Monday, April 18, 2011

pero oras na

ang bilis.
ang bilis bilis ng van.
hindi ako makahabol.
ayokong humabol.

sabi niya kasi,
dapat siya raw ang  kunin ko.
nagtanong naman ako,
"bakit? ang bata pa niya ha?"
sumagot siya at pilit sa aking pinauunawa,
"kung ang sanggol ngang hindi pa sinisilang,
pinakukuha ko na agad minsan di ba?"
natahimik ako.
wala na akong kibo pa.

humahabol pa rin ako...
lumalakad...
patakbo...
palipad...
ang bilis kasi.

ang bilis bilis ng van.
ang mga puno, kalsada at mga bahay ay parang mga anino na lang...
ayokong magmadali.

bakit dapat magmadali?
ang dilim kasi.
mga ilaw ng sasakyan lamang ang nagbibigay ng liwanag.
ang bilis pa rin ng van.
ang bilis bilis.

pero oras na.

mahabang busina.
nabasag na mga salamin.

katahimikan.

naabutan ko na siya.

Tuesday, April 12, 2011

five reasons why i am so single

it was a lazy saturday afternoon at kung karamihan ng mga tao ay nasa mall, kami nasa isang conference hall, having a meeting. tamang kuwentuhan lang, part of our job as writers ay uliratin ang buhay ng isa't-isa para makahugot ng something from them. hanggang sa the magic question pops out again... okay naman daw ako, hindi naman ako pangit (weh? hindi nga? lol) pero bakit hindi pa raw ako nagkakaboypren in my 23 years of existence?

ilang beses nang natatanong sa akin ang magic question na ito bilang hindi naman sikreto sa lipunan na nbsb ako o no boyfriend since birth. madalas kong i-sagot actually is pangit kasi ako (haha) syempre sinasabi nila hindi naman daw sa mukha yun pero kasi naman sa look nagsisimula ang initial reaction di ba? haha pero seryoso i just think that way...

  1. plain and simple, i'm ugly (humanap nga raw ng pangit at ibigin mong tunay. ;p). yeah yeah there is the answer na 'wala naman sa hitsura yan e' shit. haha. pero well sabi ko nga factor yan para magjump start sa attraction. pero noong bata ako may nagsabi na cute daw sana ako kaso bading lang. haha at bukod sa nanay ko may nagsasabi rin naman na i'm not ugly. haha. pero honestly hindi kasi ako naniniwala sa kanila. nagcri-cringe ako kapag na-cocompliment ako actually physically ( i mean syempre matutuwa ka and you feel confident pero basta. haha hindi lang ako naniniwala.lol) thinking na they are just being nice and polite. iniisip ko kasi minsan (mababaw man) na if i'm not ugly bakit walang nagkakagusto sakin? haha. nyek.

    wala naman akong self-esteem issues now. tanggap ko naman kung ano ang nakikita ko sa salamin. minsan i like what i see... minsan hindi. pero yun nga till now kapag may nagtatanong sa akin ng magic question lagi kong sinasabi na pangit kasi ako para hindi na kailangan mag-explain. lol.
  2. kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito?... not. namention ko dito sa blog ko na i have this feeling na to stop my heart from beating sa taong ikinatitibok nito. kapag kasi nalaman ko na wala akong mapapala, unti-unti ko nang shina-shut down ang puso ko at tuturuan itong tumigil na bago pa ako malulong at masaktan. kaya applicable to sa nabasa ko sa tumblr: "i try to teach my heart not to want things it can't have". so kung wala, wala! itigil na bago pa magmukhang tanga.
  3.  huwag ipilit, masakit. ako kasi ang taong hindi pinagsisiksikan ang sarili sa taong ayaw sa akin. gaya na lamang ng first love ko, he is straight so alam kong wala akong mapapala kaya anong dapat kong gawin? refer to number two. tas yung second love ko, he is not straight, may pagasa na sana kaso ang gwapo niya para mainlab din siya sa akin kaya refer to number two again. so bakit ko nga ba ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin di ba? hehe.

