing ng Maynila. Er. Hindi naman. Basta iba si Rey sa mga lalaki sa buhay ni AJ...
"Rey!" tawag ni AJ. Tumingin si Rey, nakapinta ang pangamba at kaba sa kaniyag mukha. Dali-daling tinanggal ni AJ ang sapatos at hinubad ang medyas. Mabilis na inabot kay Rey. "Oh. Nasaan na ba kasi yang (hesitant pa kunyari)... ano mo?" Diyaheng matatawa si Rey, aabutin ang medyas at isusuksok sa boxer trunks. Believe it or not, AJ turns red. (pavirgin pa si ateng hindi naman bagay) Tutugtog ang isang dance music... magtatawag na ang host ng mga candidates. Magmamadaling lalabas ang mga kandidato, tatawagin na ang candidate number 5... si Rey. Lilingon muna ang lalaki kay AJ, gives him a toothy grin and a thumbs up sign and he hastily goes out. Maririnig ni AJ ang roars at applauses ng audience. Nakatayo siya sa backstage, oblivious of his environment, enjoying the feeling... butterflies flutter in his stomach. Sabi na e, iba si Rey... here we go again...
***
Nangangarag si AJ bitbit ang mga damit galing sa opisina ng kaniyang stylist na boss na si Bangs Pineda. Traffic sa EDSA at kailangan niya itong masoli sa Greenhills by 6. And guess what? 5:47 na! Tutunog ang cellphone... pikon na hahalukayin sa bag, "heto na sabi... malapit na ang kulit -"
One message received.
Georgina
"Kuya ging, magkakamiss at mr san juan. sinabi ko na bet mong maging photographer kay te mayet!"
Reply.
"Sige. may gwapo ba diyan? baka mga magsasaka lang yan sa san juan?"
Message sent.
"Mewon. madami. 20. pati mga gurls gwapo. :)"
"Puta ka."
Mangingiti si AJ. Pero mabilis na mapapawi ito ng makitang 6 na sa kaniyang cellphone. Nasa Cubao palang sila. Patay.
***
Malungkot na nakaupo si AJ sa pavement sa harapan ng office ng boss niya noong gabing yun. It has been a month simula noong tinanggap niya ang styling apprenticeship at nagquit sa isang stable teaching job. Sinasanay ang bagong kalakaran na mula sa may schedule na trabaho, ngayon wala na. From Korean students now celebrities, english lessons to fashion 101, classrooms to boutiques... Speaking of boutiques, ayun tinalakan siya nung hiniraman nila ng damit sa Greenhills dahil late siya, tinalakan din siya ng boss niya dahil late siyang bumalik. No worries. Okay lang naman. After naman nun, nilibre siya ni Bangs sa Starbucks as if nothing happened. Pero hindi kasi yun ang dahilan kung bakit siya malungkot.
Masaya pa ba siya sa ginagawa niya? Oo ito ang pangarap niya. Pero narealize niya na may mga bagay siyang hindi niya kayang isuko. Kapag kasi nakapagdecide na siya, by February, lilipat na siya sa apartment ni Bangs and live alone na malayo sa kaniyang mga tiyahin na kinalakhan niya. Wala ring kasiguraduhan ang sahod dahil sa apprenticeship niya with Bangs, walang salary na involved unless abutan siya o siya mismo ang parakitin.
Naputol ang pagmumuni-muni ni AJ nang gambalain siya ng tunog ng kaniyang cellphone.
One message received.
Goergina.
"kuya ging, game na! uwi ka na ng aliaga!"
Ito na ang sagot sa tanong niya, he misses home!
***
"Oo na ako na ang bahala sa mga damit ng lalaki! Syempre yung mga babae hayaan mo na! Chos!" Kausap ni AJ si Goergina sa cellphone habang nakatingin sa kaniyang closet. "Basta sila na ang bahala sa mga damit nila, naku si Lisa hayaan mo na yun! Maraming damit yun na galing Canada! Naman! Maganda ang pinsan... mana sakin e!"