    shet kaso siguro mainam naman minsan na maging stubborn, ipagtulakan na ang sarili para magkadyowa! lol
  4. i'll be right here waiting for you. hindi rin naman kasi ako naghahanap. well sabi naman nila kapag hindi ka nga naghahanap mas nakikita mo... pwes hindi sa lahat ng bagay. lol. hindi na nga ako naghahanap, hindi ko pa nakikita paano kapag hinanap ko pa? baka pagtaguan lang ako nun. haha.

    kaya heto best in waiting in vain na lang. as the cliche goes, kung dumating eh di fine, kung hindi eh di fine lang din though minsan naiisip ko na iba siguro ang may karelasyon no? hehe.
  5. choosy kasi ateng... eenie, meenie, miney, mow?! sus mga hot lang ang may karapatang maging choosy kaya may k ako! chos. haha sus. wala akong right na maging mapili pa. panghot at gwapo lang pasok ang pagiging choosy. pero though aminado naman ako na dapat kung magkaka-bf ako dapat may looks naman! haha syempre first eh, dapat ipagyayabang lalo na kung nabreak niya ang aking 23 year old nbsb spell. lol.

    ewan ko. parang naghihintay lang din kasi ako ng spark. haha yan tuloy sa kahihintay ng spark wala akong napala. haha :p
this july, i'll be turning 24. mukhang madadagdagan na naman buhay pagkasingle ko. haha kaya pa naman. sus medyo sawa na ako sa pagtibok ng puso ko sa mga taong hindi naman ako ang itinitibok ng puso. haha so tamang chill lang. ang pangarap ko lang naman ay maging single forever... pero alam ko namang may taong sisira ng pangarap kong ito. hehe.

Wednesday, April 6, 2011

at ito ang kaniyang kuwento: ang probinsiyano

so medyo true-to-life ang kuwentong ito, hindi ko nga lang kuwento...

in lababo ang best friend ko. at sa sobrang in love niya sa lalaking ito nagrequest siya na gawan ko raw sila ng kuwento. haha bilang tunay na kaibigan, why not? at sa facebook group ng barkada namin ko ito unang pinost. hehe that is why bininyagan itong facebook serye....


***



Inihahandog ng Facebook Serye para sa kauna-unahan nitong ganap ang PROBINSIYANO. (haha walang magawa te?) Para sa becky na kinikilig at naniniwala sa power ng true love (chos lang yung sa true love.) Ito na ang summer lovin na magpapainit sa inyong tag-init. In 3.. 2.. 1...

PAK!

FBS presents...
PROBINSIYANO.

chapter one
HOMECOMING QUEEN

Nagkakagulo sa backstage, hindi magkaundagaga si AJ Sotto (yes tinry ko namang itago ng mabuti ang pangalan) sa kakatakbo bitbit ang isang polo at pantalon kasabay pa ang iba pang mga bading na busy din sa mga alagang naroroon. Marahil rindi na rin siya sa mga talak ng mga nanay na nagpapaka-stage mom sa mga contestant na hindi niya mawari kung may konsepto ba sila ng beauty pageant at sinali ang mga so-so na mga anak --- oops. Umandar na naman pagiging laitera ni ateng. Hay. Oo. Laitera siya at aminado siya run. Eh ano naman? Hindi naman nila maririnig di ba? Anyway walang pakialam na nagmamadaling naglalakad - tumatakbo... whatever... si AJ. Naririnig na niya ang host sa stage, "Ladies and gentlemen, mga kabarangay dito sa San Juan (ay teka kailangan ba nakableep?) ang ating mga kandidato in their bonggang swim wear!". Oblivious (yes taglish bakit?) sa mga chitchat at ratatat ng mga bibig ng mga bading, PA, babae, magulang na mga reklamadora at ng mga contestant sa barangay beauty pageant derederetso lang si AJ hanggang sa isang baklang makiri ang haharang sa kaniya.

"Kuya Ging!" tarantang tawag ni Georgina -- este ni George, kay AJ. Matitigilan si AJ at bago pa niya ibuka ang kaniyang bibig, tatalak na itong tarantang si Georgina, "Ang umbok ni Rey! Kinabog ni Jordan!" 

Wala ng sali-salita pa makarinig lang ng umbok si AJ talagang raratsada na - kung ibang lalaki yun. Pero ibahin natin si Rey. Si Rey na walang malay na pinagpapantasyahan na ng isang baklang galing ng Maynila. Er. Hindi naman. Basta iba si Rey sa mga lalaki sa buhay ni AJ... 

"Rey!" tawag ni AJ. Tumingin si Rey, nakapinta ang pangamba at kaba sa kaniyag mukha. Dali-daling tinanggal ni AJ ang sapatos at hinubad ang medyas. Mabilis na inabot kay Rey. "Oh. Nasaan na ba kasi yang (hesitant pa kunyari)... ano mo?" Diyaheng matatawa si Rey, aabutin ang medyas at isusuksok sa boxer trunks. Believe it or not, AJ turns red. (pavirgin pa si ateng hindi naman bagay) Tutugtog ang isang dance music... magtatawag na ang host ng mga candidates. Magmamadaling lalabas ang mga kandidato, tatawagin na ang candidate number 5... si Rey. Lilingon muna ang lalaki kay AJ, gives him a toothy grin and a thumbs up sign and he hastily goes out. Maririnig ni AJ ang roars at applauses ng audience. Nakatayo siya sa backstage, oblivious of his environment, enjoying the feeling... butterflies flutter in his stomach. Sabi na e, iba si Rey... here we go again...

***

Nangangarag si AJ  bitbit ang mga damit galing sa opisina ng kaniyang stylist na boss na si Bangs Pineda. Traffic sa EDSA at kailangan niya itong masoli sa Greenhills by 6. And guess what? 5:47 na! Tutunog ang cellphone... pikon na hahalukayin sa bag, "heto na sabi... malapit na ang kulit -"

One message received.
Georgina

"Kuya ging, magkakamiss at mr san juan. sinabi ko na bet mong maging photographer kay te mayet!"

Reply.

"Sige. may gwapo ba diyan? baka mga magsasaka lang yan sa san juan?"

Message sent.

"Mewon. madami. 20. pati mga gurls gwapo. :)"

"Puta ka." 

Mangingiti si AJ. Pero mabilis na mapapawi ito ng makitang 6 na sa kaniyang cellphone. Nasa Cubao palang sila. Patay. 

***

Malungkot na nakaupo si AJ sa pavement sa harapan ng office ng boss niya noong gabing yun. It has been a month simula noong tinanggap niya ang styling apprenticeship at nagquit sa isang stable teaching job. Sinasanay ang bagong kalakaran na mula sa may schedule na trabaho, ngayon wala na. From Korean students now celebrities, english lessons to fashion 101, classrooms to boutiques... Speaking of boutiques, ayun tinalakan siya nung hiniraman nila ng damit sa Greenhills dahil late siya, tinalakan din siya ng boss niya dahil late siyang bumalik. No worries. Okay lang naman. After naman nun, nilibre siya ni Bangs sa Starbucks as if nothing happened. Pero hindi kasi yun ang dahilan kung bakit siya malungkot.

Masaya pa ba siya sa ginagawa niya? Oo ito ang pangarap niya. Pero narealize niya na may mga bagay siyang hindi niya kayang isuko. Kapag kasi nakapagdecide na siya, by February, lilipat na siya sa apartment ni Bangs and live alone na malayo sa kaniyang mga tiyahin na kinalakhan niya. Wala ring kasiguraduhan ang sahod dahil sa apprenticeship niya with Bangs, walang salary na involved unless abutan siya o siya mismo ang parakitin. 

Naputol ang pagmumuni-muni ni AJ nang gambalain siya ng tunog ng kaniyang cellphone. 

One message received.
Goergina.

"kuya ging, game na! uwi ka na ng aliaga!"

 Ito na ang sagot sa tanong niya, he misses home!

***
"Oo na ako na ang bahala sa mga damit ng lalaki! Syempre yung mga babae hayaan mo na! Chos!" Kausap ni AJ si Goergina sa cellphone habang nakatingin sa kaniyang closet. "Basta sila na ang bahala sa mga damit nila, naku si Lisa hayaan mo na yun! Maraming damit yun na galing Canada! Naman! Maganda ang pinsan... mana sakin e!" 