Ilalabas na ni AJ ang kaniyang mga damit, mula polo, shirt, jeans, vests... "Bakla ka siguraduhin mong may boylet diyan! Sakripisyo ito! Ang dami kong bibitbitin bukas!"
Sandali pang tawanan at chikahan, ibababa na ni AJ ang phone. Sisimulan na ni AJ ang magimpake. Pagkuha ng isang bag, malalaglag ang kaniyang planner. Makikita roon ang mga schedule niya sa kaniyang styling work. Mapapabuntong hiningang pupulutin ito ni AJ. Then, nakamarka ang isang Saturday, bukas, uuwi si AJ sa San Juan. Mangingiti ito, pansamantala muna niyang iiwan si AJ sa Manila, tutal miss na miss naman niya ang pagiging Ging.
Ililigpit ang planner, itutupi ang mga damit at isisilid sa bag. Handa na si AJ na umuwi.
ITUTULOY
Friday, April 1, 2011
how about a survival guide to fresh grad life?
dahil it's graduation season na at marami na namang gragraduate sa college at maeexcite sa real world. well this is the ultimate survival guide for the fresh grads out there - or not.
wala ng mas sasarap pa kapag hawak mo na ang iyong pinaghirapang diploma at wala ng mas eexciting pa sa pagsasara ng 17 years of your academic life at pagharap sa totoong mundo na labas sa apat na sulok ng iyong school.
pero the real world is actually hell full of demons and dark angels trying to snatch your dreams so kailangan maging handa di ba? so ano nga ba ang dapat tandaan as you embark this life changing journey?
wala ng mas sasarap pa kapag hawak mo na ang iyong pinaghirapang diploma at wala ng mas eexciting pa sa pagsasara ng 17 years of your academic life at pagharap sa totoong mundo na labas sa apat na sulok ng iyong school.
pero the real world is actually hell full of demons and dark angels trying to snatch your dreams so kailangan maging handa di ba? so ano nga ba ang dapat tandaan as you embark this life changing journey?
- ibalot-balot na ang mga text books at sunugin na ang mga lecture na yan dahil wala pa sa 10 percent ang magagamit sa real world. actually mas magagamit ang mga lessons na natutunan outside the classroom more kaysa yung mga nasa loob.
- be intact with your values and beliefs. pagtuntong mo sa real world, either babaguhin ka nito o sasabay sa sistema.
- huwag maging idealistic mas lalo ka lang madidisappoint.
- huwag atat magtrabaho. magpahinga muna pero syempre choice mo pa rin. haha masaya ang part ng job interviews pero maganda rin na may target company ka na kung saan mo gustong magtrabaho.
- huwag masyadong maging bibo, well okay lang naman. haha kadalasan kasi kung sino yung bibo sa training medyo deads na kapag sa hands on na.
- be yourself at relax lang sa mga interviews. pero huwag masyadong kaswal.
- huwag matakot sumugal. :)
- dont forget your friends. sila ang magiging katuwang niyo sa stressful real world life.
- shet humanda na sa quarter life crisis. feeling ko normal lang naman na pagdaanan yun. huwag ka lang masyadong malululong at magmove on.
- bonus na lang kung galing ka sa sinasabing big four universities pero tandaan hindi sukatan ng pagkatao ang pinanggalingang school at hindi rin ito guarantee ng tagumpay. nasa tao pa rin yan. :) dahil pagdating sa real world hindi na titignan kung saan ka nag-aral, mas huhusgahan ka na bilang tao at kung ano ang kaya mong gawin.
congrats graduates. go follow your dreams. hay namiss ko naman noong panahong kakagraduate ko lang. may uncertainty at excitement. sabik sa real world. makapagreminisce nga...
my fresh grad days.
- labing pitong taon.
- reminiscing my 17 years sa school.
- interbyu blues
- my first job interview! hehe
- ambisyon ng ambisyosa
- uncertainties noong mga panahong yon.
those were the days.
Subscribe to:
Posts (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...