Ilalabas na ni AJ ang kaniyang mga damit, mula polo, shirt, jeans, vests... "Bakla ka siguraduhin mong may boylet diyan! Sakripisyo ito! Ang dami kong bibitbitin bukas!" 

Sandali pang tawanan at chikahan, ibababa na ni AJ ang phone. Sisimulan na ni AJ ang magimpake. Pagkuha ng isang bag, malalaglag ang kaniyang planner. Makikita roon ang mga schedule niya sa kaniyang styling work. Mapapabuntong hiningang pupulutin ito ni AJ. Then, nakamarka ang isang Saturday, bukas, uuwi si AJ sa San Juan. Mangingiti ito, pansamantala muna niyang iiwan si AJ sa Manila, tutal miss na miss naman niya ang pagiging Ging. 

Ililigpit ang planner, itutupi ang mga damit at isisilid sa bag. Handa na si AJ na umuwi. 

ITUTULOY

Friday, April 1, 2011

how about a survival guide to fresh grad life?

dahil it's graduation season na at marami na namang gragraduate sa college at maeexcite sa real world. well this is the ultimate survival guide for the fresh grads out there - or not.

wala ng mas sasarap pa kapag hawak mo na ang iyong pinaghirapang diploma at wala ng mas eexciting pa sa pagsasara ng 17 years of your academic life at pagharap sa totoong mundo na labas sa apat na sulok ng iyong school.

pero the real world is actually hell full of demons and dark angels trying to snatch your dreams so kailangan maging handa di ba? so ano nga ba ang dapat tandaan as you embark this life changing journey?


  1. ibalot-balot na ang mga text books at sunugin na ang mga lecture na yan dahil wala pa sa 10 percent ang magagamit sa real world. actually mas magagamit ang mga lessons na natutunan outside the classroom more kaysa yung mga nasa loob.
  2. be intact with your values and beliefs. pagtuntong mo sa real world, either babaguhin ka nito o sasabay sa sistema. 
  3. huwag maging idealistic mas lalo ka lang madidisappoint.
  4. huwag atat magtrabaho. magpahinga muna pero syempre choice mo pa rin. haha masaya ang part ng job interviews pero maganda rin na may target company ka na kung saan mo gustong magtrabaho. 
  5. huwag masyadong maging bibo, well okay lang naman. haha kadalasan kasi kung sino yung bibo sa training medyo deads na kapag sa hands on na. 
  6. be yourself at relax lang sa mga interviews. pero huwag masyadong kaswal. 
  7. huwag matakot sumugal. :)
  8. dont forget your friends. sila ang magiging katuwang niyo sa stressful real world life.
  9. shet humanda na sa quarter life crisis. feeling ko normal lang naman na pagdaanan yun. huwag ka lang masyadong malululong at magmove on.
  10. bonus na lang kung galing ka sa sinasabing big four universities pero tandaan hindi sukatan ng pagkatao ang pinanggalingang school at hindi rin ito guarantee ng tagumpay. nasa tao pa rin yan. :) dahil pagdating sa real world hindi na titignan kung saan ka nag-aral, mas huhusgahan ka na bilang tao at kung ano ang kaya mong gawin.
congrats graduates. go follow your dreams. hay namiss ko naman noong panahong kakagraduate ko lang. may uncertainty at excitement. sabik sa real world. makapagreminisce nga...

my fresh grad days. 
those were the days. 

Wednesday, March 30, 2011

singkwent(o)

hindi ko alam pero parang uso yata ito sa mga blogs na nabasa ko. haha. nainggit ako. syempre dahil inggitera ako, gagaya ako. nyahaha. parang ang ganap 50 things about yourself lang so dahil diyan... 
  1. iyakin ako nung bata. pero hindi na ngayon. sobrang miss na miss ko nang umiyak. kahit gaano pa nakakaiyak ang pelikula, hindi ako naiiyak, hindi dahil sa pinipigilan ko pero natuyo na yata kasi ang luha ko. char. haha. pero alam ko naman na nakakaiyak siya. hehe.
  2. mahilig akong magbasa. sa totoo lang namimiss kong magbasa ng libro bilang ang dami na kasing distraction ngayon lalo na't sa internet palang. boo. hehe. sa sobrang hilig kong magbasa hindi lang books, newspapers o magazines ang binabasa ko. kapag bored ako nagbabasa ako ng kung anu-anong pamphlets, o kahit yung ingredients lang ng kung anong makita ko kaya naman pasok sa akin ang check the label! mga nakasulat na vandal, mga nakaprint sa shampoo o kung anuman... basta name it, basta may letra, binabasa ko na. haha.
  3. mahilig akong magsulat. nadiscover ko ito noong summer bago ako mag-grade 4 at ang unang kwentong sinulat ko ay actually isang komiks na tungkol sa mga pasahero ng isang pabagsak na eroplano. hehe pero high school ko lang narealize na gusto kong maging writer. 
  4.  mahilig ako sa mga teleserye. haha. kaya naman bukod sa pagiging field reporter, maging writer ng teleserye isa ko pang dream. haha.
  5. before i die gusto kong makapagsulat ng nobela, manalo sa palanca, makapagsulat ng film at ng isang episode sa shake, rattle and roll. haha
  6. speaking of films, mahilig akong manood ng mga pelikula at kahit anong genre pa yan. at ang mga favorite films ko napakadiverse! haha doremi, love of siam, manila by night, insiang, ilang shake, rattle and roll films, harry potter series, himala, a very special love, ang pagdadalaga ni maximo oliveros... haha form jologs to indie to mainstream to pa-deep. ah basta. :p
  7. people thought na dahil sa masayahin ako at palabiro, friendly na ako. well hirap akong mag-adjust sa bagong environment at natuklasan ko na meron akong three stages na pinagdadaanan bago makapagadjust. haha una, the kimi stage na yung tahimik lang ako at halos di mo na mapansin, ikalawa, the pasweet stage na parang dalagang pilipina at third, yung ako na. haha ibig sabihin napalagayan ko na ang mga tao. haha pero ngayon parang wala ng kimi-kimi stage. haha
  8. i have trust issues. so matagal ko bago pagkatiwalaan ang isang tao at kapag binigay ko ang tiwala ko umaasa ako na hindi niya sisirain yun.
  9. masasabi ko na ang isa sa mga asset ko ay i keep secrets hanggang sa aking grave. promise feeling ko kahit mag-away pa tayo hindi ko ibubulgar sikreto mo (ay teka baka pwede ko naman ibulgar pala. haha). my point is kapag sinabi mo saking bawal ipagsabi, promise hindi ko talaga sasabihin. unless suhulan ako para ilabas ang iyong sikreto. haha chos lang.
  10. isa akong catholic school baby. mula grade school kasi hanggang college, catholic schools ang mga naging eskwelahan ko. lumaki tuloy akong imoral. charot. 
  11. sobra akong kuripot. :p
  12. hobby kong mag-org noong college. haha noong fourth year active ako sa limang orgs. haha pinakaactive ako sa theater org, active din naman ako sa communication arts org namin, sa college paper, sa local comelec at sa isang university wide writer's guild. ako na! nyahaha. 
  13. mahilig ako sa anime well hindi na kagaya ng dati pero noong first year college sumali pa ako sa isang anime org sa uste. hahaha. kaloka. :p ang favorite animes ko ay ang fushigi yuugi at full metal alchemist.
  14. kahit na becky ako gusto kong magkaanak pero ang tanong sa paanong paraan? haha
  15. noong senior year ko sa high school tumakbo ako sa high school student council bilang business manager. well straight win naman ang nakuha ng partido namin.pero nakaranas naman ako ng pagkabigo noong grade school twice dahil dalawang beses akong natalo sa batasang pambata (elementary student council). ang saklap. haha may speech pa ako nun sa meeting de avance na kung si erap ay para sa mahirap, ako nama'y para sa lahat! pak. ayun talo. haha
  16. favorite number ko ang 13.
  17. noong bata ako hiniling ko na magkaroon ako ng third eye. well buti na lang hindi ako pinakinggan ng diyos. hehe i will always be fascinated with the supernatural.
  18. isa akong jumping rope champion noong grade six o five? haha dahil dun nilibre ako sa jollibee nang nanay ko. haha
  19. dalawang beses palang akong naiinlab. parehas na unrequited. :p
  20. kapampangan ang salita namin sa bahay. mekeni, mekeni kuwanan me ing bola king lalam ning tete. :)
  21. noong tinuli ako noong summer bago mag-grade five sinabi sa akin ng doktor habang ginugupit ang keme na "hindi ito ginagamit sa boys... dapat sa girls." whatever dok. haha
  22. apat na beses na akong napagkakamalang mamimick up ng prosti girls. hello? 
  23. napagkamalan na rin akong miyembro ng akyat bahay gang. haha kasi naman itong kabarkada ko nakalimutan ang susi ng bahay nila so para makapasok, we attempted na umakyat sa gate at kalikutin ito. pero dahil hindi siya palalabas, hindi siya kilala ng kapit-bahay niya na nakakita samin. ayun napagkamalan kaming magnanakaw sa tanghaling tapat at bago pa kami makuyog ng taong-bayan buti na lang may matandang nagpledge na taga-run nga ang barkada namin. haha
  24. at twenty five magpapatattoo kami ng best friend ko ng tweety bird ala claudine barretto. chos. syempre kung anumang design ang naisin namin. haha pero parang gusto ko na ngayon... makalabas na nga ng bahay. atat? haha
  25. dream school ko nun ang ateneo at vinivisualize ko na kapag dun ako nag-aral magiging san chai ako. haha ayun nasira ang pangarap ko kasi bumagsak ako. haha tinadhana akong maging tomasino at ipinagmamalaki ko ito. :)
  26. mahilig ako sa root beer, sarsi, cinammon at mustard na marami ang may ayaw.
  27. gitna ako sa tatlong magkakapatid. kuya, ako at ang bunsong babae. so pinapangalagaan namin ang balanse ng mundo bilang ako talaga ang gitna. haha
  28. no boyfriend since birth. 
  29. madali akong magpatawad at mahaba rin ang pasensiya ko. well i forgive pero i don't forget. pero hindi naman ako magsasaka... hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. nyehehe.
  30. if bibigyan ako ng panibagong talent paggising ko bukas, sana gumanda boses ko. haha
  31. pangarap kong maging housemate ni kuya. kaya naman noong season three sinubukan kong magaudition kasama ang isang kabarkada. haha pero bored lang kami nun at gusto ko lang maexperience. sa haba ng pila, naabutan kami ng cut off. it turns out masaya ang experience dahil sa pila palang samu't-saring tauhan na ang makikilala mo.
  32. i love conversations lalo na sa mga estranghero. pero mas listener ako kaysa puro talak kahit na madaldal ako. hehe mas gusto ko lang nakikinig sa mga kuwento ng tao.
  33. mas gusto ko ang written recitation kaysa oral recitation. nahihirapan kasi akong magexplain verbally e. haha kaya naman mas gusto kong magsagot ng essay kaysa magreporting. 
  34. nasampal ko na ang nanay ko. well dahil lang kasi nagulat ako sa kaniya basta bigla siyang sumulpot. haha sa sobrang shock ayun nasampal ko siya. pinagtawanan lang niya ako. haha
  35. mas gusto ko ang lakad na spontaneous kaysa planado. okay lang naman kasi ang planado pero i just love surprises. at mas madalas matuloy ay yung mga biglaan. one time kasama ng friend ko na si judee, wala kaming magawa isang madaling araw sumakay kami ng bus papuntang batangas at bumaba sa laguna. ayun pinuntahan namin ang bahay ni rizal at nagswimming sa hot springs at ang dala lang namin ay kung ano ang suot at bitbit namin ng araw na yun. haha siya rin ang kasama ko nung isang gabi na bigla na lang kaming pumunta ng baguio at the next day bumaba ulit ng manila. haggard pero fun. hehe
  36. kung ang pasok noong fourth year high school ay ten class days, eight dun late ako. haha shet nagwalk out adviser namin dahil napikon na sakin dahil sa araw-araw ay huli na naman ako. at ang catch fifteen to twenty minutes jeepney away lang school namin. haha
  37. iba ang pagkakakilala sakin ng pamilya ko kumpara sa pagkakakilala ng mga kaibigan ko sakin. example sa bahay akala nila tahimik ako at hindi palasalita... eh yun ang akala nila. haha ewan ko siguro karamihan naman may ibang katauhan sa harap ng family at iba rin namang makitungo sa friends. 
  38. baligtad na ang tulog ko. para na akong asuwang. gising sa gabi at tulog sa araw. insomniac na tuloy ako.
  39. nakakita na ako ng multo. pero syempre alam ko naman na hindi lahat ng pinagsabihan ko noon ay maniniwala sa akin. haha. isa siyang matandang babae na may mahabang buhok na umiiyak... actually tumatangis ang better term dahil grabe kung lumuha siya parang walang bukas. after nun mga paramdam na lang naranasan ko. hehe. okay lang. fun. lol.
  40. ang pangalan ko ang pinakamaikli sa aming magkakapatid. at may pattern na dapat may j at m. haha pero muntik na akong magkaroon ng second name na christian. kuya ko dalawa names niya tas yung bunso tatlo. ako lang isa. unfair! haha
  41. speaking of pangalan, ang maikli kong pangalan ay combination ng paboritong artista ng nanay ko at ng sa tito ko na bunso nila.
  42. naikot ko na lahat ng pwedeng maging participation sa isang santa cruzan, naging tagabuhat nung arko, mamamayan na kasama lang sa prusisyon, taga-usyoso at naging escort ng isa sa mga sinasagala. sayang hindi ko naexperience maging reyna elena. charos pempengco!
  43. dati nagpapanting ang tenga ko kapag sinasagot ako ng 'wala akong pakialam!' haha ngayon medyo na lang. kasi nakakapikon lang na ikaw na nga nagsheshare ng something tas sasabihan ka ng wala silang pakialam. haha
  44. pangarap kong makapag-aral sa ibang bansa. gusto ko ring mag-MA kasi binabalak kong magturo someday kapag gusto ko na lang ng tahimik na buhay.
  45. first time kong makaranas ng bagsak na grade noong first year college at sa dalawang subject pa. so muntik akong makick out! kasi isang subject na lang masisipa na ako sa uste. so naforce akong magsummer. boo. iniyakan ko yung mga bagsak na yun ha! ahaha well at least after nun hindi na naulit pa ang mga ka-singkuhan!
  46. simula grade one hanggang grade six may girl crushes pa ako. akalain mo yun?! pero alam ko na nun na there is something different na sa akin. ginugusto ko nun maging red ranger hindi dahil sa idol ko siya pero narealize ko ngayon na kasi crush ko siya. haha high school ko sinumulang yakapin ang aking sexuality. :)
  47. kung bibigyan ako ng pagkakataon mabuhay ulit, gusto kong subukang mabuhay naman as a straight man hindi dahil sa kinahihiya ko kung ano ako pero gusto ko lang malaman kung paano nga ba magiging takbo ng buhay ko kung hindi ako becky. pero of course wala naman akong pinagsisisihan sa buhay ko ngayon.
  48. may mga interesting na hula sa akin na mula sa iba't-ibang 'seer' ang tumatak sa akin. may hula sa akin na sisikat daw ako someday at yung pinakainteresting naman na nakita sa future ko ay yung pangatlong taong mamahalin ko at magmamahal sa akin ay ang papatay sa akin o ang ikapapahamak ko (basta something to that effect. hehe). shet so kailangan dapat makadalawa lang ako. haha
  49. aside from sa buong pilipinas, gusto kong makapagtravel sa ibang bansa. 
  50. kahit na kilala ko na ang sarili ko marami pa rin akong bagay na natutuklasan na kahit ako mismo ay kinagugulat ko. masayang umalis sa comfort zone paminsan. :)
whoa! haba nito a. :p

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...